"Ala ala bangag ka ba? ano gagawin mo jan bubulukin mo..akina kung ayaw mo gutom na ako no!!!." amputek na lalaki to ang hirap kung ginawa yun tapos ayaw niya!!!
"anu ka! gustong gusto ko kaya nga ayokong kainin..special to binigay mo ei tsaka ang ganda ng design sayang naman.."
?????????
teka nabingi ba ako???
alam kong maganda yung gawa ko dun sa cake pero...
di niya kakaenin dahil sayang..
at dahil maganda!!!!
ano to lokuhan..konti na lang pepektusan ko na talaga to!!!
"oh bakit natahimik ka jan!! tama ako di ba?" napalingon ako sa kanya..
"baliw ka na ba? pano masasayang yan ei pagkaen yan..at hello idisplay? sa tingin mo pwede yun.."
sira ulo yata tong lalaking to..
"heh basta akin na to kaya walang bawian..kung gusto mo ng cake madami sa loob halika dun.."
at umalis na siya wala akong nagawa kundi sumunod gutom na kaya ako..
tama naman siya madaming pagkaen sa loob kaya di ko na napansin yung cake na bigasy ko..
"wow good mood na yata si Ren anu pinakaen mo???" tanong ni Macky.
"Ano ka ayaw niya ngang kaenin yung cake na binake ko..may pagka abno rin un.."
"wahahahah parehas lang kayo girl.." sagot naman saken ni Ana..
"OK everyone, i have a little announcement ngaun ngaun lang ay dumating ang aking special friend together with her family.. Welcome family Dedoza.."
napatingin kami sa maliit na stage nakita ko dun ang mama ni Ren at may mga kasama siya isang matandang babae na kasing edad ng mama ni Ren at isang babae at lalaki na kasing edad naman namin ni Rien....
napalingon sakin yung lalaki..ngumiti naman ako at ganon din siya pagkatapos nun hinanap ko ng tingin si Ren para sana tanungin kung sino ung lalaki..
ng mahanap ko na siya napakunot noo ako..
nakatitig siya dun sa babaeng nasa stage at ganon din yung babaeng nasa stage nakatitig din kay Ren..
"Girl wagas naman makapagtinginan yung dalawa pansin mo girl?" tanong ni Macky kay Ana..
"oo nga parang may nakaraan sila no.." sagot naman ni Ana..
"Meron nga..may nakaraan nga sila.." sabat ni Jeth
"hindi niyo ba siya kilala??? si Angela Dedoza yun ang sikat na ballerena sa Europe kahit na bata pa siya.." dagdag pa ni Pj
"Siya rin ang dahilan kaya medyo..masunget si Darren.." si Tj naman..
Angel Dedoza( Baer Suzy) at the right side
---------->
"Ano ba kayo tama na nga alam nio namang andito si Arkin kung ano ano pinagkukuwentuhan niyo..!!" buti pa yung pinsan ko nakaramdam..
di ako nakapagsalita parang may mali sa naramdaman ko...
parang may masakit..
parang natakot ako..
napatingin ulet ako kay Ren ewan pero parang gusto kong magalit sa kanya..
sa pagtitig niya sa babaeng yon..
ng mapansin yata niyang may nakatingin sa kanya binawi niya tingin kay Angela.. naghanap siya ng tingin at ng lumingon siya sa side namin..
nakita ko kung gano kalito yung mga mata niya..
. . . . . . .
after a decade ngaun lang nagUD ulet ahhahah..
pasensiya na dedicated na guro po..
enjoy reading and hope yeah like it..
Ms. L