#Fear 64: NEMREELINE

2.7K 65 4
                                    

#Fear 64: NEMREELINE


Ree's POV

"So, ano na ang gagawin natin next?" Tanong ko kay Celine habang nakaupo kami sa isang bench sa loob ng Zefirelli Grande Mall.

"I guess you have to confess, fake boyfriend." Ngumiti siya nang matamis sa'kin.

Matamis ang ngiti niya pero may iba akong nakikita sa mga mata niya. Hindi ko mabatid kung ano ang emosyong yun, pero sigurado akong hindi iyon positibo.

"Ah...sigurado ka ba, Lin? Parang tagilid pa'ko sa kanya eh."

"Anukaba! Hindi mo pa ba nakikita?"

"Ang alin?"

"You serious?" Nilingon niya'ko nang may dismayado at hindi makapaniwalang tingin.

"Eh..." Napakamot ako sa batok ko nang wala sa oras. "Sabihin mo, ano ba yung hindi ko nakikita?"


Gusto ko lang makasigurado.


"Ts." Inirapan niya'ko at tumingin siya sa harap niya kaya naka-sideview na siya. "Yung mga reaksiyon niya kapag nakikita niya tayong magkasama. Yung mga sinasagot niya kapag kinakausap mo siya. I told you, Ree. She's an open book, kaya madaling basahin ang mga nararamdaman niya."

"Ganun? Nakikita kong parang lagi siyang nakabusangot sa'tin pero baka naman dahil lang yun sa nababanas na siya sa ginagawa natin

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Ganun? Nakikita kong parang lagi siyang nakabusangot sa'tin pero baka naman dahil lang yun sa nababanas na siya sa ginagawa natin." Hindi ako assuming eh.

"Hay!" Humalukipkip siya. "Iba yung nababanas sa nagseselos, Ree! Just you know!"

"Nagseselos? Si Nemsey? Weh?" Ayoko talagang maniwala.

"ARRGGGHHHH!" Inis niyang sinabunutan yung sarili niya. "Kaya hindi nagiging kayo eh! Ang manhid mo kasi! Pati na torpe ka pa!" Nilingon niya'ko at tinitigan nang masama.

"Uy grabe ka naman. Hindi kaya ako torpe. Gusto ko lang manigurado."

"Pwes sigurado nga akong gusto ka niya! Bestfriend ko siya kaya alam ko at sigurado ako dun!"

"Paano?"

"Nung reception ng kasal nina Zypher at Xenzel, diba naging partners kayo?"

"Oo." Tumango ako.

"Hindi ko alam kung ano yung ginawa at pinag-usapan niyo bago natapos ang oras niyo, basta nung nasa room na kami, nakita kong namamaga yung mga mata niya at halatang-halata talagang katatapos lang niyang umiyak."


Napahinto ako't napako yung tingin ko sa mukha niya.


Ghosts and GangstersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon