Nang dahil sa isang litrato, nabago ang takbo ng aking mundo.
Nagsimula sa paunti unting silip, paunti unting tingin, paunti unting pagkuha ng impormasyon, hanggang sa dumating na nga ang araw na nahulog na ako sa sinasabing imahinasyon.
Imahinasyon na makikita kita.
Imahinasyon na mahahawakan kita.
Imahinasyon na matititigan ko ng matagal ang mga mata mo.
At imahinasyon, na maaari mong ibigin ang tulad ko.Isa kang bituin sa akin.
Ikaw ang nagbibigay ng liwanag ngunit mahirap kang abutin.
Pag punta palang sa iyong konsiyerto hirap na hirap na ako, paano pa kaya ang ibigin mo ako?
Para kang karakter sa isang piksyon na istorya. Nababasa kita pero kailanman hindi kita makukuha.
Dahil maraming nag hahangad sa'yo. Hindi lang ako. Marami kaming nag aasam.
Marami kaming nahuhulog sa imahinasyon, pero para sa akin makita lang kita, katuparan na iyon.Kung alam mo lang, halos nabuhos ko na ang luha ko sa'yo.
Na minsan iniisip ko, sana pag gising ko kaya ko ng pumunta sa kinaroroonan mo.
Kaya na kitang makita na wala akong nararamdamang hirap sa puso ko.
Na minsan sinubukan kong tumigil.
Sinubukan kong bumitaw sa kagustuhan at imahinasyon ko.
Pero para akong pumasok sa pasikot sikot na daan na walang kasagutan kung kaya ko bang lumagay sa katahimikan.
Yung walang litrato mo sa umaga.
Walang kanta mo sa gabi.
Yung walang pag papantasya sa bawat sandali.
Yung minsan hiniling ko na sana kaya ko na.
Kaya ko nang hindi umiyak kapag di ako nakapunta sa konsiyerto mo.
Kaya ko nang tiisin na hindi kumuha ng litrato mo.
Kaya ko nang burahin at hindi makinig sa kanta mo.
Sinubukan ko. Pero hindi talaga.
Kasi alam mo, sa'yo na din tumatakbo ang mundo ko.
At napagtanto kong, ang hirap ng labasan nitong pinasok ko.
Napakahirap.
Napakahirap pala talagang mahalin ang isang tao kung hindi ka naman niya kilala.
Isang taong 'tagahanga' ka lang naman sa mata niya.Pero sa kabila ng lahat ng ito, kailanman, hinding hindi ko pag sisisihan na naging parte ka ng buhay ko. Alam kong ang kasikatan ay lilipas din pero kahit kailan, ang mundo ko sa iyo ay hindi ko lilisanin.
BINABASA MO ANG
Spoken Words
PoetryPara sa mga taong nasaktan at iniwan. Para sa mga gustong magbasa ng mga TULANG MAY HUGOT.