Sam Ricks:
Galit na galit ako kay Nick ngayon! May gana pa talagang pumasok?! Alam ko na nangyari kay Kaith. She's in the hospital, and until now she's still unconscious... super daw nasaktan sa nangyari between them! Jusme, kung di lang masamang pumatay ng tao, nagawa ko na sana sa lalaking iyon eh!
2 days na ang nakakaraan and as i was saying earlier, Kaith is still not awake. Araw araw after class pumupunta kaming tatlo sa ospital. Ako, si Dara at Mico. Pero madalas si Mico ang nandun... di niya iniiwan si Kaith. Si Dara anman panay ang iyak kapag nandun kaya ako rin nahahawa sa kagagahan niyang pag-iyak. Di ko lang magets kung bakit hindi pa siya nagkakamalay eh ang kwento sa akin super affected lang siya sa nangyari sa kanila ni Nick... Labo noh?
"Mr. Gomez, you're late again. Second time mo nang nale-late sa class ko. What's wrong?" late na naman si Mico.Siguro nanggaling muna siya sa ospital para puntahan si Kaith bago pumasok...
Itong mga nakaraang araw, simula nung ma-ospital si Kaith, matamlay parati yung dalawa, si Mico at Dara. Super lungkot nila. Naiintindihan ko naman na dahil sa kaibigan namin kaso yung lungkot nila super iba kesa sa lungkot na nararamdaman ko...
"Sorry po Miss." nag-sorry lang siya at naupo na.
Napatingin ako sa side kung saan nakaupo si Nick... Nandun lang siya at nakatitig sa bakanteng upuan ni Kaith. Alam na yata ng lahat yung nangyari kay Kaith. Pero hindi nila alam kung ano ang totoong lagay niya. Maski ako hindi ko talaga alam kung anong kundisyon niya eh. Ewan... mukhang pinaglilihiman yata ako nung dalawa. Kapag nagtatanong kasi ako, dedma ang beauty ko eh kaya di ko na lang kinukulit. Obvious naman kasing hindi maganda eh.
"Mr. Alvarez! You're not paying attention!" napatingin kaming lahat kay Miss Lopez.
"Alam kong you're worried about your girlfriend but can you at least listen to my class??" worried??? tse! siya nga may kasalanan kung bakit nasa ospital kaibigan ko noh! hay!
Grabe... ang lungkot ng SMU. Ewan ko. Iba atmosphere... Yung barkada bihirang makausap... kaming tatlo nina Marco at Vince lang yata ang nag-uusap eh... Si Nick, nakahiwalay. Kasama si EX. Isa pa sa kinaiinis namin yan eh. Parang walang pakialam kay Kaith. Arrrrrggghhh! Naiinis talga ako! Nakuha pang sumama sa iba samantalang yung girlfriend niya nandun sa ospital at di mo alam kung kelan gigising!
Kahapon nga muntik na namang magsuntukan sina Nick at Mico. Napakamanhid kasi ni Nick. PArang biglang naglaho yung pagmamahal niya sa kaibigan ko. Di ko alam kung anong pumapasok sa utak nung lalaking iyon. Kaya nga gusto ko makapatay ng tao diba??!
Natapos na klase namin kay Miss Lopez. Wala na naman akong natutunan dahil hindi ako nakikinig... Super dami kasing iniisip eh... Pagkalabas ng teacher namin agad ko na inayos yung gamit ko... ready to have a break!
"S-sige po! Pupunta na ako diyan!" napatingin kami kay Mico na amy kausap sa phone. After niya ibaba yung phone tumingin siya sa amin
"Guys, si Kaith!" lahat kami napatingin sa kanya at nakuha ang atensyon kahit si Nick nakaabang
"Anong nangyari kay Kaith?!" agad kong tinanong. baka kung anong nangyari. Wag naman po sana masama please
"Ano daw? Good news ba yan Mico? Don't tell me..." nag-aalalang tanong ni Dara sa kanya
"Hindi!" ngumiti siya... so ibig sabihin??
"So..." gets na naming dalawa ni Dara yung ngiting pinakita sa amin ni Mico... kaya napatalon kami sa tuwa at nagyakapan kaming dalawa
"Tara na puntahan na natin siya!" nag-nod kami parehas... Kinuha na namin yung mga bag namin... Aabsent kami sa next class namin dahil excited na kaming makita si Kaith... Gising na siya! Gisingn na kaibigan namin!!
Sabay kaming tatlong lumakad palabas
"Pwede ba tayong mag-usap??" napahinto kami nang makita namin si Nick na nakahawak sa braso ni Mico.
"Mauna na kayo sa parking lot. hintayin niyo na lang ako sa tapat ng sasakyan." nag-nod na kami parehas at nagpunta na sa sinabi niyang lugar.
Pagdating namin dun, agad kaming naupo muna malapit para dun na lang namin hintayin si Mico.
"buti naman ligtas na si Kaith!" naiiyak na sinabi nio Dara
"Oo nga! Buti walang masamang nangyari sa kanya." nakangiti kong sinabi
"Kung di niya nalampasan ito, malamang,,," pinutol ko sasabihin niya malamang kasi momoment na naman itong si Dara eh tapos idadamay pa ako sa pagmomoment niya!
"Tama na... at least diba ligtas na siya??" nag-nod siya at ngumiti... buti naman at umaliwalas na aura niya... kung makikita ni Kaith si Dara nung nasa masamang kalagayan siya, malamang nasapak ni Kaith itong babaeng ito,... Daig si Vilma Santos kung mag-emote! Kaloka...
"Oh, ayan na si Mico..." napatingin ako sa direksyon kung san nakalingon si Dara
Pagkakita namin sa knaya, may pasa na siya sa bandang gilid ng labi niya...
"Anong nangyari sa mukha mo??" tanong ko
"Ah..." napahawak siya dun sa parteng iyon "wala ito" ngumiti lang siya "Tara na?" tapos naglakad na papunta sa sasakyan niya
"Anong ginawa ni Nick sayo?? Mag-uusap lang kayo diba?? Bakit nagkaganyan ka??" walang hintong pagtatanong ko sa kanya habang pasakay kami sa sasakyan niya
"Wala nga ito... makulit yung isa eh... nasapak ko tuloy kaso gumanti kaya ito resulta" haaay... ano ba naman ito...
"Yari ka kay Kaith kapag nakita niyang ganyan itsura mo." banta ni Dara sa kanya
"Wag niyo na kwento kay Kaith about dito ah... walang magbabanggit ng pangalan ni Nick kapag nandun na tayo... baka makasama pa sa kanya,,," Nag-nod na lang kaming dalawa
BINABASA MO ANG
Misfortunes of Love (MOL)
Teen FictionSa isang relationship, parati na siguro kakambal ang LQ o pagtatalo hanggang sa magkakalabuan tapos magkakasiraan na at kung di na kayang maayos pa, worst na kapag humantong na ito sa break up. Pero minsan, may mga relationship na kung tutuusin, alm...