Chapter January 4.1

246 9 6
                                    

ML/N: dedic po ito sayo miss inah! ^_^

eto na ang chapter 4

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

KTJ Chapter 4 part 1

Third person POV

Sa kalagitnaan ng gabi at naka'kabinging katahimikan sa paligid. Isang bulto ng katawan ng tao ang walang kahirap-hirap na nakalusot sa mga nakabantay sa mansion ng mga Shin.

Sa liksi ng kilos ay maihahalintulad ito sa pusa. Mabilis at maingat ang mga kilos nya upang hindi makagawa ng ingay. Suot din ng taong ito ang kanyang personalized mask.

Pagkatapos nyang makabitan ng devices ang lahat ng cctv camera sa first floor ng mansion ay maingat syang umakyat sa ikalawang palapag. Ngunit napatigil sya sa pag-akyat ng may maaninag syang tao na nakatayo sa veranda. Lumapit dito ang isang naka black suit na lalake. Nagtago sya agad sa isang nakabukas na kwarto malapit sa kinaroroonan nila, Sapat na upang marinig nya lahat ng pinag uusapan ng mga ito.

Pagkatapos nya marinig lahat ng pinag usapan ng mga ito ay agad nyang tinapos ang dapat na gawin. Bago nya tuluyang lisanin ang mansion ay pumasok ulit sya sa kwarto na pinagtaguan nya kanina. Mabilis na kinuha nya ang pakay. Mabilis at maingat nyang nilisan ang mansion ng mga Shin. Walang ka alam-alam ang mga tao sa mansion na napasok na pala sila ng kaaway.

******

Nasaktan si tristan sa naging pag uusap nila ni Tiffany kanina sa bar. Hindi nya alam kung nagpapanggap lamang ba ito o hindi talaga sya nito kilala? Ngunit imposibleng hindi sya makikilala ni tiffany, Naging fiancee pa nga nya ang dalaga bago mangyari ang isang aksidente na ikinasawi ng mga magulang ng dalaga.

One year ago ay naganap ang isang plane crash sa silangang bahagi ng cebu at kasama doon si Tiffany at ang mga magulang nito. Natagpuan ang mga katawan ng mga magulang ni Tiffany ngunit hindi na natagpuan ang katawan ng dalaga magpahanggang ngayon.

Hindi rin sya sumuko sa paghahanap dito at uma-asa pa rin sya na buhay pa ang babaeng mahal na mahal nya. Kahit na ang sabi ng mga rescuer at imbistigator ay wala ng pag-asa na mahanap pa ito ay hindi sya sumuko. Kaya laking pasasalamat niya at nakita nya ito kagabi. 

Talagang magkamukhang magkamukha yung babae sa bar at ang ex fiancee nya. Walang pinagkaiba, maging sa pananalita nito ay parehong pareho sila. Imposible ring may kakambal ito dahil only child lamang si tiffany. 'Posible kayang nagka amnesia sya at hindi nya lang ako ma'alala?' Tanong ni tristan sa sarili habang umi-inom na naman sa mini bar ng mansion nila.

Mag-isa lang sya ngayon dahil nasa ilo-ilo ang nag-iisang kapatid nyang babae. Simula noong mamatay si zed ay nag transfer na sa JSA ilo-ilo ang kapatid nya para na rin sa kaligtasan nito at higit sa lahat para makalimot. Ngayon wala syang ibang karamay sa pighati na pinagdadaanan nya kundi ang mga katulong sa mansion. Hindi rin maasahan ang mga magulang nila dahil puro negosyo ang alam ng mga ito. Oo para sa kanilang magkapatid ang ginagawa nila. Ngunit hindi ba nila alam na mas kailangan nila ng pagmamahal bilang magulang keysa sa financial?Napabuntong hininga sya ng malalim.

''Honey i miss you so much please come back to me!'' Bulong nya sa hangin kasunod ng pagpatak ng mga luha sa mga mata niya.

"Young master tama na po yan nakararami na po kayo." sabi ng kanyang butler na si moris.

"Bakit hindi nya ako makilala moris?'' Wala sa sariling tanong niya.

"Hindi ko po kayo maintindihan young master." Naguguluhang tanong ni butler moris.

Killer Thieves Jewels [on-hold]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon