"Hoy, Carla, saan ka galing?" tanong ni Pippa na parang iritable.
Umangat ang tingin ni Carla sa boses ni Pippa. Si Pippa ay matalik niyang kaibigan, madalas ay sabay silang naglalakad papasok sa school tuwing umaga. Samantalang si Carla ay nasa aklatan, naghahanap ng pinaka makapal na diksyunaryo.
Umaasa siyang may makita at mabasa siyang kakaiba sa nakita niya na sa online searching. Tumingin siya sa libro at tili tinatatak sa utak ang mga impromasyon na naroon bago pa niya tuluyang pansinin ang kaibigan.
"Pasensya na, kailangan kong pumunta sa library para homework ko eh," pagdadahilan ni Carla.
"Eh ba't hindi ka nagtext?" tanong ni Pippa.
"Sorry na nga," sabi ni Carla. Naiintindihan naman ni Carla ang pagkadismaya ng kaibigan. Kung siya man ang hindi sabihan at iwan sa ere, siguradong magmamaktol din siya.
Pero simula noong kaganapan nung nakaraang hapon, tila wala sa ulirat siyang kumikilos. Hindi na niya alam kung paano pa bumalik sa dati, habang alam niyang meron siyang kakaibang naranasan.
Bumalik ang utak niya sa kababasa palang na teksto mula sa sinara niyang diksyunaryo.
Kinahinatnan: a) Bagay na bunga ng kahit anong aksyon, b)resulta, kinalabasan, epekto
Determinado siyang siguraduhin ang mga salitang narinig niya at kung ano ang mga kahulugan nito, kaya naman maaga siyang pumunta sa aklatan. Nabanggit nung lalaking si Jairus na , "huli na ang lahat" pagbinuksan nya ang mga mata niya, kasunod noon ay may masamang mangyayari.
Binuksan nya ang mga mata siya. Ang hindi niya alam ay kung gaano kasama ang kahihinatnan ng ginawa nya. Hindi naman nakatulong ung diksyonaryo.
Noong hapon na iyon, ginugol ni Carla ang bakuran nila, pinagmamasdan at sinusuri ng mabuti ang bawat halaman kung meron pang bakas ng mahika tulad ng nakita nya (tuwa lang ng tatay nya, na hindi makapaniwala sa bigla niyang pagka-interes sa mga halaman). Nang gumabi na, sumuko na siya. Ramdam nya para siyang sira-ulo.
Noong oras ng nag pagtulog, hindi nya magawang maantok. Kakaiba ang nararamdaman niya, at hindi nya mapaliwanag. Parang sa loob nya ay may parang kung anong gustong lumabas at ramdam niyang tumitindi ang pakiramdam na iyon, hindi nya lang alam kung ano.
"Hoy! Andyan ka pa? Nasa mundong ibabaw ka pa ba?" sabi ni Pippa habang kumakaway sa mukha niya.
"Sorry..." simulang sabi ni Carla, pero pinigilan siya ni Pippa.
"Tama na ung sorry. Tara na sa registration. Malay mo swertehin tayo sa Math."
Pinulupot na nya ni Pippa ang kamay niya sa braso ni Carla, at hinila na sya papunta sa classroom. Isinantabi na muna ni Carla ang isipin patungkol kina Dex at Jairus. Pag-aaral muna. Mamaya pag nasa bahay na ulit siya mag iisip patungkol sa mga bagay na'yun.
Nakailang lingon at titig si Pippa kay Carla, na tila alam niyang may kakaiba sa kaibigan.
Parang sila Dex at Jairus, , matagal ng magkaibigan sina Carla at Pippa, simula pa noong bata pa sila. Ngayon ay pareho na silang nasa ika-tatlong taon sa highschool, at hanggang ngayon ay matibay pa din ang pagkakaibigan nila.
Si Pippa ay kasing tangkad ni Carla, mahaba din ang buhok na medyo may kayumanggi. Ang mga mata ni Pippa ay kulay tsokolate. Mahilig din mag tali ang kaibigan, iba't ibang style kada araw, kaya naman malayo nag itsura nila sa isa't isa.
Kahit sa ugali ay magkaiba sila. Si Pippa ay ung tipo ng taong praktikal, gawa muna bago ang tanong. Samantalang si Carla ay ma-ilusyon. Minsan ay dahilan ito ng pagtatalo nila, pero mas nagkakasundo pa sila lalo.
YOU ARE READING
Tamahika
FantasyHindi naniniwala si Carla sa mahika. Para sa kanya gawa-gawa lang ang mga ito at pakulo ng ibang tao. Wala talagang totoong mahika.Hanggang dumating ang isang araw na nagbago ang kanyang pananaw. Kung ikaw si Carla..Bubuksan mo ba mga mata mo...