1 Goodbye Team

25 1 0
                                    

Chapter 1- Goodbye Team

Daniela.

Hapon ngayon at may training kami sa swimming, 4:00 pa ang training namin, pero gayak na gayak na ako ng 3:00. Ayaw ko kase ng nagmamadali, gusto ko yung wala ng problema.

Eh eto namang magaling kong kapatid na si Kuya Don. Pahuli huli lagi. Ako ang laging tinatanong. "Nasan na si Don?" "Magsiswimming ba si Don?" Sawang sawa na ako sa mga yan.

Wala akong nagawa kundi maghintay nalang. Nakakaboring naman, makapagcellphone kaya.

Kinuha ko ang cellphone ko sa kama ko at humiga. Nakita kong may chat sakin ang bestfriend kong si Katkat.

Katkat:

Uy Bessyyy! Magtetraining ka mamaya?

Nireplyan ko sya agad

Ako:

Oo naman. Ikaw ba besy?

Katkat:

Oo.

At hindi ko na sya nireplyan.

Hindi ko na namalayan na nakatulog na pala ako. Tiningnan ko ang oras at 3:58 na. Shit malapit na pala mag 4. Nako papagalitan ako ni coach

Nagdali-dali akong lumabas sa bahay. Sumakay ako sa tricycle at nagpababa sa  Atlantic Resort, kung saan kami nagtetraining.

Pumasok ako ng mabilis sa gate. Nakita ko silang lahat na nag-iistreching na. Shet patay talaga ako nito. Ugh, I hate penalty.

Ibinaba ko ang gamit ko at dahan dahang naglakad papunta sa kanila. Nakakahiya talaga, first time kong ma-late ngayon.

Sumunod ako sa linya nila at nagstreching nadin. Kinabahan ako ng kinausap ako ni coach. Putek ka talaga kuya! Iniwan mo ako! That's so unfair!

"Deegee, bakit ka na-late" seryosong sabi ni coach.

Napatingin lahat sakin ang mga ka-team mates ko. My gosh kinakabahan ako.

"C-coach, n-nakatulog p-po ak-ko" nauutal kong sabi.

Tumingin si coach sa mga mata ko at mas lalo pa akong kinabahan.

"Ok lang, abot ka pa naman" sabi niya.

Thank you thank you! Safe ako ngayon! Wala akong penalty! Pero sabi kase dapat bago mag 4:00 eh nandito na.

Tiningnan ko si Kuya at dinilaan ko siya. Inirapan niya ako. Aba ang arte netong Kuya kong ito.

Oo nga pala. I am Daniela Gail del Mundo. You can call me Deegee if you want. I'm 13 years old, swimmer ng MRSC. Player ako ng MIMAROPA at isa akong 2-time Palarong Pambansa delegate. And also, I am the most outstanding swimmer in elementary girls. Magaling din ako sa photography. I also love singing and dancing. Nagpapasalamat ako kay God dahil binigyan niya ako ng ganitong talento. At idol na idol ko si Michael Phelps. Graduate na ako ng elementary at iniisip ko pa kung saan ako maghi-highschool.

Natapos kaming magstreching at nagsimula na kaming magtraining. Madali lang naman eh. Warm up, load, main set, sprints tapos swim down na.

6:00 kami natapos. Lagi kaming 2 hours sa training. Umuwi na ako at naligo.

"Daniela, kamusta training niyo?" Sabi ni mommy.

"Okay naman mommy, madali lang" sabi ko.

"Saan ka nga pala papasok ngayong highschool?" Sabi ni mommy.

Hala oo nga, saan ba ako papasok? Iniisip ko kase sa Calapan. Gusto ko kase dun kase nandun yung Ate ko, Si Ate Ely. Bestfriend ko siya at para na kaming magkapatid. Kapatid na nga ang turing namin sa isa't isa eh. Mag-ge-grade 10 na sya. 16 years old siya at nag-aaral siya sa Divine Word College of Calapan (DWCC).

"Bahala na mommy." Sabi ko.

"Sige, pag-isipan mo" sabi ni mommy.

Biglang bumaba si Kuya, ang kapatid kong gwapo. Nakakainis siya, dapat siya lang daw ang gwapo sa paningin ko at wala ng iba. Hay nako, kailan pa ba niya matatanggap na pangit siya? Sabagay, gwapo naman talaga si Kuya eh.

"Don! Kumain ka na dito" sabi ni mommy kay kuya.

Sumunod naman si Kuya at umupo sa tabi ko. Ano ba yan, puro siya cellphone. As in hindi niya mabitawan. May girlfriend na kaya ito?

"Kuya Don" tawag ko kay kuya.

"Oh" sabi niya. Ano ba yan ang tipid niya sumagot.

"May girlfriend ka na ba?" Napatigil siya sa pagcecellphone at tumingin sakin.

"Wala noh" at nag iwas na siya ng tingin.

Hmmmm saan kaya ako papasok? Sa Calapan nalang siguro. Yun naman talaga ang desisyon ko nung grade 5 palang ako eh. Sabi pa nga nina Katkat at Janna eh ang swerte ko daw kase magiging kaklase ko si Zam.

Si Janna nga pala ay bestfriend ko rin. Swimmer rin siya. Magbebestfriend kami nina Katkat simula pa nung grade 3 ako at grade 4 naman sila. Magkakaiba kami ng mga school pero hindi parin kami nagkakalimutan. Ganyan talaga ang mga tunay na kaibigan.

At si Zam? Nako napakagwapong bata neto. Crush ko siya nung grade 5 ako. Magkabatch kami, at sobrang lakas niya sa swimming. Natatalo pa nga niya yung ibang mga highschool eh. Saka lumalaban talaga siya sa ibang bansa at gold medalist siya ng Palarong Pambansa. Galing noh? Swerte siguro ng magiging girlfriend nun haha.

Kaso snob siya, famous na kase. Kaya ayun, unti unting nang nawawala ang mga feelings ko sa kanya.

Pero hindi naman dahil magiging kaklase ko si Zam kaya ako lilipat sa Calapan. Gusto din pati ng mga lola at lolo ko na doon na ako mag-aral.

Ang mga lola at lolo ko kase sa Calapan nakatira. Kasama na pati mga tita, tito at mga pinsan ko.

Mamimiss ko talaga ng sobra ang mga kateam ko. Sobrang babait nila at sobrang supportive. Napakalovely nila, mahal ko sila bilang kaibigan. Kaya nga " They call us TEAM but we call it FAMILY ".

At ngayon, eto na ang desisyon ko, sa Calapan na ako papasok. Kase yun din naman ang gusto ko at gusto ng pamilya ko.

The Unexpected Love (TUL) [ONGOING~]Where stories live. Discover now