2 Enrollment

13 1 0
                                    

Chapter 2

Daniela.

Umakyat ako sa hagdan at pumunta sa kwarto ko. Kinuha ko ang cellphone ko at binuksan ang messenger. Nagchat ako sa group chat ng team namin.

Ako:
Guys, lilipat na ako sa Calapan. Mamimiss ko kayo ng sobra. :(

At na-seen nilang lahat, aba online pala lahat haha. Ang bilis lahat nila magreply. Halos lahat ng mga reply nila ay mamimiss nila ako.

Grabe naiiyak ako kase iiwan ko sila. Grabe talaga nila ako ka-mahal. At ganun din ang pagmamahal ko sa kanila.

Humiga ako sa kama at nilagay ang cellphone sa tabi ko. Hindi ko namalayang umiiyak na pala ako. Hinawakan ko ang pisngi ko at basang basa ito ng luha. Mamimiss ko talaga sila.

Pinunasan ko ang luha ko gamit ang kamay. Bumaba ako para sabihin ang desisyon ko.

Napatingin si mommy sakin nang narinig niya ang mga yapak ko. Ayaw kong mahalata niya na umiyak ako.

"Why are your eyes red?" Sabi ni mommy sa seryosong tono.

"Mommy, s-sa C-calapan na po ako p-papasok" nauutal kong sabi.

"Okay" sabi niya. "Mamimiss mo ba sila?"

"Oo naman, mommy. Bakit naman po hindi."

"Sigurado ka ba dyan sa desisyon mo?"

"Opo"

"Sige, kumain ka na dito"

Oo nga noh, hindi pa pala ako nakakakain ng dinner. Ano kaya ang ulam.

Pumunta ako sa table, amoy palang alam ko na agad ang ulam. Inalis ko ang platong nakatakip sa bowl at napangiti. Paborito ko to! Thank you mommy! Ngayon nalang ulit ako makakakain ng adobong manok. Hindi ko nga alam kung bakit ko ito naging paborito eh. Basta masarap siya. Sobrang sarap.

"Thank you mommy" sabi ko at ngumiti

Napangiti din siya. "Alam ko kaseng paborito mo yan eh" at tumawa siya at tumawa rin ako.

"Oo nga pala, nasaan po si daddy?" Sabi ko.

"Pauwi na daw siya, ang dami niya daw kase ginawa kaya ginabi siya" sabi ni mommy.

"Ahh sige po" malungkot kong sabi.

Miss na miss ko na si Daddy. Simula nung nagkaroon siya ng work, hindi na niya ako masyadong pinapansin. Tanda ko pa dati, close na close kami. Siya pa ang gusto kong katabi matulog. Nakakalungkot lang.

"Oh, bakit ka malungkot?" Nag aalalang sabi ni mommy.

"Mommy, miss ko na si Daddy" sabi ko. Hindi ko mapigilan na umiyak.

"Tahan na, malapit na siyang umuwi. Ayaw niyang nakikita kang ganyan"

"Sige mommy, una na ako"

Umakyat na ako papunta sa kwarto ko. Nagtooth brush ako at naglinis.

Hayss, antok na ako. Makatulog na nga.

--

Nagising ako ng nakaramdam ako ng malamig na tubig sa buong katawan ko.

What the hell?! KUYA DOOOOOOON!!!

Binuhusan na naman niya ako ng malamig na tubig. Yan tuloy nabasa na yung kama ko.

"Kuya Don! Ano ba!" Naiinis kong sabi.

Tumawa siya ng napakalakas. "Maligo ka na, pupunta tayong Calapan ngayon." Sabi niya.

The Unexpected Love (TUL) [ONGOING~]Where stories live. Discover now