21. Courting Angelica

380 22 0
                                    

Lance's POV

Gumising ako nang maaga upang mahatid at maisundo si Gelica sa school namin. At heto na, malapit na ako sa bahay nila.

Pero, sa kabila ng lahat, akalain mo yun, nililigawan ko na siya. First time ko toh. First time kong magmahal nang totoo. Ewan ko ba kung anong meron kay Gelica at parang nabakla na ako. There's something magical about her. Something I can't explain. Isang bagay na nagpatino sa akin.

4 months ago

Ako si Lance.. Sobrang kilala ako sa school sa pagiging maangas, palaging may kaaway, at babaero. Isa akong basagulero, palaaway, at hearthrob. Pero nagbago ang lahat ng mga masama kong ginagawa nung dumating siya sa buhay ko. Isang babaeng hindi ko kayang ilagay sa listahan ng aking mga nilalaro. Siya ang naging dahilan kung bakit ginusto ko nang magbago at iwanan na ang pagiging gangster. May gang ako dati.. Pero matagal ko nang iniwanan yun nang dahil sa babaeng yan. Siya ang kauna-unahang taong nakapagpatibok ng puso ko at nagpaniwala saken na totoo ang 'love at first sight'. Medyo naging OA nga lang kasi sinadya kong maging masama dati para mapalapit sa kanya. Pero buti nalang at may Jake na tumulong saken upang mapaltan ang letseng sarili niya sa buhay ni Angelica.

Angelica's POV

"Nak! Gising na! Naghihintay yung manliligaw mo sa baba!"

Napamulat nalang ako bigla nang marinig ko yung sinabi ni mommy na 'manliligaw'. Ano daw yun?

Pinilit kong bumangon at nagligo na upang makababa na. Nakakahiya naman kasing paghintayin ang isang tao.

Bumaba na ako agad-agad pero hindi na ako nag-umagahan dahil ayokong paghintayin yung sinasabing 'manliligaw' ni mommy.

"Mommy, sige labas na po ako.. Hindi na po ako mag-uumagahan. Nakakahiya naman po dun sa naghihintay eh" pagkakamot ko sa ulo ko.

"Ah, sige, anak! Haha, nga pala, wag mo'ko poproblemahin ah? Hindi ako tutol sa relasyon niyo ni future anak ko" nang-aasar na pagngiti ni mommy.

"ah eh.. hehe.. salamat naman po" 

Lumabas na ako ng bahay at nakita ko si Lance na naghihintay sa labas.

Teka, bakit nga pala siya naghintay? So... siya yung manliligaw? 

Ay nako Angelica! Nakalimutan mo na ba? Sinabi mo ligaw muna. Kaya malamang manliligaw yan. Pero ang tanong bakit sa ganitong oras pa? Hindi ba pwedeng gabi or basta wala nang klase? Pero... aminin ko man o hindi, nakakakilig yung ginagawa niya haha. 

"Uy! Labs! Antagal mo akong pinaghintay dito ah?" nag-pout siya.

"Sorry.. Bakit ba kasi manliligaw ka pa ng ganito kaaga?" inis kong sabi.

"Sabi ko nga hindi na kita ihahatid" pa-walk out effect pa niya.

"Uyy joke lang! Syempre gusto ko rin nun. Para mabantayan kita.. Nako, baka hindi pa nagiging tayo eh may babae ka na naman" pagtataray ko. 

"Babae? Tss. Kailan pa ba ako nambabae nung nakilala kita?" nakangisi siya at bigla nalang akong niyakap. 

Grabe naman itong lalaking toh. Nakawan ba naman ako ng yakap?

Feeling ko tuloy nag-iinit yung mga pisngi ko.

"Uy, bakit ka nagbablush?" nakangisi niyang tanong.

Aba, pang-asar naman. So, namumula talaga ako? 

Tumalikod nalang ako at hindi siya sinagot.

Bigla-bigla niyang kinuha at hinawakan ang aking kamay at naglakad na.

Nakakakilig naman itong ganito. HHWW. First time ko toh.

First time except nung maliit na bata pa lang ako. Na sa'twing naglalakad ako sa kalsada ay hawak-hawak ko ang kamay ng aking mommy.

A/N: Hi po! Hello po sa mga readers ko at sa mga nagvote. Maraming salamat po! Dahil po sa inyo nareach ko na po ang 1k reads and 100+ votes. Thank you po sa inyong lahat. To God be the glory. Thank you again :) And sorry po kung short update lang toh. I promise po, next update magiging mahaba siya. Salamat po uli! Sana po hindi kayo magsawa sa pagsupporta ng mga stories ko. (kung meron mang supporter) hehe. Ayun lang po :) Have a nice day/night/afternoon! Gracias! 

Diary Ng Mga N.T.I.(Nagmahal Tapos Iniwan) {ONGOING}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon