Jake pov!Dinala ko na siya dito sa park pero hindi pa rin siya tumitigil sa kakaiyak kaya halos napapatingin ang dumadaan samin.
"Lory naman eh! Tumigil ka na nga sa kakaiyak mo! Pinagtitinginan na tayo oh. Baka sabihin nila ako ang nagpaiyak sayo."
Pero wala pa rin. Iyak ng iyak pa rin siya. Aaminin ko wala akong alam sa pagpapatahan ng babaeng nasaktan dahil ang alam ko lang ang magpaiyak at manakit ng damadamin ng babae.
"Ano ba yan para kang bata. Tumigil ka na Lory. Wala kang maaasahan sakin pagdating sa pagpapatahan dahil ako mismo ang nananakit at nagpapaiyak." napaunat ako ng braso ko sa sandalan ng upuan kung saan magkatabi kamung nakaupo.
"Kapag hindi ka tumigil hahalikan kita. Isa...Dalawa..." pero parang wala siyang balak tumigil sa kakaiyak dahil nakayuko lang siya at umiiyak. "Nakakabadtrip naman oh! Hahalikan na talaga kita Lory." pero parang wala pa rin kaya hinila ko na lang siya papuntang kotse ko. Dalhin ko kaya to sa hotel. Patay ako nito kay Xander. Panigurado yun.
*************
Dito ko siya dinala sa isang lugar na kung saan bihira lang ang tao atleast walang makakakita samin dito kaya kahit umiiyak siya walang makakakita samin. Dito rin kami madalas tumambay ng barkada kapag gusto naming magrelax. Para siyang patag na may malaking puno kung saan makikita mo ang buong syudad sa baba. Bago ko soya dinala dito bumili muna ako ng mga pagkain dahil kanina pa ako nagugutom at ngayon nakalapag yun sa damo kung saan kami nakaupo.
Nangangalahati na ang nalulusaw na isang gallon ng ice cream na kinakain ko pero siya mukhang luha niya yata ang gusto niyang ubusin.
"Mukhang wala na akong magagawa ngayon. Kailangan na kitang iuwi sainyo." tatayo na sana ako pero pinigilan niya ako. Ang lamig na ng kamay niya.
"A-ay-ayoko." putol.putol niyang sagot dahil nasisinok pa siya sa kakaiyak.
"Eh ayaw mo na lang tumigil sa kakaiyak. Baka sakaling tumahan ka na kapag naiuwi na kita sainyo."
"Ayo-ko. Plea-se."
"Ayaw mo naman pala. Tumigil ka na kasi sa kakaiyak." tumango.tango lang siya.
"Ten minutes dapat tumigil ka na sa kakaiyak." may tumunog na cellphone at hindi ko yun dahil hawak ko ang cellphone ko kaya sa kanya yun. Hinahayaan niya lang na tumunog yun. Hindi ko alam kung naririnig niya ba o hindi dahil nakafocus siya sa pag.iyak. Tumigil na ang tunog pero makalipas ng ilang minuto tumunog ulit.
"Akin na nga ang cellphone mo. Baka importante. Ako na ang sasagot." ako na mismo ang kumuha sa bag niya at sinagot ko ang tawag pero hindi muna ako nagsalita. Hindi ko naman alam kung sino to. Siguro naman hindi yung lokong lalaking yun itong tumatawag dahil hindi naman Mike ang nakalagay.
Blast calling.....
"Lory where are you? I'm sorry kakarating ko lang sa restaurant and sabi ng staff dito nagkita kayo ni Mike. Sabi ko naman sayo na sa iba na lang ta-..." nag.aalalang sabi ng lalaki sa kabilang linya.
"Ikaw pala ang nagyaya sa kanya na kumain sa restaurant na yun? Gago ka pala pare. Alam mo naman pala na pwede silang magkita dun bakit pumayag ka pa?"
"Who are you? Where's Lory?"
"Nagluluksa!"
"Tinatanong kita ng matino!"
"Huwag ka ng mag.alala. Kasama ko siya." binaba ko na ang tawag at inoff ang phone niya. Wala ako sa mood para makipagsagutan sa kanya. Tiningnan ko si Lory na pinipilit tumigil sa kakaiyak.

BINABASA MO ANG
The Billionaire's Fake Idiot Fiance
RomanceI'm not an ordinary man kaya mula bata hindi ko naranasan ang magkaroon ng ordinaryong buhay at mas lalo itong gumulo when I met this girl na unang babaeng naglakas ng loob na kalabanin ako. Yes, she is strong but she's not clever in short tanga siy...