Nag-aalala
Dahan-dahan kong minulat ang aking mga mata. Nilibot ko ang aking paningin at doon ko na lang napagtanto na nasa clinic pala ako.
Narinig kong nag-uusap si pakipot at ang nagbabantay ng clinic na medyo kalayuan sa akin. Nakita kong tumango si pakipot at umalis naman ang nurse sa harapan niya.
Nang maramdaman kong papunta siya sa kinaroroonan ko ay nagpanggap akong natutulog.
"Ezra..." rinig kong sambit niya at naramdaman ko ang kaniyang palad na nakahawak sa aking pulsuhan. Nabigla ako sa sobrang gulat na kaniyang ginawa. Minulat ko ang aking oh-so-magandang mga mata.
Nakita ko kung gaano nanlaki ang kaniyang mga mata at bumitaw sa paghawak sa akin.
"Is you why doing here?" Tanong ko na agad niyang sinagutan.
"Dinala kita dito para malaman ko sana kung buhay ka pa o hindi." Nainis ako dahil sa kaniyang sinabi. Bumangon ako para makaalis.
Inunahan niya ako sa pag-alis.
"Sandali! Saan ka pupunta, aber?!" Nakapamaywang kong sabi.
"Aalis po. Hindi ko kasi gusto ang hangin na ibinubuga mo galing sa iyong bibig!" Hindi ko gusto ang bumanganga ang lalaking ito. Kung makalait, akala mo gwapo... pero gwapo naman talaga siya.
Gusto ba nitong mamatay ako? Sabihin lang niya at ilulunod ko siya sa ilog.Napahawak ako sa aking ulo. Napatanong ako sa aking sarili kung ano ang nakabalot sa ulo ko na nasa itaas na parte.
"Saan ka naman pupunta?" Tanong ni pakipot sa akin habang pinipigilan akong umalis sa kama na hinihigaan ko. Umirap ako.
Ngayon ay pipigilan niya ako? Anong klaseng tao siya? Gusto niya naman akong mamatay.
"Aalis, gusto ko naman kasing mamatay na hindi sa harapan mo at baka marinig ko lang ang tawa mo. Thanks you but not thanks." Seryosong sagot ko.
Nakita ko ang ngisi na unti-unti ng bumuo sa kaniyang labi.
"Wait!" Sigaw niya nang nagpupumulit akong makaalis sa higaan.
"Before you go out, let me go first." Sabi niya at tumayo sa upuan na plastic at lumabas.
"Ano daw?"
Narinig kong tinawag siya ng babaeng nurse na mas matanda sa amin ng ilang taon lamang.
"Clay?" Napakagat ako sa aking sariling pang-ibabang labi. Clay pala ang kaniyang pangalan.
"Nars!" Sigaw ko. Lumingon sa akin ang nars at lumapit.
"Ahm, pwede na ba akong umalis?" Tanong ko.
"Naku, Miss! Kahit po kanina, pwede na." Mataray na sagot nito at umalis na sa tabi ko. Kung makasagot siya sa akin ay para bang ang tanga-tanga ko dahil sa aking tanong. Malay ko ba? Malay ko baka may bali na ang buto ko na hindi na ako makalakad? Makakaalis pa ba ako?
Lagot talaga sa akin ang nars na hipon na iyan. Maganda nga ang katawan pero hindi masikmura ang taglay nitong kapangitan.
Bumaba na ako sa kama at tinahak ang daan palabas ng clinic. Nang makita ko ang nars na babaeng nakatingin sa akin ng masama at handa na akong kainin ng buhay - dahil sa masarap ako ay inirapan ko siya at binelatan.
Pagkalabas ko ng clinic ay napahawak ako sa aking ulo. Ang sakit ng sugat ko.
Bitbit ko na ngayon ang aking bag papuntang gate para makauwi na. Tiningnan ako ng mga estyudante dito sa campus na may pagtataka at pandidiri sa akin. Inirapan ko na lang sila.
Hay, kung makatingin sila sa akin parang ang ganda na nila. Pasensiya na, nandito pa ako. Si Ezra Elizal, ang babaeng tatalunin iyang mga kagandahan niyo. Sosyal ng name ko, diba?
Nang makalabas ako sa eskwelahan ay agad akong sumakay ng tricycle na nakaparada sa harap ng campus. Sinabi ko ang aking lokasiyon.
"Sa tapat lang po ng simbahan, manong." Tumango naman ito sa akin at ng makalapit na ako sa aking destinasiyon ay tinuro ko ang bahay namin.
Matapos kong bayaran ang manong na mataba ay bumaba na ako. Pumasok na ako sa bahay at nadatnan ko si Ate Erika na nagwawalis sa labas ng bahay. Binati ko ito.
"Hello po, Ate! Si baby?" Tanong ko kaagad. Nginuso niya ang loob ng bahay nang tumigil sa pagwawalis. Tumango ako at dali-daling tinahak ang loob ng bahay.
"Kuya?" Sigaw ko ng makitang nagluluto ng pagkain si Kuya. Sa sobrang gulat ko ay hindi ako makapaniwala. Ito ang unang pagkakataon na makita kong gumagawa ito ng gawaing bahay. Pagkapasok mo kasi ng bahay, bubungad sa iyo ang maliit na sala pagkatapos mong lagpasan ang aming sala ay ang pinto naman ng kusina.
Katabi ng kusina na ang pumapagitan lamang ay ang dingding. 'Tapos banyo na namin at ang kaharap naman nito ay ang dalawang magkatabing kwarto. Ang isang kwarto ay kaming dalawa ni Mama ang gumagamit samantalang ang isa ay inaakupa nina Kuya at ng kaniyang asawa.
Lumingon sa akin si Kuya.
"Ang OA mo naman, Ezra." Komento ng Kuya sa akin.
"Syempre, O-OA ako dahil first time mangyari ito." Pagdadahilan ko, umupo ako sa isang upuan na nasa kusina at tiningnan si Kuya sa kaniyang ginagawa.
Hula ko ay pinarusahan sila ni Mama dahil kung hindi ay kanina pa akong nakakarinig ng kalabog sa loob ng kwarto at ako sana ang nagluluto ng hapunan.
Kinaumagahan, maaga na naman akong nagising ngayon. Papunta na akong kusina para kumain, nang marinig ko ang usapan nina Mama at Kuya.
"Mabuti naman at hindi kayo gumawa ng kababalaghan. Time out, time out din 'pag may time, Zake. Naku, kinakaawawa niyo ang inyong sarili, pinapagod niyo lamang."
Nang pumasok ako ay se-sermonan na naman sana ni Mader Earth ang Kuya kong alam ko na kanina pang naiirita sa pagse-sermon ni Mama sa kaniya,
Tumikhim ako para tumigil na sila. "Ma, tama na." Saway ko. Pinipigilan kong tumawa at umupo sa upuan.
"Kain na po tayo." Yaya ko at nagsimula ng kumuha ng kanin at ulam na nakahanda sa hapag-kainan.
Paglabas ko ng bahay ay nakita ko ang tricycle driver na panot ang ulo. Nakaparada ang tricycle na ginagamit niya sa harap ng simbahan. Nang makita niya ako ay agad siyang umikot at tumigil sa harap ko.
Hindi kasi akong marunong tumawid ng kalsada noon hanggang ngayon kaya pag-pupunta ako ng simbahan na nasa harap lang sa amin ay sumasakay ako ng tricycle. Iwas na din sa disgrasiya.
"Siguro naman ngayon, magbabayad ka na?"
"Oo, ano akala mo sa akin, walang pera?!" Pinaandar naman ni manong ang makina ng kaniyang tricycle. Nang makarating ako sa paaralan, bumaba muna ako at...
"Oops! Tatakasan mo na naman ako? Naku, bata ka! Ang panget mo na nga, ang hilig mo pang manloko!"
"Ay, manong, hindi makapaghintay?" Dumukot ako sa bulsa ng aking pantalon.
"Ito na nga, ho! Ito na!" Sabi ko habang ginagawa iyon. Nakita kong ngumisi naman si Manong nang makita niyang inaabot ko sa kaniya ang aking pamasahe.
Kinuha naman iyon ni Manong sa akin pagkatapos ay binilang ito. Tumalikod ako sa kaniya at handa nang umalis tutal ay bayad naman ako. Laking gulat ko na lang nang tinawag na naman ako ng panot na driver. Naiiritang nilingon ko siya.
"Ano na naman?"
"Kulang ng dalawang piso ang bayad mo."
________________
A/N: To be continued... Teleserye lang ang peg. LOL. Baka naman si Manong driver na panot at si Ezra na ang magkakatuluyan? Keri?
BINABASA MO ANG
Queen of Dulls #1 (MWLSM)
RomanceIsang babae na mas bobo pa sa iyo. Oo, tama! Sa sobrang kabobohan niya ay parang mahahawa ka na lang. Hindi mo namamalayan na paggising mo sa umaga ay bobo ka na at simpleng 1+1 ay hindi mo na alam kung ano ang sagot. Kapag binasa mo ito ay parang...