1 week na kaming walang lesson, ewan ko ba kung bakit hindi pa kami nagle-lesson sabi naman daw ng iba 'para daw makilala pa natin ang isa't-isa' pwe ano yun? 'Getting to know each other' ang peg namin? Duh.Ngayon daw yung rotation ng mga subject teacher kaya umayos daw kami. Isa pa din itong katabi ko na may butlig sa mukha ang tahimik sobra! Wala masabi? Tss.
"Section Tanod!" Sigaw ni Maam Macsyd. Oo, Tanod talaga yan hindi ko alam kung sino ba nagpa-pangalan sa mga section dito sa campus. Akala mo ikakasikat nila yung masyadong weird na name ng section. Tss
"Mag se-seating arrangement muna tayo, so pwede tumayo muna ang lahat tapos pumunta sa likod" utos sa amin ni Maam.
Nagsi-puntahan naman ang lahat pati ako sa likod.
Pagkatapos ng seating arrangement, Bigla akong nabanas paano ba naman katabi ko pa yung isang weird na walang buto yung ilong tapos sa pinaka likod pa talaga ako inilagay ni maam, medyo matangkad naman ako pero bakit likod pa? Buhay estudyante nga naman.
Umalis na si Maam tapos ang pumalit yung Science Teacher namin. Medyo mabait naman yung itsura niya kaya okay na din. May ilan din dito kagaya ng transferees na ayaw sa kanya. Well, kung ako din sa kanila parang ayaw ko rin.
''Good morning Grade 10 -Tanod. I'm Jepoy Tulingan. Alam niyo naman kung ano subject ako naka-assign kaya hindi ko na sasabihin. So, meron tayong activity ang tawag ay 'Getting to know Bee'." Mahabang sabi ni Sir Jepoy.
Pinaliwanag ni sir kung ano gagawin. Kailangan pala namin yun ipasagot sa mga classmate namin kung ano ba sila sa mga nakalagay sa papel tapos ilalagay yung name para lubos pa namin sila makilala.
May binigay si sir na papel sa aming lahat, pero bago daw magsimula yung activity, ni-remind kami ni sir na wag naman daw masyado maingay. Baka daw kasi magalit yung kabilang section.
After 5 minutes na paalala, Nagsimula na ang activity namin at ngayon ko lang nalaman na paunahan pala mapuno yung mga blank na puno ng pangalan nila.
Kaka-paalala lang ni sir na wag masyado maingay pero 'eto! Para kaming nakawala sa gubat kung magsisigaw dito sa room.
Isa nalang ang kulang sa akin, ang kailangan daw ay yung tao na mahilig mag travel. So, nagtanong ako pero yung iba hindi daw sila mahilig, mukha naman sila mayaman pero hindi mahilig? Ay ewan!
Nagmamadali ang lahat para mapuno ang papel na yun kaya naki-madali na rin ako. Kaya puro tanong ako sa mga classmates ko. Nang..
"Kuya! Kuya!" Tawag ko kay kuya naka puti, hindi ko naman kasi alam yung name niya.
"Ako ba?" Nagtatakang tanong ni kuyang puti. Kaya tumango ako sa kanya. "Bakit po?"
"Mahilig ka ba mag-travel?" Tanong ko pabalik sa kanya. Inaantay ko yung sagot niya na bigla siyang um-oo kaya agad ko sinulpot sa pagmumukha niya yung papel ko.
"Pa-fill up yung akin kuya!" Natutuwa kong sabi sa kanya kaya napangiti siya sa reaction ko.Nang natapos na niyang magsulat sa papel ko syempre nagpa-salamat muna ako, may galang naman ako sa katawan kahit papano. Tinignan ko yung sinulutan niya baka kasi mali yung nailagay niya at nalaman ko lang na pangalan niya pala.
Clyde Jake Alanzo
Wala akong kilala ganyang name kahit last year wala rin. Kaya nagkibit-balikat nalang ako at pinasa kay sir yung papel ko.
~~~~~~~~~~~
BINABASA MO ANG
Complicated
Teen FictionIt's when you're 'more than friends' but not really and it's like you are lovers when it's REALLY OTHERWISE.