Ako nga pala si Jane Entice Corpuz ang dakilang bestfriend na walang ginawa kundi ang piliin ang ikalulungkot nya para lamang sa ikasasaya ng kaibigan nya.
Naglalakad kami ni Andrea Maurice East ang best friend ko sa corridor nang biglang
"Be. Yung Crush mo oh yieeeee!"
At nandun nga sya nakatayo si Kris Will Cruz ang lab of my layp yieeee! *Kilig*
"Hi!" Masayang bati ko kay Kris
"Do i know you?" Tanong sakin ni kris hindi ako nakapag salita agad I'm stiffed!
"If you'll excuse me miss alis na ko busy akong tao btw ganda naman ng kasama mo sige na gotta go!" Masungit na pagpapaalam nya samin pero bago yun ay may mas kinagulat ako!
KININDATAN NYA KO O to the M to the G!
"Be nakita mo yun?!! Kinindatan ako ni kris! Omygosh im gonna die!" Kinikilig kong sabi
"A-ah O-Oo nga hehe sige na be punta na ko sa class ko baka hanapin ako eh sige bye!" Nauutal na paalam nya
"Teka lang be!" Habol ko pero tuloy tuloy pa rin sya
"Ano kayang nangyari dun?" Tanong ko sa sarili ko
Hays makabalik na nga sa classroom at makapag aral mabuti. *smiles* Hep hep! masipag to noh. di lang halata hehe
*Breaktime*
"Hay kapagod mag aral mabuti!" Pagod kong sabi at lumabas papuntang room
Nasan na kaya yung bruhang si Andrea dati lagi nya akong inaabangan dito ah anyare huhu
"Oo kris! Oo! Boyfriend na kita!" Teka parang kilala ko yung boses na yun ah?
"Yes! Iloveyou andrea maurice east!" H-ha? anong nagyayari? pangalan ng bestfriend ko yun ah! T-eka boses ni kris yun ah
BOSES NI KRIS?!!
At dahil narinig ko yung boses nilang dalawa dali dali akong pumunta kung saan ko narinig yung usapan nila
at parang pinipiga at tinutusok yung puso ko sa nakikita nakita ko
Si Andrea ang best friend ko at si Kris na gustong gusto ko
Magkahalikan habang nakayakap si andrea sa leeg ni kris at habang nakayakap naman si kris sa bewang ni andrea
Ang sakit lang! Ang sakit sakit! Para akong trinaydor! Antagal ko nang gusto si kris, Sobrang tagal na as in! Tapos ngayon makikita at malalaman kong sila na?Tang*na! Ang sakit! Ang sakit sakit!
Tumakbo ako palayo sa lugar na yon at pumunta sa school grounds umupo ako sa ilalim ng malaking puno at umiyak ng umiyak nang biglang may lalaking dumating at inabutan ako ng PAPEL?!!
BAKIT PAPEL?!! DIBA PANYO DAPAT?
"Tss you look like a shit. Sorry kung papel yan wala kasi akong tissue o panyo eh i find it gay. By the way Im Andrei De Gloria ikaw ano pangalan mo at bakit ka umiiyak?"
Di ko alam pero ang gaan ng loob ko agad dito sa lalaking to di ko alam kung matatawa ba ko o ano eh"A-ah ako nga pala si Jane Entice Corpuz at tinatanong mo kung bakit ako umiiyak? Kasi naman eh yung lalaking matagal ko nang gusto nakita ko kanina kasama yung bago nyang girlfriend at hinalikan nya pa na kitang kita ng mga mata ko!" Haaay tumutulo nanaman luha ko
"Ang sakit naman non." Sabi nya habang hinihimas ang likod ko na para bang pinapagaan ang loob ko
"Hindi! Hindi eh! Hindi yun yung masakait! Alam mo yung masakit? Na malaman na yung BEST FRIEND MO yung bago nya! Yun yung masakit! Sobrang sakit lintek haha!" tawa kong sarkastiko
"Pero alam mo okay lang sakin yun kasi nung nakita ko yung ngiti ng bestfriend ko kanina napakaganda! Pero shet lang masakit eh! Pero para sa pag kakaibigan namin tatanggapin ko nalang at magmomove on alam kong merong taong para sakin alam ko...." At tuluyan na kong humagulgol tuliy lang sya sa ginagawa nyang paghimas sa likod ko at hindi na nagsalita
*2 months later*
Habang tumatagal ay nahuhulog na ang loob ko kay andrei sobrang bait kasi nya at sobrang caring pero syempre hindi nya alam yon ayoko kasi masira ang pagkakaibigan namin
At yung tungkol naman kayla kris at andrea natanggap ko na ang relasyon nila pero ngayon ay nagkakalabuan ata sila dahil nakita daw ni andrea si kris na may kasamang ibang babae sa mall hay mga lalake nga naman
"Be! Huhuhuhuhu! Ano bang mali sakin?! Pangit ba ko?! Bakit nya ko iniwan? Dahil ba hindi ako clingy sakanya?! Nakakagag* naman sya!" Hagulgol na salubong ni andrea sakin
T-Teka INIWAN? MALI? HINDI CLINGY? Naguguluhan ako!
" Teka nga bruha ano bang nangyari sayo?"
tanong ko"Si kris! Nakipag break na sya sakin! Wala na kami be! Wala na! Huhuhuhuhu" Hagulgol nya sakin
Hinayaan ko lang syang umiyak ng umiyak nakinig lang ako para gumaan ang loob nya
The day went like a blur sobrang bilis ng araw recognotion day nanamin ngayon at kung tinatanong nyo kung kamusta na kami ni andrei ay jusko sinasabi ko sainyo! Di kami okay! as on! Simula nung nagbreak si kris at andrea laging si andrea kasama nya pag tinatanong ko naman king bakit sabi nya kinocomfort lang daw nya si andrea gaya ng ginawa nya sakin
Nang tawagin na ang mga kaklase ni andrea ay hinanap ko sya
Nang bigla akong may nakitang nagkukumpulang tao pumunta ako at tinignan ko yun
Para akong napako sa kinatatayuan ko di ako makagalaw di ko namalayan na tumulo na luha ko
2down na andrea ANG SAKIT P*TA pangalawa na to
Nandun kasi si andrea sa gitna at nakaharap sakanya si andrei at may nakalagay na tarpulin na hinahawakan ng mga estudyante na 'Will you be my girlfriend?' Sweet naman
At tulad noong una tumakbo nanaman ako takbo lang ng takbo umuwi akong umiiyak at inaalo ng aking mammy
"My, May hihilingin lang po sana ako tutal recognition namin ngayon."
Sabi ko kay mammy ng mahimas masan ako"Sige anak kahit ano, Ano ba hiling mo?"
Tanong ni mammy"Lalayo ako my, Malayo." Sabi ko kay mammy
"Sige anak bukas na bukas ipapabook kita ng ticket papunta sa london kung nasaan ang tita aurora mo" Sabi ni mammy
"Salamat my, Salamat talaga kailangang kailangan ko to."
Buo na ang disesyon ko lalayo muna ko magpapalamig magpapahangin sa malayo hanggat hindi ko pa sila nakakalimutan at natatanggap pero pagbalik ko sisiguraduhin ko na wala na kong nararamdaman para kay andrei wala na
pero bago ako umalis ay gumawa ako ng sulat para kay andrea
Be,
Hay ano ba naman yan umiiyak nanaman ako tsk nga pala aalis muna ako ha?
papalamig lang. Ang sakit kasi nung nga nangyari eh una naging kayo ni kris, Natanggap ko yun be natanggap ko pero ngayon pangalawa na to eh sobra na sabi nga nila one is enough two is too much
Pero hindi ako galit kailangan ko lang ng time para magsink in lahat sakin at promise ko pagbalik ko wala na akong nararamdaman para kay andrei dahil kayo talaga ata ang para sa isa't isa andrei at andrea oh diba pangalan palang bagay na bagay na. Maging masaya ka sana kasi pag masaya ka masaya na rin ako bestfriend kita diba? kaya lahat gagawin ko makita lang kitang masaya kahit kasiyahan ko pa. Dahil mahal kita bilang kapatid ko na.Paalam na be,
-JaneSana pagbalik ko masaya ka na. Masaya na kayo.
A/N: Thanyouuuuuu! sa pagbabasa wag magreklamo kung maigsi kaya nga short story diba? HAHAHAHAHA Pero thankyou talaga! Salamat sa support Vote and Comment kayoooo i need u.
YOU ARE READING
A Best friend's Love (One shot)
Teen FictionAnong gagawin mo kung lahat nang lalaking nagugustuhan mo ay nagkakagusto sa best friend mo? Are you willing to sacrifice your happiness in order for you friend to be happy while your miserable?