Chapter 42: Our Counterplay Love

201 13 18
                                    

(A/n: Hi~ sorry for late ud. Kamsahamnida~ hindi parin ako maka-move on sa reaksyon ni namjoon sa daesang TT TT)

T A I R I S H
M A M A R I E

Nandito kami ngayon sa meeting ng Rhythm Club.

Sa tagal ng panahon na nag-aral ako sa Castillones Academy, hindi sumagi sa isip ko na masasali ako sa club na 'to.

At kasama ko pa ngayon ang lalaking 'to.

Parang dati lang wala kaming pakialam sa isa't-isa. Naalala ko pa na sinabi kong hinding-hindi ako magkakagusto sa kanya pero ngayon s'ya pa ang kauna-unahang boyfriend ko.

Kurt Ruzzle Javier.

Lumingon s'ya sa'kin nang mapansin n'yang nakatingin ako.

"Sorry." Nakangiti n'yang sabi.

Kanina pa s'ya nagso-sorry dahil sa pagsali n'ya sa'kin pero kung makangiti naman wagas. Napairap nalang ako. Wala naman akong magagawa sa makulit na 'to.

Nahagip ng mata ko si Ryoken na nasa kabilang side kasama ang mga kabanda n'ya. Mukhang napapitlag s'ya nang mapansin n'yang nakatingin ako. Ngumiti ako at ngumiti naman s'ya pabalik pero ang tipid lang ng ngiting ibinigay n'ya. Kung nandito s'ya ngayon sa meeting, ibig sabihin hindi s'ya pumasok sa mga subject namin kanina.

Kumusta na kaya s'ya?

"As i was saying, kailangan n'yo maghanda para sa dadating na anniversary ng Castillones Academy. I already held a meeting with Movement Club at may inihanda rin sila para sa event. So i'm expecting guys na mayroon din kayo. Of all clubs kayong dalawa ang inaasahan ng head ng Castillones Academy to present our school. Open para sa lahat ang event na 'yon kaya kailangan gandahan ang presentation. You only have two weeks para makapaghanda. Our head are expecting collaboration on both bands, surfexcuse and Divergent. Kayo na ang bahala kung paano n'yo gagawin 'yan. As for new members," tumingin sa'kin Ms.Ruiz, isa sa teacher namin. "You need to add girls, hindi kakayanin kung kayo lang." Sabi n'ya pertaining to Riye, sa'kin, at doon sa tatlong lower year.

Kaya ko bang mag-perform sa harap ng maraming tao?

Halos himatayin nga ako nung sa harap lang ni Kurt sa isang crowd pa kaya.

Kinakabahan ako.

"Okay guys are we clear?" Tanong ni Ms.Ruiz

"Yes Ma'am." Sagot namin.

Nagpaalam na Ms.Ruiz pati narin 'yung tatlong lower year dahil may aasikasuhin pa daw sila.

Natahimik ang buong music room. Ito talaga ang room para sa Rhythm Club. Kumpleto narin ang gamit. May isang set na para sa banda. Mayroon din speakers, microphones, at kung anu-ano pang equipments na pwedeng gamitin sa pagtugtog.

Tumayo na si Kurt at Tyler na isa sa mga head ng Rhythm Club. Surfexcuse kasi ang may hawak ng club na'to. Katabi ko naman si Riye ngayon na nakatingin sa kung saan at mukhang hindi napapansin si Mikael na kanina pa nag-iingay sa tabi n'ya at nagku-kwento ng kung ano-ano.

"Myloves, okay ka na ba talaga?" Napapitlag naman si Riye nang kalabitin s'ya ni Mikael.

"A-ah, oo.. okay na ako."

Ngumiti naman si Mikael at hinawakan ang kamay n'ya.

Sinundan ko ang direksyon ng tinitignan ni Riye kanina at nakita ko si Clark. Nakatingin s'ya sa magkahawak na kamay ni Riye at Mikael.

Kahit kailan naman hindi s'ya tumabi sa'min lalo na kapag nand'yan kami nila Ella. Pero ang ipinagtataka ko ngayon ay ang ekpresyon ng mukha n'ya habang nakatingin sa kamay nila Riye.

Our Counterplay LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon