Oneshot

38 2 1
                                    

Ako lang ba yung may magulang na nangbubogbog? 



Ako lang ba yung may magulang na
grabe mang insulto?



Ako lang ba yung may magulang na mataas ang expectation?



Ako lang ba yung may magulang na hindi  tinuturing na anak ang anak nya?



Ako lang ba yung may magulang na minamaliit ang kakayanan ng anak nya?



Ako lang ba yung may magulang na walang pakialam sa anak nya? 



Ako lang ba ang may ganyang magulang?


  Oh pati rin kayo? 



Ako si Kiara.  Kiarang walang kwenta,  walang silbi,  walang pakinabang,  tanga,  bobo at walang hiya.  Yan sabi nang magulang ko. 


Diba lagi namang tama ang magulang?  Kaya siguro, tama sila sa pinagsasabi nila sakin.. 



Kasalukuyan akong naglalagay ng foundation sa mukha ko.  Tinatakpan ko lang naman yung pasa sa pisngi ko.  Pasa-- sa sapak ng tatay ko,  sinagot sagot ko lang naman sya. 



Sinabihan nya lang naman ako ng malandi.  Kaya sinagot sagot ko sya.




FLASHBACK


"NAHULI KA DAW NG KAPITBAHAY NA MAY KASAMANG LALAKI!  GABING GABI NASA LABAS KA?! "

"PAKE MO BA?!  DIBA WALA NAMAN KAYONG PAKE SAKIN HA?!"


"KABABAE MONG TAO!  ANG LANDI MO! NAG AARAL KA TAS PURO KALANDIAN NATUTUTUNAN MO?! TUMIGIL KA NA LANG SA PAG AARAL MO!!"


"MALANDI?  AKO?  ALAM NYO KASI MAS SUMASAYA AKO PAG KASAMA KO ANG TROPA KO!  AT WAG NYO IDADAMAY ANG PAG AARAL KO DITO! SA INYO LANG NAMAN AKO GANITO!  ALAM NYO KASI SAWANG SAWA NA AKO SA---"

*PAK*


"OH ANO?  DADDY MASAYA KA NA?  HAHA.  SALAMAT SA SAPAK DADDY HA?  SIGE DIYAN NA KAYO! "

"KIARA!"

at padabog ako ng umakyat sa taas at di sya pinakinggan. 


*END OF FLASHBACK*


Lakas manghusga diba.  Magdamag akong umiyak kaya hanggang ngayon ay mugto pa din ang mga mata ko. 


"Ate kiara... " tawag sakin ng sipsip kong kapatid


As usual.  Di ko sya pinansin, pinapansin ko lang naman yan pag may kailangan ako pero pag wala dedma.


Sipsip kasi sya, ayoko sa kanya.  Lagi nya akong sinusumbong kayna mommy kahit wala naman akong ginagawa. Kaya ako?  Ako ang napapasama. 



And one more thing.  Hate ko talaga sya,  since dumating sya nagbago na sila mommy.


Ako na lang lagi pinagbubuntunan nila ng galit.  At minsan,  ay hindi pala minsan kundi madalas.  Madalas nila akong binubugbog kahit si Shiara naman ang may kasalanan.


"Ate..." hinawakan nya ang braso ko.



Tinulak ko sya palayo. "Ano ba?! Wag ka nga magpanggap na concern!  Alam ko naman mamaya pasipsip ka nanamang leche ka! "


Daughter's LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon