#SinfulLove
CHAPTER 14
"Saan ba talaga tayo pupunta?" pagtatakang tanong ni Henz kay Evo. Sakay sila ngayon ng kotse ng huli at kasalukuyang nasa byahe papunta sa kung saan.
Sandali namang napatingin si Evo kay Henz at napangiti. Ibinalik rin nito kaagad ang paningin sa daan dahil ito ang nagmamaneho ngayon.
"Basta... You will be surprise." Sabi nito.
"Pero Evo... Mukhang malayo itong gusto mong puntahan e... Alalahanin mo..."
"I know... Babalik rin naman kaagad tayo." Sagot kaagad nito.
Napatango na lamang si Henz saka tumingin na lamang sa labas ng bintana ng kotse. Hindi na lamang siya nagtanong pa pero sa palagay niya, mukhang pamilyar sa kanya ang daang tinatahak nila.
- - - - - - - - - - - - - - - -
"Tagaytay?" pagtatakang tanong ni Henz. Nakahinto na ngayon ang kotse nila at nasa labas na sila ngayon nito kaya nakikita nila mula sa kinalulugaran nila ang Mabini Shrine kung saan naroon sila ngayon.
Napatingin naman si Evo kay Henz saka ngumiti.
"I told you... You'll be surprise." Sabi nito.
"Pero... Di ba nakapunta na tayo rito last year? Paanong surprise pa sa akin iyon?" tanong ni Henz.
"Oo naman... surprise talaga dahil hindi mo inaasahan na muli tayo babalik rito. Ayaw mo ba nun... Binabalikan natin ang isa sa mga lugar kung saan... malaya nating nailalabas ang damdamin natin para sa isa't-isa? Walang mga masyadong taong nakakakilala sa atin rito so wala tayong dapat na isiping ibang tao, ang mahalaga at iniisip lang natin ngayon ay iyong ikaw, ako at tayo... Kung paano natin gagawing memorable muli ang pagpunta natin rito." Mahabang sabi ni Evo.
Napatango naman si Henz saka napangiti. Kunsabagay, tama naman si Evo.
"Halika na at sumakay ka na muli sa kotse at maglilibot pa tayo." Sabi nito.
Napatango naman si Henz at iyon nga, sumakay na muli ang dalawa sa kotse.
Gamit ang minamanehong kotse ni Evo, nagpatuloy sa paglilibot ang dalawa. Nandyan na nakita rin nila ang Taal Volcano at hindi rin niya napigilang huminto sa isang lugar kung saan maganda ang view na makikita mo ang Taal, bumaba sila roon at sabay nilang pinagmasdan ang ganda nito.
Pagkatapos nilang ipagsawa ang mga sarili sa kakatingin sa Taal Volcano ay muli silang naglibot. Nakasakay pa rin sila sa kotse at pinagsasawa ang tingin sa kakatingin sa labas. Napapangiti ang dalawa dahil sa magagandang nakikita nila mula sa labas.
Marami pa silang napuntahang lugar gaya na lamang ng mga historical landmarks, mga bukid at flower farm at kung ano-ano pa. Pinuntahan rin nila iyong mga lugar na dati nilang napuntahan at masasabi nilang pagkalipas ng halos isang taon ng huli silang napunta rito ay napansin nilang may mga pagbabago. Mas lalong gumanda ang mga lugar rito.
Siyempre, nandito na lang rin naman sila sa Tagaytay, hindi rin nila pinalagpas na huminto at kumain sa isang restaurant rito na dati rin nilang kinainan. Muli nilang natikman ang masasarap na pagkaing Batangueno na dito lamang talaga nila matitikman.
Napapangiti si Henz at Evo kapag napapatingin sa isa't-isa habang kumakain. Magkatapat silang nakaupo ngayon sa isang pandalawahang mesa dito sa loob ng restaurant at kita sa kanilang mga mukha ang saya at nasasarapan sa mga pagkaing nakahain sa kanilang mesa at pinagsasaluhan nila.
BINABASA MO ANG
SINFUL LOVE (ROMANCE-MELODRAMA) - COMPLETED #Wattys2020
RomansaANG PAGMAMAHALANG IPINAGBABAWAL... HANGGANG SA HULI BA AY MAIPAGLALABAN? SINFUL LOVE by FRANCIS ALFARO COMPOSE OF 30 EPISODES ALL RIGHTS RESERVE, 2020 COPYRIGHT (C) 2020