Astrid's POV
"Pagkinagat niya ako? Magiging bampira din ba ako?" Biglang tanong ko habang nakaupo sa tabi ng walang malay na si Hunter.
Napatingin naman kaagad ang tatlo sakin.
"Hahahaha! Ofcourse not!" Sagot naman agad ni Amaia."Hindi ka magiging bampira dahil lang sa isang simpleng kagat. You have to undergo some rituals and blood transferring." Paliwanag ni Tristram.
Nakahinga ako ng maluwag matapos marinig yun."Let's do this. Handa ka na ba Astrid?" Tanong ni Kharis sakin.
"Siguro" kinakabahang sagot ko.
Nakita kong kumuha si Tristram ng patalim.
"Oh my god anong gagawin nyu?!" I started freaking out! Sino ba namang di matatakot? Baka mamaya patayin nila ko? Kaibigan ang turing ko sa kanila pero ewan ko kung kaibigan din ba ang turing nila sakin baka mamaya papatayin lang pala nila ako.
"Kalma lang Astrid. Di ka namin sasaktan. Magtiwala ka" sabi ni Kharis at saka hinawakan ang kamay ko. I can feel the sincerity kaya kumalma ako. Pero kinakabahan parin ako.
Inabot ni Tristram ang kamay ko at saka nilapit ito sa mukha ni Hunter, sa bibig to be exact. Diniin niya ang pagkakahawak sakin at mas lalo pa itong hinigpitan.
Kinuha niya ang kutsilyo at saka marahang sinugatan ang kamay ko "aarrrggcchhh" that hurts! Pinatulo niya ang dugo ko sa bibig ni Hunter. Kitang kita ko ang bawat dugong pumapatak. Maging ang dahan dahan nitong pagdaloy papasok sa baba ni Hunter. I hear Hunter's sudden rapid breathing at ang mabilis na pagtubo ng mga pangil niya. He opens his eyes at agresibong sinunggaban ang kamay ko."Aaaahhhhhhhhh!" Napasigaw ako sa sobrang sakit ng kagat niya. Bigla nalamang along namanhid Nang-init ang buong katawan ko. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. Ito ba ang pakiramdam ng kinakagat ng isang bampira? Parang... Para kang nagiging kalmado at imbes na pumiglas ako naging mahinahun ako at para bang?... Nasasarapan ako sa kagat na to? Its weird! Nakikita ko ang bawat pagsipsip niya ng dugo ko ang pagtagas ng dugo mula sa labi niya at ang paglunok ng lalamunan niya. Para siyang isang uhaw na bata. Nakatitig lang sina Tristram, Amaia at Kharis sakin.
"Nahihilo ako" mahinang sabi ko.
Nanghihina ang buong katawan ko pero nag-iinit ito.
I saw Hunter's skin color changed at nagbalik na ito sa normal. Nakaramdam ako ng tuwa.
Dumidilim na ang paningin ko. At parang sa ilang sandali mawawalan na ako ng malay.
Umiikot na ang paligid ko at Maya-maya bigla nalang dumilim.
Amaia's POV
"Astrid! Alalang sigaw ni Kharis ng bigla nalang bumagsak si Astrid sa kama ni Hunter nanghina na siguro siya dahil sa labis na dugong nawala sa kanya.
Bigla namang huminto si Draven sa pag-sipsip ng dugo ni Astrid. Nanlaki ang mata niya ng makita ang duguang si Astrid na nakahilata sa tabi niya.
Tinitigan niya kaming tatlo. Nangangalit ang bawat titig na yun.
"I.... I did all this?" Tanong niya.
"D.draven it's okay...." nauutal na sagot ko pero
"DID I?!" Sigaw niya.
"Oo! Yun lng ang paraan para mailigtas ka!" Sagot ni Trist.
"I almost killed her! Bakit di nyu ko pinigilan?!" Galit na tanong ulit ni Draven.
Yeah he loses control because of his thirst. Kailangan niya ng dugo at matagal tagal na rin nung huli siyang makatikim nito kaya marahil yun nalamang ang pagkasabik niya at muntik na niyang mapatay si Astrid.
BINABASA MO ANG
D'Vlad: THE VAMPIRE & I
VampirDraven D. Vlad, is a member of the Royal Vampire clan 'Vlad', After witnessing the bloody slaughtering of his whole family, Draven left home and started a new life as a vigilant and left all his responsibility as a royal blood to his cousin, Cerber...