Ikatlong Pangyayari

7 0 0
                                    


Nagle-lesson na kami ngayon, meron na din ako nakaka close kaya bestfriend forever na kami hihi lol.

Pero kanina pagkapasok ko sa room nagtaka nalang ako may katabi na ako sa gilid ko. Intsik ata siya ,singkit kasi tapos mataba pa. Mukhang bisugo. Just kidding, cute naman mas okay pa siya maging katabi kaysa sa isa kong katabi na walang buto ang ilong.

Yung intisik pangalan pala niya Terumi, hanep hapon nga siya. Madami din ako nalaman sa kanya. Huminto pala siya sa pag aaral. Dapat college na siya pero huminto nga lang, sayang.

Lunch na namin pero hindi na ako kumain, mag papaturo pa kasi ako sa math sa classmate ko, boba kasi ako sa subject na yun. Find the X daw pwe. Nasa mars tinapon ko.

Halos kalahati ng classmate ko nagpapaturo sa mga magagaling sa math. Ako? Ito naghahanap ng pwede turuan ako.

Nang nakita ko si Clyde na nagtuturo sa isang classmate ko, kaya nilapitan ko siya. Feeling close na kung Feeling Close, basta maturuan lang ako sa math baka mag summer classes pa ako.

"Clyde!" Nakangiting bati ko sa kanya. Lumingon naman din siya sa akin.

"Oh ikaw pala Eliz, bakit?" Tanong niya. Tinignan ko kung ano sinusulat niya sa blackboard, napagtanto ko lang na parehas pala kami ng tinuturuan niya ng topic sa math.

"Paturo rin ako ng ganyan." Sabay turo ko doon sa sinulat niya.

Ngumiti siya tapos tumango siya bilang sagot na 'Oo'. Hintayin ko nalang daw na ako yung turuan niya kasi malapit naman din siyang matapos turuan yung classmate ko. So,umupo nalang ako at hinintay sila matapos. Sanay naman ako.

Nang nakita kong tapos na sila, tumayo na ako.

"Oh ako na ba?" Nababagot na sagot ko sa kanya. Tagal kasi.

"Oo" bakit ba puro ngiti to? Wala naman maganda sa ngipin niya. Pwe.

Pagkatapos niya akong turuan, sakto na dumating yung Math Teacher namin.

Yung mga classmate ko nagsasabi ng mga salita na..

Halaaaa! Baka mahirap yung long quiz natin!

Hindi pa ako nakakareview! Help me God!

Basic lang yan.

Mga abnormal, nangangain ba yung long quiz ng mga abno? Kampante na ako, naturuan naman kasi ako.

"Pass all the papers backward" sabi ni maam, at nang natanggap ko na yung paper, nagsimula na ako mag-sagot. Kaya to.

Nasa kalagitnaan na ako ng pagsasagot sa papel ko..Putspa ang hirap. Dapak leave all the blank nalang ako. Nag sisi ako na sinabi ko kanina na kampante ako pero hindi pala.

Kasalanan to ng Clyde na yun, hindi ako tinuruan ng todo. Masyado kasi ako na-attract sa ngiti niya. Hayss! Clyde! Bagay ka maging endorser ng sensodyne.

~~~~~~~~~~~



Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 19, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

ComplicatedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon