Nasa hallway pa lang ako ng university , pero dinig ko na ang ingay ng mga kapwa ko studyante. Grabe ha, first day pa lang ang ingay ingay na.
Hindi ko na lang pinansin at hinanap ko na yung room ko.
Ang lawak ng school kaya naka ilang ikot na rin ako. May elevator naman pero kailangan kong maglakad para naman masanay ako.
At sa wakas naka rating na rin ako.
Pag pasok ko,
Wow, talo ang high school.
Tumingin ako sa likod at nakita ko na may apat na babae na kung makapag make up, talo pa ang clown.
Sa kanan naman may mag jowa. At kung maka pag PDA, daig pa si Marvin at Jolina.
Tingin sa kaliwa, may mga grupo ng mga kalalakihan, yung isa naka headphone. Yung isa halatang naglalaro sa cellphone niya, di ko lang alam kung ano.
Yung isa naman, wala, pina painit lang yung upuan niya habang tulala na nakatingin sa bintana.
Yung iba, walang paki alam sa mundo nila.So, no choice ako, pumunta na ako sa harapan at umupo.
Kinuha ko yung headset ko at sa wakas, yung music ko na lang ang naririnig ko. At sumandal sa upuan tapos ay pumikit.
Maya maya naramdaman kong may tumabi sa akin kaya dumilat ako sabay tangal sa headset ko tumingin sa kanya.
"Hi"
Bati niya sa akin habang naka ngiti.
** Dimple - ang kahinaan ko.
Bumilis ang tibok ng puso ko at naramdaman ko rin na umiinit ang katawan ko.
No!"Are you alright?" Tanong niya.
"Huh, yeah. Hi din" sagot ko.
"By the way I'm Josh Gamboa" sabay turo sa plaque na naka pin sa bandang kaliwa ng shirt niya."At sa pag kaka alam ko, ikaw si Fatima Garcia" at itinuro din yung name plate ko.
"Nice... meeting you" sagot ko na may halong hiya at kaba.
Wow ah, FC na agad. Okay lang gwapo naman eh. Hihi
Isinout ko na lang ulit ang headset ko at di na siya pinansin. Pero, alam ko sa sarili ko na gusto ko pa siyang maka usap.
At nakaka ramdam a rin ako na hiya plus kaba.
Hindi ko alam, pero, hindi ako comfortable na katabi siya.Sa tingin ko crush ko na siya.
Wala nang kumibo sa amin. Tinitingnan ko siya sa gilid ng aking mga mata, panay ang sulyap niya sa cellphone niya na parang may hinihintay na text.
"Excuse me, HRM 1 ? Am I right?" Tanong ng isang around 30 na babae, tingin ko instructor yata.
"Yes po" sagot na karamihan.
"Okay,I will be your instructor. By the way I am Jacky Luis, and I will be teaching you HRM 1- Principles of Hygiene and Sanitation. So lets start, but first may I know everyone's name first"
Nagsimila kami sa likod.
"Hi, Im Hanna Reyes. You can call me Nana. You know, kasi kamukha ko si Kim Nana. Hmmm"
( What? Nana? Yun ba yung sa suagat?)Pakilala nung isa sa mga babae na nagme make up kanina.
Hindi ko alam king ako lang, pero "yuck" talaga yung pararan niya ng pagsasalita."Hi, Im Raven Santiago."
Yung naka headphone kanina.
Gwapo pala siya ah. Pero, makhang suplado.
At nung pagka upo niya, nagtilian nanaman yung mga babaeng clown.Woooh!
Ako na pala."Hello, i am Fatima Garcia"
At umupo na ako.
"As if we care"
Sabi nung Nana, ay Hanna pala.
Hindi ko na lang pinansin.
At tumayo nama si Josh.
Hindi pa siya nagsasalita, nagtilian nanaman yung mga clowns sa likod."Josh"
Maikli niyang sabi at umupo.
Tinignan ko siya, at nagtaas ng kilay."What?"
Sabi niyang naka ngiti."You had not mention your surname yet" bulong ko.
"As if I care."
Tinularan pa talaga yung boses ni Hanna. Napa ngiti naman ako.
At ayun, napunta sa "introduction o yourselves" ang first hour namin.
YOU ARE READING
Move On, Not
Short StoryIlang beses mo na bang nasabi sa sarili mo na: tama na, ayoko na, maghahanap na ako ng iba, di ko na siya gusto, kakalimutan na kita, promise hindi na, MOVE ON na ako. Pero, wag mo sanang dayain yang sarili mo, kasi, your worst enemy is yourself. ...