"SAGOT"

7 1 0
                                    

Kabanata 5
Sagot

Bumukas ang pintuan at bumungad sa akin si papa. Halatang pagod na pagod siya galing sa trabaho. Tinigil ko muna ang pagkusot ng mga damit na aking nilalabhan at dumiretso sa kusina upang mag-init ng tubig para sa kape nya at magluto na rin ng hapunan.

Tahimik akong kumakain habang ang aking mga kapatid ay nag-aasaran sa hapag-kainan na sinasaway naman ni papa.

"Papa"

Tawag ko sa kanya, lumingon naman sya sa dako ko.

"Bakit?"

Tanong nya

"May proyekto po kami, pahingi po ako ng pera"

"Pasensya na, hindi ko nakuha ang sahod ko wala akong maibibigay sayo"

"Pero paano po yung proyekto ko?"

"Wala ka na bang pera? Gamitin mo muna ang pera mo anak"

"Wala na po eh"

Sagot ko sa kanya.

Sana nga may pera pa ako kaso nagastos ko na nung nakaraan sa pag-gawa ng mga takdang aralin ko.

"Alam mo namang hindi pa nagpapadala ang mama mo"

Dugtong ng papa ko.

Alam ko naman iyon, kung may padala na sya edi sana hindi ako humihingi ngayon.

Si mama

Isa siyang mabait, masipag at maalagang klase ng nanay. Hindi nya kami iniwan para sa ibang lalaki, at mas lalong hindi kami iniwan dahil nawala sya.

Iniwan nya kami para sa magtrabaho sa ibang bansa.

Mas pinili niyang iwan kami at mag hanap-buhay sa malayong lugar.

Ayun ang sagot kung bakit kailangan ko ng gumising ng maaga para asikasuhin ang mga kapatid ko.

Ayun ang sagot kung bakit nahuhuli na ako sa pagpasok dahil wala ng gumigising sa akin.

Ayun ang sagot kung bakit ang kalat lagi ng bahay at madami akong ginagawa.



Dahil wala sya.

Dahil wala na ang aking mama na dating gumagawa ng mga ginagawa ko ngayon.

Nagsakripisyo sya para sa amin, hindi nya naman ito gagawin kung may desente lang sanang trabaho ang aking papa at kung hindi kami baon sa utang.

Ang sagot sa lahat ng bakit ko.



My SuperheroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon