True Love Prevails

903 60 20
                                    

###############################

Friday night. Pagkatapos ng Walang Tulugan taping.

"Tay, pinatawag niyo daw ako?"

"Oo, pasok. Maupo ka muna dyan."

"May hinihintay po ba tayo?"

"Oo..." simpleng sagot niya.

Tok! Tok!

"Eto na yata..." sabi niya. Sabay tayo para salubungin yung kumatok sa pinto. Pagbukas ng pinto, bumungad sa amin si Bea.

"Hello po Tito Germs!" bati niya kay tatay.

"Hi din Bea, pasok ka..." tinuro niya yung upuan sa tapat ko. Umupo na nga si Bea ng hindi man lang tumitingin sa akin. Umupo na din si Tatay.

"Okay. So since nandito na kayong dalawa, mabuti pa pag-usapan na natin yung mga nangyari kanina."

Napansin kong napatungo si Bea. Alam na rin siguro niya kung saan pupunta tong usapan na 'to dahil na rin pansin na pansin ang ilangan namin kanina sa taping. Nagpatuloy lang si Tatay sa sinasabi niya.

"Nahalata ko kanina na nagkaka-ilangan pa rin kayong dalawa. I know naman na hindi na kayo tulad ng dati, oo meron kayong hindi pagkakaunawaan, pero hiling ko lang na sana wag niyo namang hayaang pati yung loveteam niyo masira din."

Napatingin ako kay Kuya Germs pagkasabi niya nun. Then, kay Bea. Nakatungo lang siya habang tinitingnan yung phone niya.

"Magkaibigan naman kayo di ba? You both started as friends, even close friends. Wag niyo naman sanang itapon na lang lahat yun just because your relationship didn't work out. Naiintindihan niyo ba?"

"Yes Tito. I got your point." sagot ni Bea. "Okay lang naman po sa akin eh. I know na hindi makakatulong sa career namin yung ganto lalo na't magkaloveteam kami. I can still be his friend, on and off cam. Yun ay kung okay lang sa kaniya?"

She referring to me. Pero she was just looking straight at Kuya Germs. Nakatingin ako sa kanya pero she didn't even bother looking at me.

"Jake?"

Napalingon ako kay Kuya Germs nung tinanong niya ko. Hindi ko alam kung papayag ba ko o hindi. Mahirap din kasi yung sitwasyon namin. Lalo na sa part ko. Ayoko ng ganto. Sandaling natahimik kaming tatlo. Walang nagsasalita. Hinihintay lang nila yung sagot ko.

"Tito, kung ayaw naman niya. Okay lang din sa akin. Hindi naman kailangang pilitin natin siya. That would not be fair." she smiled kahit halatang pilit lang. Samantala, tiningnan naman ako ni Kuya Germs. "Tito, I need to go na rin po. Late na po, may eat bulaga guesting pa po ako tomorrow."

"Okay hija. I appreciate your time. Ingat kayo."

"Thank you po." Tumayo sila at nagbeso. Tapos hinatid ni Kuya Germs si Bea sa pinto. Hindi man lang siya nagpaalam sa akin.

"Jake ano bang problema? Kinausap na kita tungkol dito dati, di ba? Sabi mo okay, gagawin mo. Pero wala naman. Tapos ngayon kasama na natin si Bea, siya na yung pumayag, ikaw naman ang hindi sumagot. Ano bang problema?"

"Hindi ko po kaya eh."

"Kailangan mo kayanin. Sana inisip mo yan bago niyo ginawa yung mga desisyon niyo. Bago naging kayo at bago kayo maghiwalay. Kailangan mo magdesisyon. Di ba yun din naman ang gusto mo? Na bumalik yung dating samahan niyo?"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 14, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

One Shot Stories (JhaBea)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon