Mahilig gumawa ng tula si Yumi doon nya kasi naipapakita kung ano ang kanyang nararamdaman. Makikita sa kanyang mga tula ang saya, lungkot at sakit na kanyang nararamdaman bawat araw. Mapapansin sa bawat dulo ng papel ng kanyang tula ay may nakasulat na 'Ikaw itong tinutukoy ko rito sa tula Julian'. Julian ang pangalan ng kanyang mahal na sobrang galing sumayaw at kumanta. Isang araw, hinangin ang mga papel ni Yumi, yung iba nakuha niya kagad habang yung iba nilipad palayo, pero hindi niya napansin na meron palang isang papel na hinangin papunta kay Julian. Nabasa ito ni Julian, doon nya nalaman na matagal na palang may lihim na pagtingin sa kanya si Yumi. Walang reaksyon nyang ibinalik ang tula na ikinagulat naman ni Yumi. Awa ang nararamdaman ni Julian para sa kanya, alam nyang sobrang nasasaktan ang dalaga habang ginagawa ang tula. Merong ibang minamahal si Julian at mahal din sya nito, kaya pinagsasawalang bahala nya na lang ang nararamdaman ni Yumi para sa kanya, pero minsan hindi nya maalis sa kanyang isipan kung gabi gabi pa bang umiiyak si Yumi ng dahil sa kanya. Tama si Julian, gabi gabing umiiyak si Yumi dahil nasasaktan sya tuwing nakikita at naririnig nyang masaya si Julian sa iba. Sa muling pagkakataon sumulat ulit ng tula si Yumi para kay Julian habang umiiyak.
"Isa na namang tula para sayo sinta
Isa na namang luha dahil sa iyong pagwawalang bahala
Sobra akong nasasaktan tuwing kayo'y magkasama
Pero hindi ko naman kayo masisisi dahil mahal nyo ang isa't isa
Ito na siguro ang huling pagkakataon na gagawa ako ng tula
Ito na rin ang huling pagkakataon na iiyak ako ng dahil sayo sinta
Kakalimutan ko na ang lahat ng aking nadarama
Nadarama na pilit mong binabalewala".

BINABASA MO ANG
Tula (One Shot Story)
Short StoryMasakit sobrang sakit ang magmahal lalo na kung lagi tong binabalewala