TweetHearts (One Shot)

212 9 13
                                    

Note: This is a work of fiction any ressemblance to the people living or dead is purely coincidental.

= = = 

[Rainbow]

*pluff...

(1 new twitter interaction)

@princeindigo:  "@rainbowbites: ILY ^_^ "

huh!?

Ano to?

Ano kaya ibig sabihin ng ILY?

Msg to Rose:

"Rose gising kapa?"

"medyo sizy. why?"

"anong ibig sabihin ng ILY?"

"ang shunga mo talaga teh. ILY lang di mo alam? ang modern mo naman teh. I LOVE YOU ano paba."

"what! talaga?"

"bakit ba?"

"wala sige tulog kana. Goodnight. kitakits bukas."

Waaaaa! I LOVE YOU pala meaning nun?

Wait! Bakit kaya ako tinweet ni Indigo ng ganun?

Buti pa kung msg eh baka na wrong send lng siya pero tweet to hindi msg.

@rainbowbites: "@princeindigo: mali ka ata ng na tweet?"

Hmpt!

Nag out na ata di na nag tweet back eh.

* * *

Kinabukasan sa school:

"Rainbow!" tawag ni Rose.

Teka magpapakilala pa pala ako. Ako si Rainbow freshmen student, yung @rainbowbites username ko yun sa twitter.

"oh? aga nyo ah." kasi naman di naman maaga pumasok tong barkada ko bakit kaya aga nila ngayon.

"girl totoo bang tinweet ka ni Indigo ng I Love You?" sabi ni Bell.

"sShh! wag kang maingay may makarinig pa sayo jan." sabi ko.

"kyaaa! so nagtapat na nga!" ani Silver.

Tinakpan naman agad ni Rose bibig ni Silver.

"anong sabi mo?" tanong ko.

"wala Rainbow sabi ni Silver umupo na tayo." anyare sa mga to? parang kakaiba sila ngayon.

Omo! Omo! Anjan na si Indigo!

Huh!?

Bat parang biglang umingay ang lahat?

At teka? Bat sila nakatingin lahat sakin?

Problema ng mga to.

"anyare sa inyo? at bat nagtitinginan mga kaklase natin sakin?" tanong ko sa barkada ngingiti ngiti kasi sila.

"wala lang yan wag mong pansinin. blooming ka lang kasi ngayon sizy." ani Rose.

Naupo na si Indigo sa likod ko jan kasi ang seat niya.

Na hiya naman tuloy ako. Parang gusto kong itanong yung tweet niya kagabi.

Psh! Wag na nga autocorrect lang siguro yun.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 02, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

TweetHearts (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon