Kuya and I (36)

816 16 0
                                    


DANIELLE AYESSA

"Kuya, anong gagawin natin dito?!" tanong ko bago ako bumaba ng kotse.

"Gusto mong makilala ang tunay na mga magulang mo Nielle?!" sagot nya sakin at bumamaba narin ng kotse.

Tumango lang lang ako sakanya. Hindi ko kasi akalain na maiisip pa 'nya akong dalhin dito.

"Ayaw mo ba Nielle? Tahimik ka bigla.."

"Nalungkot lang ako dahil sa ganitong paraan ko pa sila makikilala kuya." sagot ko kay kuya.

"Wag ka nang malungkot Nielle. Tara na dun tayo banda, andun yung puntod nila."

Mga isang oras lang at umalis narin kami ni kuya. Masaya narin ako dahil kung nakikita man nila ako ngayon naging maayos naman ang buhay ko kahit wala sila sa tabi ko.

Naglakad na kami pabalik sa kotse.

"Maaga pa, san mo gusto pumunta Nielle?!" tanong sakin ni kuya.

"hmmm, san nga ba?! Ikaw na ang bahala kuya."

"okay babe..." saka 'nya pinaandar ang sasakyan.

"anong sabi mo, Babe???!!!"

"Oo, babe.. Kuya ka kasi ng kuya, di mo na nga ako kuya ngayon e.. Kaya babe nalang.." paliwanag nya sakin ng nakangiti at nakatingin sakin.

"Hay.. Ayoko nun.. Karamihan yun na ang tawagan nila.. Iba nalang please..."

"hmm, ano pala ang gusto mo?!"

"Basta kahit ano wag lang yun kuya.." wala kasi akong maisip na pwede kong itawag sa kanya, saka simula kagabi nagkaroon na ako ng hiya kapag kasama ko 'sya.

"Ganto ba talaga kapag inlove?!"
Bulong ko sa sarili ko.

"Hoy..anong sabi mo? Inlove ka sakin?.."

Lalo akong namula, narinig pala 'nya..
"Ang lakas talaga ng pandinig mo kuya.. Oo na inlove ako sayo, kaya magdrive ka lang 'dyan!" Syempre nakangiti ako.

"Okay hub ❤..."

From this
-_______-



To this
O______O

Naks.. Ngumiti lang ako..Mukhang magandang pakinggan, kinilig ako bigla.. Short for hubby yun ah! Gosh!

After an hour of driving nakarating naman kami sa isang lugar na ngayon ko lang din napuntahan..

Bumaba kami sa kotse..

"Maganda ba dito hub? Nagustuhan mo ba?" tanong niya sakin saka 'nya ako nilapitan at inakbayan.

"Ang ganda dito hub, paanu mo nalaman 'tong lugar na 'to?!"
Baka nagtataka kayo kung nasaan kami ng hub ko.

Nasa isang resort lang naman kami dito sa Pampanga.

"Basta nadiscover ko 'to 2 months ago nung nagkaroon ako ng business meeting dito sa Pampanga. Alam kong magugustuhan mo dito kaya naisip kong dumaan tayo dito."

"Talaga? Pero grabe ang ganda nga dito. Kesa sa mga resort na napuntahan ko." para akong bata.

"tuwang tuwa ka ah, tara na nga pasok tayo sa loob.." nakaakbay parin 'sya sakin habang naglalakad kami papasok ng resort.




Kuya And I (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon