Chapter 9- The Big Twist
***************************************************************
Reika Natividad's POV
"Ikai, di ba parang ang awkward kasama etong si Aki?" bumulong si Yumi sa akin. "Aish, sinabi mo pa. Nauutal kaya yan lagi! Tapos Mr. Tomato pa ang peg niyan. Palaging namumula. Pero wag ka, ang cute niya. Hahaha!" tumawa rin siya. "Pero bakit siya namumula saka nauutal? Hmmm.. Di ba sign na yun?" medyo lumayo kami kay Aki. "Huh? Sign? Sign para san?" tanong ko.
"Baka gusto ka rin niya!" namula ako sa sinabi ni Yumi! As if naman, eh ang hirap nga maabot netong si Aki! "A-asa!" nalakasan ko boses ko kaya lumingon si Aki sa amin. "Eh?" "Wala!"
Nasa mall kasi kami ngayon, mamimili kami ng mga damit para sa gig namin next week. Busy talaga, pero worth it naman. Dapat kaming dalawa lang ni Aki pero sinama ko nalang rin si Yumi kasi matagal tagal na rin kaming di nagbonding.
"Narinig ko pangalan ko e!" binulyaw ni Aki sa amin. "Pinag-uusapan kasi namin kung gano ka kapanget. BWAHAHAHAH!" tinukso ko nanaman siya. Ayyy, ang cute niya talaga pag inaasar! Ambilis mapikon, tapos magrereklamo. "Tumigil ka nga! Ang gwapo ko kaya!" tinititigan niya ako ng masama. "Tch. Ang yabang mo! Mas gwapo pa ko sayo no." sabi ko.
"Reika?" may lalaki akong nakasalubong. Tinignan ko siya-- "KEEEEITHH?!?!" nagulat ako. "K-keith! Antagal na nun bago tayo nagkita ah!" "Oo nga e! Ikai, mas lalo kang gumanda!"
Hindi ko ba nakwento si Keith? Bago pa man ako naging fan kay Aki, siya ang taong nagustuhan ko ng husto. Magkaklase kami nung 1st year at magkatabi kami sa klase kaya naging magkaibigan kami. AT! Sa maniwala man kayo o sa hindi, gusto niya rin ako.
WAIT!!! Flashback.
***************************************************************
"REIKA NATIVIDAD!" may pamilyar na boses na tumawag sa akin.
Ngayon na aalis si Keith papuntang U.S. Hindi ko alam kung anong gagawin ko, wala nanaman akong makakausap dito. Saka isa pa, gusto ko siya! Ayaw kong mawala siya sa akin.
Lumingon ako. Andun si Keith, may hawak hawak na bulaklak, tumatakbo papunta sa akin habang umiiyak...
"Reika." nasa harapan ko siya. Umuulan nun, nakapayong ako at ngayon ay parehas na kaming basang basa sa ulan dahil nalaglag ko ang payong ko...
"May sasabihin lang ako bago ako umalis." nakikinig lang ako sa kanya. "Reika...." nagbuntong-hininga siya. "GUSTO KITA!"
Nanlaki mata ko at hindi ako makagalaw noong niyakap niya ako ng sobrang higpit. "Ewan ko ba! Hindi ka naman kagandahan pero sa lahat ng babaeng nakilala ko, ikaw ang pinakakakaiba! Sorry ngayon ko lang sinabi sayo."
"Keith... gusto rin kita..." sabi ko.
"KEITH! BAKIT KA NAGPAPABASA SA ULAN? MALAPIT NANG UMALIS ANG ERPOLANO! BILISAN MO NA!" mula sa malayo ay sumigaw ang daddy niya.
"Next time nalang, Reika..." tumakbo na siya papalayo. I can' help myself but cry.
After that, I met Bread Pan, and I became obsessed with Aki. I forgot about him.
*********************************************************************
Aki Flores's POV
"Reika, baka gusto mong makipag-date sakin ngayon.. W-well hindi naman as-in date, pero mag hang-out lang tayo.." sabi nung Keith na nakasalubong namin. Nag-iba ang mood ko sa narinig ko, hindi ba niya nakikitang may kasama siyang lalaki? Pati na lang rin si Ayumi, sigeee. Pero bulag ba 'tong lalaking to?
BINABASA MO ANG
11:11 - My Impossible Wish
Teen FictionMeet Reika Natividad, Ikai for short, who's not blessed with beauty. Akala niya hanggang pangarap lang ang dream come true niya. While on the other side of the universe (dejk), makikilala mo si Aki Flores, ang lead vocalist ng pinakasikat na banda s...