Warning: Not suited for young readers,haters && bashers 😂😂Prologue
"Aunt Millie, pwede po ba'ng doon muna ako sa cottage malapit sa dagat kahit ngayong gabi lang?" aniya sa tiyahin habang kumakain sila nang hapunan.
Tumingin muna ito sa kanya bago nagsalita.
"Pero hija mag-isa ka lang doon at malayo pa sa bahay." ani aunt Millie niya sa pagitan nang pagkain nila.
"Okay lang auntie. Gusto ko lang mapag-isa't makalanghap nang sariwang hangin malapit sa dagat. It'll make me calm." May pagsusumamo sa boses niya habang sinasabi iyon sa tiyahin.
"Okay sige darling. Pero ngayong gabi lang okay. Alam mo naman nag-aalala ako sayo eh!" Anito sa nag-aalalang boses.
"Okay auntie. Don't worry too much. I'll be fine." pag-a-assure naman niya dito.
"Sige tapusin mo na ang pagkain mo at ihahatid kita doon sa cottage nang makapagpahinga ka na." sabi nito.
"Okay po. Salamat!" Pasasalamat niya dito at tahimik nang ipinagpatuloy ang pagkain.
Nang maihatid siya nito sa cottage malapit sa dagat ay nangangapang lumabas siya para manatili sa tabing dagat. Kabisado na niya ang lugar na iyon kaya alam niyang safe naman siya doon.
Gusto niyang mapag-isa at makalanghap nang preskong hangin mula sa dagat. Ang maalat-alat na simoy nang hangin ay nagagawang pakalmahin ang nasasaktan niyang puso. Dito sa cottage payapa at walang makakarinig sa mga iyak at hinaing niya.
Tahimik lang siyang umiiyak nang maramdamang parang may nakatitig sa kanya. Pakiramdam niya ay hindi siya nag-iisa at may nagmamasid sa kanya.
Tila nananayo ang mga balahibo niya sa kakaibang nararamdaman. Naisip niya kung may multo sa lugar na iyon. Pero siya na mismo ang sumuway sa sarili dahil hindi naman siya naniniwala sa multo.
Nagulat nalang siya nang biglang may yumapos na mainit na bagay sa katawan niya. Kinabahan siya at nagpumiglas pero malakas ang mga brasong nakapulupot sa kanyang katawan.
Doon lang niya napagtantong may taong nakayapos sa kanya. Bigla ay binundol siya nang kaba.
"Why are you crying baby?hmmm! Don't cry okay.. I'll be here and I will make you feel better!"
Nanginig siya nang marinig ang tinig nito. Lalaki ang nakayapos sa kanya. Hindi siya makagalaw sa kintatayuan.
Tila gusto siyang takasan nang ulirat sa kabang nararamdaman. Naaamoy niya ang alak sa hininga nito. Lasing pa yata ang taong yumapos sa kanya.
BINABASA MO ANG
Lover in the Dark (COMPLETED)
RomanceR-18,Mature Content inside,not suited for readers below 18, ranked 21 in #forever Completed// Enrieka Rosales got blind at the age of twenty due to a car accident na ikinamatay nang kanyang kapatid na lalaki. Dahil sa kanyang kagagawan kaya namatay...