YRRAH ANDERSON'S POV
"Kuya, kailan ang balik mo?" Tanong ko kay Kuya Yohan habang kumakain kami sa isang Restaurant.
"Maybe next week."
Aalis kasi siya mamaya papuntang Hongkong para umattend sa isang Business Conference. Sinasanay na kasi si kuya para i-manage ang business ng pamilya na iniwan ng parents namin.
After naming kumain ay kaagad ng lumabas si kuya upang kunin ang naka park na kotse.
At palabas na rin ako dito sa restaurant na pinagkainan namin ng makita ko ang mga tingin ng isang grupo ng mga babae na mukhang kasing edad ko lang.
"Look! taga LEU siya."
"No doubts, ang ganda niya kasi."
"Wait, siya yung 1st Princess ng LEU diba?"
"Omg! You mean siya si Princess Yrrah?!"
"Ang ganda niya sa personal."
Napailing na lang ako dahil sa dinig kong usapan nila. Kita ko pang kinuhanan ako ng picture ng isa sa kanila kaya nagmadali na akong lumabas ng Restaurant na yun.
I hate attention.
Hindi naman ako artista, pero ang dami ng mga nakakakilala sa akin kahit saan ako magpunta. At wala ding "Princess" ang pangalan ko kahit tignan niyo pa ang birth certificate ko. Pero dahil isa raw ako sa mga Campus Princess ng LEU ay ganun ang tawag nila sa akin.
Paano nga ba ako naging Campus Princess?
Well, nag enroll lang naman ako sa L.Edward University dahil sa kagustuhan ng Kuya ko at ng pinsan ko dahil doon din sila nag-aaral ng college. At nang pumasok na ako (first day of class) ay nagulat na lang ako dahil kilala na ako nang lahat ng mga estudyante sa LEU! Imagine how shocked I am that time kasi wala akong kaalam alam kung bakit biglang kilala na ako. At sa pinsan ko lang nalaman na isa pala ako sa mga binoto ng mga taga LEU para maging Campus Princess. At dahil ako ang may pinaka maraming boto ay ako ang naging Campus first Princess.
Nang maihatid na ako ni kuya dito sa school ay kaagad kong nakita si Kyle, siya ang pinsan ko na nag-aaral din dito sa LEU.
Pareho kaming second-year college pero magkaiba ang course naming dalawa.
Pagkalabas ko ng kotse ay lumapit pa si Kyle kay Kuya Yohan.
"Kyle, bantayan mo muna si Yrrah habang wala ako." Bilin ni kuya kay Kyle kaya napa simangot ako. Kasi hanggang ngayon na 18 na ako ay parang bata pa rin ako kung ituring ni kuya.
"Don't worry kuya Yohan, kahit lamok hindi makakalapit dito kay Yrrah." wika naman ni Kyle.
How protective.
Tumango lang si Kuya at umalis na.
"Naku Yrrah, mukhang tatandang dalaga ka dahil sa pagiging over protective ni kuya Yohan," naiiling na sabi ni Kyle habang nakatingin sa kotse ni Kuya Yohan na papalayo.
"Huh? Ikaw din naman ah. Tinatakot mo yung mga gustong manligaw sa akin" natatawa kong sabi sa kanya.
"Tsk! Papatayin ako ni kuya Yohan kapag hinayaan ko ang mga yun" Sus, deny pa 'to.
Sabay na kaming pumasok sa loob ng school.
"Hello Prince Kyle, Hello Princess Yrrah," bati sa amin ng ilang estudyante na hindi naman namin kilala kaya ngumiti na lang kami.
By the way, hetong si Kyle ay isa nga pala sa mga Campus Prince, siya ang 4th Prince ng LEU.
"Yrrah, alam mo bang next week na papasok si Xian?" Biglang sabi ni Kyle kaya agad akong napalingon sa kanya
BINABASA MO ANG
School Royalties (✔️)
Teen FictionYrrah Anderson, a lovely girl who reigned as the first Princess in a famous school in the Philippines. While Xian Laxamana is the King, a King full of superiority and arrogance. But what will happen if the King fell in love with the first Princess a...