YRRAH'S POV
At the library.
Tamad kong tinitigan ang sampung libro na nakapatong sa mesa na nasa harapan ko. Kailangan ko kasing mag-aral para sa paparating na exam next week. At dahil isa akong honor student ay hindi ako pwedeng magtamad tamad.
Kinuha ko ang isang libro at binuklat. Nasa kalagitnaan na ako ng pag-aaral ko nang marandaman ko na nag vibrate ang phone ko, tinignan ko yun at may text na nakalagay.
From Kyle: Nasaan ka?
Hindi na lang ako nag reply sa text ni Kyle dahil paniguradong hindi ako makakapag-aral ng mabuti kung pupuntahan niya ako dito.
Binalik ko ang tingin ko sa librong hawak ko. Ilang sandali lang ay may biglang kumausap sa akin.
"Hey, may papel ka?"
Umangat ang tingin ko sa harap ko at natigilan ako dahil hindi ko inasahan na si Xian Laxamana ang makikita ko sa mismong harapan ko.
Tumingin ako sa paligid at ilan lang ang mga estudyante ang nandito at may kanya kanya pa silang mga mundo.
Pero kahit na! How come na hindi nila napansin ang pagpasok nang Campus King dito sa library? Alam kong magwawala ang mga ito sa oras na mapansin nila ito.
Tinignan ko ulit siya, nakatingin siya sa akin kaya nagmadali akong kumuha ng papel sa bag ko. Pagka abot ko ng papel ay hiniram din nito ang ballpen ko na nasa tabi ko lang.
Nagsulat siya sa papel at ako naman ay nakatingin lang. May ilang libro din sa tabi niya, mukhang nandito din ito para mag review. Pero bakit hindi ko man lang napansin na may umupo na pala sa harapan ko? Si Xian Laxamana pa! The Campus King!
Ibinalik ko na lang ulit ang tingin ko sa libro. Pero hindi talaga ako makapag concentrate. Binabasa ko ang libro pero wala naman akong matandaan.
Tinignan ko ulit si Xian na nakatutok pa rin ang atensiyon sa libro. Alam kong baka hindi na ulit ito mangyari na makakasabay ko ang Campus King pag re-review dito sa Library kaya sinulit ko na lang at tinitigan ko lang siya.
After five minutes...
Mabilis akong napaiwas ng tingin ng bigla siyang tumingin sa akin, "Yrrah, okay lang tumitig." sabi niy na naka ngiti ng pilyo at naging dahilan kaya nag-init ang pisngi ko na for sure ay pulang pula na dahil sa hiya.
Speechless naman ako, mabuti na lang at nag text ulit si Kyle kaya nagkaroon ako ng excuse para umalis na sa library.
"I have to go." wika ko at mabilis na akong lumabas ng library na hindi ko na hinintay pa ang response niya. Nakakahiya talaga!
Hinanap ko kaagad si Kyle.
"Anong nangyari sa'yo? Bakit ang pula ng mukha mo?" Tanong kaagad ni Kyle pagkakita niya sa akin.
"Maiinit kasi" palusot ko at naupo sa tabi niya.
"Mainit? Eh naka air condition ang buong campus" nagtatakang wika niya.
"Ewan" yun na lang ang sinabi ko habang pinapaypayan ang sarili.
"Yrrah!" Tawag sa akin ni Jade. Jade is the Campus 3rd Princess, and yes kaibigan ko siya.
BINABASA MO ANG
School Royalties (✔️)
Dla nastolatkówYrrah Anderson, a lovely girl who reigned as the first Princess in a famous school in the Philippines. While Xian Laxamana is the King, a King full of superiority and arrogance. But what will happen if the King fell in love with the first Princess a...