LANCE CLARKSON
(CAMPUS 1ST PRINCE)"Evans!" Malakas na tawag ko kay Evans na busy sa pakikipag halikan sa isang sexy na babae.
"Tsk, bakit ba?" Asar na tanong niya sa 'kin. Haha nabitin ata ang gago.
"Tinatawag tayo ng Mahal na Hari" pagkasabi ko nun ay mabilis niyang iniwanan ang babaeng kasama niya at lumapit sa 'kin.
"Saan?" Tanong niya habang inaayos ang damit niya na nagusot dahil sa pakikipag make out nito. Nakakadiri minsan itong si Evans, kahit sinong babae na lang ata minsan ang pinapatulan.
"Sa may VIP room"
Nasa isang bar kami ngayon para magsaya. Pagdating sa may VIP room ay lumapit agad kami kina Scott at Xian na nakaupo sa couch.
"Kumpleto na tayo" ngiti kong wika.
"Ano bang meron?" Tanong ni Evans at tinignan sina Xian.
"Gusto tayong kalabanin ng mga estudyante sa kabilang school" sabi naman ni Scott habang umiinom ng beer.
"Huh? Ano naman ang laban nila sa LEU?" Tanong ni Evans. Tumango naman ako sa sinabi niya. LEU has different groups who can fight well. Hindi lang sa talino sikat ang LEU dahil hindi talaga ito papatalo kahit saang larangan kahit sa bugbugan pa yan.
"But that school is known as the Gangster School. 50 percent ng mga estudyante ay mga gangsters" biglang sabi ni Xian habang nag ta-type sa laptop nito.
Napakurap ako sa sinabi ni Xian. May ganoong school ba? Ano yun? School for gangsters ba yun?
"What the hell! Anong klaseng eskwelahan yun?"
"Dont worry dahil may panlaban naman tayo sa kanila, bukas ay isama niyo dito sina Kyle Anderson at Adrian Santos" utos ni Xian.
"Kyle and Adrian? Bakit?" Tanong ni Evans na wala atang alam sa mundo. Gusto ko tuloy itong batukan.
"Kyle and Adrian are the Leader of the LEU's Gangsters" sabi ko sa kanya para hindi ito magmukhang tanga dahil mukhang walang balak sina Scott at Xian ang walang kwenta nitong tanong.
"Talaga? Bakit hindi ko ata alam yun?" Nagtatakang tanong pa ni Evans sa amin. Siraulo talaga.
"Busy ka kasi lagi sa mga babae mo" ani Scott na natatawa na lang sa babaero naming kaibigan.
"Tch! Pero bakit wala akong naririnig na balita about sa mga gangster sa LEU?" Evans asked again.
"Nakatago sila bro, LEU's gangsters are private gangsters. Sila ang lumalaban na walang pangalan" nakangisi kong sagot dito.
***
YRRAH'S POV
"Kyle, akala ko bang nag quit kana sa pagiging gangster mo?" Tarantang tanong ko kay Kyle na naghahanda sa pag-alis nito.
"Nagpahinga lang kami at hindi ako nag quit Yrrah" anito at humarap sa akin.
"Edi mag quit ka na ngayon!"
"Kailangan ako ng grupo namin. Isa ako sa leader at hindi ko sila pwedeng iwan lalo na ngayon na kailangan kami ng school" paliwanag niya. Pero kahit anong paliwanag niya at hindi ko pa din siya maiintindihan!
"Kyle naman! Hindi mo responsibilidad yun. At isa pa–" Hindi pa ko natatapos sa sasabihin ko ay umalis na siya sa harapan ko at hindi talaga ako pinakinggan.
Inis ko itong tinignan habang naglalakad ito palayo sa pwesto ko.
Mamayang gabi ay magkakaron ng laban ang LEU Gangsters sa kabilang school. Pero hindi ko alam kung saan. Kyle and Adrian are the leaders of the LEU's gangster.
BINABASA MO ANG
School Royalties (✔️)
Genç KurguYrrah Anderson, a lovely girl who reigned as the first Princess in a famous school in the Philippines. While Xian Laxamana is the King, a King full of superiority and arrogance. But what will happen if the King fell in love with the first Princess a...