Chapter 04

1.9K 70 1
                                    

YRRAH'S POV

"Yrrah tara na sumabay kana sa 'kin" ani Kyle pero hindi ko siya pinansin.

Nilampasan ko lang siya at nagpara na lang ako ng masasakyan ko sa pagpasok ng school. Two days ko na siyang hindi pinapansin at kinakausap. Manigas siya!

Pagdating sa school ay nag taka ang iba dahil hindi ko kasama si Kyle. Usually kasi ay kasama ko si Kyle dahil sa kanya ako nakasabay lagi sa pagpasok.

"Yrrah nasaan si Kyle? Bakit hindi mo ata kasama" tanong ni Jade pagkakita niya sa 'kin.

Di ako sumagot, wala itong alam sa nangyari sa hospital. Nagtataka nga ako dahil hindi kumalat sa school ang ginawa kong pagsampal sa Hari nila.

Guilt? Sorry pero hindi ko marandaman yun ngayon.

Hindi ko itatanggi na crush ko si Xian, pero mas mahalaga si Kyle sa akin. Lalo na at nag-iisang pinsan ko siya at parang kapatid ko na rin siya dahil magkasama kaming lumaki. Hindi ko mapapatawad ang kahit sino kapag may nangyaring masama kay Kyle.

Hanggang sa mag lunch break na ay tahimik lang ako. Dahil wala ako sa mood pumasok sa next subject dahil nandun si Kyle ay nagpunta na lang muna ako sa Library.

Dala ko ang laptop ko kaya pumunta ako sa sulok at naglaro lang ako ng game gamit ang laptop ko. Gumamit din ako ng earphone.

Napansin kong may umupo sa tabi ko pero hindi ko ito pinansin, tuloy lang ako sa paglalaro. Inis kong isinara ang laptop nang ma game over ako. Pagka alis ko ng suot kong earphone ay siyang pagtawag naman sa pangalan ko ng nasa tabi ko.

"Yrrah" mabilis akong lumingon sa tumawag sa 'kin. Bakit naman siya nandito?

Hindi ako sumagot. Pero nagulat ako ng bigla na lang niya akong hinila patayo.

"Anong problema mo?" Inis kong tanong dito kay Lance.

"May gustong kumausap sa'yo" anito at hinila ako palabas ng library.

"Ano ba! Bitiwan mo 'ko!" Pumalag ako pero ang lakas niya kaya hindi man lang ako makapalag sa paghila niya sa akin.

Pati si Scott ay nakita ko rin, kinuha niya ang bag at laptop ko. Magkasabwat ang dalawa!

"Ano bang kailangan niyo?" Sigaw ko sa kanilang dalawa pero para silang mga walang naririnig.

Hinila ako ni Lance palabas nang Library. Pinilit ko pa ding hinila ang kamay ko na hawak niya. "Bitiwan mo 'ko sabi!"

At nang bigla naman niya akong bitawan ay tumilapon ako sa isang magaspang na pader kaya napangiwi ako ng magkaroon ako ng maliit ng gasgas sa braso.

"Yrrah!" Ani Lance at lumapit pa sa akin.

Tinignan ko ng masama si Lance, nasa tabi na nito sina Scott at Evans. Lumapit si Evans at Lance sakin, hinawakan nila ang magkabila kong braso at hinila na naman nila ulit ako.

"Saan niyo ba ako dadalhin?" Hindi sila sumagot, basta kinaladkad lang nila ako hanggang sa may back gate ng school.

Agad sumakay si Scott sa front seat ng isang kulay puting van. Dinala naman ako sa backseat nitong sina Lance at Evans. Bale iginitna nila ako sa kanilang dalawa.

"Ano 'to? Kidnapping? Sorry kayo pero walang maibibigay na pang ransom ang Kuya ko sa inyo" Naiinis kong sabi sa tatlo na tinawanan lang naman nila. Mga baliw! Nababaliw na ang mga estudyante ng LEU!

Nang nasa harapan na ng isang kilalang Gym ang van ay doon lang huminto si Scott sa pag drive.

"Anong gagawin niyo diyan? Alam niyo kung may balak lang pala kayong mag work out ay hindi niyo na lang ako dapat isinama pa!" Irita kong wika sa mga ito. Ngayon lang ako nakakita ng kidnapping na sa gym dadalhin ang biktima.

At katulad kanina ay hila-hila parin nila ako hanggang sa maka pasok na kami sa loob ng gym. Ano bang trip ng mga 'to!

Napalunok naman ako ng makita ko ang ilang kalalakihan na nandoon at walang damit pang itaas na nag wo-work out. Meron ding mga babae pero mas marami ang lalaki.

Dinala ako nang talong baliw na mga prinsipe hanggang sa third floor. At isang naka topless na Xian Laxamana ang nadatnan namin doon. Kung hindi lang ako galit dito ay baka kanina pa ko nag daydream kay Xian dahil sa katawan nitong pang cover na ng mga magazine. Pero dahil galit pa din ako sa kanya ay tinignan ko agad ito ng masama

"Xian, heto na si Yrrah" ani Lance na nakapagpakaba sa akin. Wait... gagantihan ba ako ni Xian dahil sa pagsampal ko sa kanya?

Bigla kong naalala yung mga estudyanteng kumalaban sa Campus King at sa tatlong Campus Prince na to. Lahat sila ay bugbog saradong bumabalik sa school pagkatapos silang ipatawag ni Xian Laxamana.

What if kung ako na pala ang sunod na bubugbugin nila? Kahit na isa ako sa mga School Royalties ay baka hindi iyon palampasin ni Xian. Lalo na at sinampal ko siya sa harap ng madaming estudyante ng LEU.

Tumingin si Xian sa amin. Kumuha ng towel at pinunasan nito ang pawis bago siya lumapit sa amin.

At kahit medyo kinakabahan ay matapang kong sinalubong ang mga titig niya. Kahit kinakabahan ako sa maaaring mangyari ay hindi ko ito ipapakita sa kanya.

Titig na titig siya sa mata ko at ng nasa harapan ko na siya ay nalipat ang tingin niya sa braso ko na may maliit na gasgas na nagpakunot ng noo nito. "Bakit may sugat siya?" Tanong nito habang nakatingin da din sa maliit na gasgas sa braso ko.

"Eh Xian, ayaw niyang sumama kanina, nanlaban kaya ayan"

"ANG SINABI KO AY DALHIN NIYO SIYA DITO AT HINDI KO SINABING KALADKARIN NIYO SIYA!" Galit na sigaw niya sa tatlo at pati ako ay nagulat din. Ito ang unang pagkakataon na narinig kong sumigaw si Xian.

Hinawakan niya ang kamay ko at hinila ako paupo sa isang upuan. Kinuha niya rin ang first aid kit at ginamot ang sugat ko

"Maliit lang naman yan, hindi mo na kailangan pang gamutin" malamig kong sabi sa kanya. Pero tuloy pa rin siya sa ginagawa niya.

Tinignan ko ang tatlo na nakatingin lang sa ginagawa ni Xian. Nang matapos na siya ay pinalabas na muna niya ang tatlo.

"Ano ba ang kailangan mong sabihin sa akin?" Tanong ko matapos nitong lagyan ng bandaid ang sugat ko.

"Gusto kong makipag ayos sa'yo. Were both royaties so it's not a good impression for others if they will found out about what happened " pormal nitong sabi na hindi ko inaasahan na sasabihin niya. Natahimik ako bigla. Nawalan ako ng sasabihin dahil hindi ko napaghandaan na ganito ang gusto niyang sabihin sa akin. Concern ba siya sa akin? Si Xian ba ang dahilan kaya walang kumalat na balita sa LEU? Dahil oras na malaman ng LEU ang ginawa ko sa Hari nila ay siguradong hindi nila ako titigilan, sila mismo ang gaganti para sa Hari nila.

"And you like me, right?" Tanong ni Xian na ikinalaki ng mata ko.

"Anong pinagsasabi mo?"

"You like me, but now you look so angry and I don't like it. Okay lang na gusto mo ko, pero please lang wag kang magagalit sakin" napapanganga ako. Speechless na naman ako sa sinabi niya  Hindi ko siya maintindihan, ano ang ibig nitong sabihin?

"Ano naman kung galit ako sayo?" Tanong ko. I want to clear my mind. Ayokong pagkatapos ng pag-uusap namin na ito ay mag-iisip pako kung ano ang ibig niyang sabihin.

Na bo-bother ba siya dahil may taong galit sa kanya? Hindi ba siya sanay na may taong galit sa kanya? Pero bakit kailangan niya pang isingit na may gusto ako sa kanya?

"At oo gusto kita pero dati pa yun, ngayon hindi na" dugtong ko pa. Hindi ko na kailangan pang ilihim ang totoo, hindi naman masama na magka gusto. Totoo naman eh, simula ng sinabi ni Jade na si Xian ang nang utos kay Kyle na labanan ang kabilang school ay nawala na parang bula yung pagka gusto ko sa kanya.  All I can feel that time is anger towards him.

"At sa palagay mo ba ay papayagan ko na mawala na lang bigla ang pagkakagusto mo sa akin" This time, he's grinning. Tumayo ito at umupo sa tabi ko.

"Anong ibig mong sabihin" kunot noo kong tanong dito. Nanlaki bigla ang mata ko nang inilapit niya bigla ang mukha niya sa akin at walang sabi sabing hinawakan niya ang baba ko.

"You have to like me again, and I will make you fall for me Princess" bulong nito na napalakas ng tibok ng puso ko.

***

Hazlyn Styles

School Royalties (✔️)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon