Chapter 05

1.9K 54 1
                                    

SCOTT'S POV

"Nakakatakot si Xian" ani Evans habang pare-pareho kaming nakaupo dito sa may labas ng pinto at hinihintay sina Xian at Yrrah.

"Dapat kasi hindi niyo hinayaang masugat" sabi ko sa kanilang dalawa. Nadamay tuloy ako.

"Eh aksidente lang naman, at tsaka maliit na sugat lang yun" ani Lance na naka simangot.

"Pero ano bang meron kay Yrrah? May gusto ba si Xian sa kanya?" tanong ko sa kanilang dalawa.

"Ewan, pero nung isang araw pa lang naman nakilala ni Xian si Yrrah" wika ni Lance.

"Huh? Matagal na kayang kilala ni Xian si Yrrah" sabi ni Evans.

"Ha? Sabi ni Xian noon lang niya nakita si Yrrah, yun ang sabi niya sa kin" Lance stated.

"Hindi ko yun makakalimutan, First year college tayo nun, at first day of class. Tanda ko umuulan nun share kami sa payong ni Xian tapos bigla niya akong tinulak at si Yrrah ang pinayungan niya. Ang saklap nun dude! Biruin mo first day of class pero mukha akong basang sisiw!" Sabi ni Evans sa amin na parang yun na ang pinaka masaklap na bagay na ang nangyari sa kanya.

"Eh bakit nagsinungaling siya sakin?" Takang tanong ni Lance habang nakatingin sa amin ni Evans. Para namang alam namin ang sagot sa tanong niya. Baka nakalimutan na ni Xian yun? Baka hindi lang talaga niya kilala ang babaeng pinayungan niya noon.

"Sino ang nagsinungaling?" Mabilis kaming nagsipag tayo ng marinig namin ang boses ni Xian na nakalabas na pala kasama si Yrrah.

"Ah wala yun, yung girlfriend ni Evans may asawa na pala. Nagsinungaling kasi ang sabi single" palusot ni Lance na agad tinignan ng masama ni Evans.

"Babalik na ko sa school" ani Yrrah na nasa tabi lang ni Xian. Wala namang ibang reaksyon sa mukha niya bukod sa namumula ang mukha nito. Kaya nagkatinginan kaming tatlo. I wonder kung ano ang ginawa nila sa loob.

"Ihahatid na kita" sambit ni Xian.

"Huwag na" Mabilis na pagtanggi ni Yrrah pero parang walang narinig si Xian at siya pa mismo ang nagdala sa bag ni Yrrah at nauna nang naglakad.

Pagka alis ng dalawa ay naiwan kaming tatlo na nagtataka. "At kailan pa naging gentleman si Xian?" Takang tanong ko at parehong nagkibit balikat lang ang dalawa.

***

YRRAH'S POV

"Dun sa kanto malapit sa school mo na lang ako ihatid" walang reaksyon na sabi ko kay Xian.

"Bakit doon. I will drop you off in front of school?"

"Ayokong magkaroon ng bagong issue sa school pag nakita nilang inihatid mo ako" wika ko dito. Siguradong may meaning sa mga LEU students kapag nakita nila kami ni Xian.

"Wala akong pake sa kung ano mang issue yan"

"Kung wala kang pake, puwes ako meron" sambit ko. Kita kong napa buntong hininga lang siya at inihinto niya ang kotse sa may kanto.

At bago ako lumabas ng kotse ay nagsalita muna ako. "Xian, please don't try to make me fall for you. Lalo na kung hindi mo naman yun mapapanindigan sa huli pag nangyari na"

"What do you mean?"

"What i mean is... Okay lang na gusto kita. Pero ayoko ang mahalin ka. Kasi kapag nagmahal ako gusto ko akin lang, gusto ko ako lang. Selfish akong magmahal, at ayoko ng iniiwan" Yun lang ang sinabi ko at lumabas na ko sa kotse niya.

Ewan ko kung bakit ko sinabi yun, siguro kasi yun ang totoo. Siguro kasi natatakot ako.

Natatakot ako dahil hindi naman malabong mahulog ako sa kanya hindi ba? What if kung mahulog ako? What if hindi niya ko saluhin? Kasi wala naman siyang sinabing sasaluhin niya ko pag nahulog ako diba?

School Royalties (✔️)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon