GLASS SHOES #1: THE START

15 1 0
                                    

“Hindi kasalanan ang ipanganak kang mahirap, ang kasalanan ay ang mamatay kang mahirap pa din.” Kaya ako, hinding-hindi ko hahayaan yun! Inaamin ko na hindi kami mayaman, at ayokong gamitin ang pagkamahirap namin para kaawaan.

Ako si ALEXANDRINA VICTORIA S. RAMOS, ang pangalan ko lang ata ang mayaman. Kinuha pa ito ni mama from England kaya imported! Galing sa isa sa mga naging reyna ng British empire, si Queen Alexandrina Victoria. Alam niyo ba na naging reyna siya nung 18 years old palang siya? Okey, 16 years old palang ako, at mag se17 sa August, may chance pa! Chos! Nangyari yun ng mamatay ang tito niyang si King William IV. Lumawak ang napamahalaan niya, sa mga taon ng pamumuno niya ito’y tinawag na Victorian era, bongga di ba?

“Mahal na reyna, gumising ka na daw!!” bulyaw ng kapatid ko sa tenga ko, automatic ko namang hinampas ang ulo niya sabay sagot; “5 minutes pa!”

“Ano ‘to computer shop? ‘Wag mong intayin si mama ang humila sa’yo!” at umalis na rin siya pagkaraan, nag-iinat pa ako ng tumama ang ulo ko sa may dingding sa sobrang liit ng kwarto ko. Nagmartsa na ako papuntang kusina at nadatnan si mama na naghahanda ng maraming pagkain. “Noche Buena na ba?” inosente kong tanong habang tinitignan ang hain sa mesa, natatawa pa si mama ng sumagot; “First day mo ngayon sa bago mong iskul, kaya dapat marami kang energy na baon!”

Tumatango-tango lang akong umupo, di ko talaga maintindihan kung bakit nagluto pa ng ganito kadami si mama, sana tinipid na lang niya yung pinambili. Pero di ko din mapagalitan si mama, alam kong gumising siya ng maaga para lang dito. Nangiti na lang akong tinignan siya. “Oh, kumain ka na, malelate ka pa niyan.” Pagod na ngiti niya, tumango na lang ako’t kumain ng biglang umupo si Xander, yung kaninang nanggising sa akin, at nakikain.

“Hoy Xander, ‘wag mong istorbohin ang ate mo!” sermon ni mama.

“Ma naman, nagugutom na ako! Atsaka di naman mauubos lahat yan ng mahal na reyna.”

“Kahit na!”

“Oo nga mama, babaunin ko na lang po yung iba.” Sagot ko din kay mama, nangiti naman si Xander, kulugong ‘to!

“Pinag-impake nga pala kita ng pagkain mo.” At inabot ni mama ang pink na bag, si mama talaga binili pa ‘to eh meron pa naman nung luma. Bumuntong hininga na lang ako.

--

Pagkatapos kong maligo sinuot ko na ang bago kong yuniporme. Kung nagtataka kayo, pero parang hindi na, kaya ginagawa ni mama yun ay dahil sa bago kong iskul. Hindi ito basta ordinaryong iskul, ito ay ang sikat na ST. FRANCIS INTERNATIONAL SCHOOL, sikat ito dahil sa mga estudiyante nito. Mga mayayaman from the Philippines at kahit sa ibang sulok ng daigdig, as long as may pambayad ka, utak or talent! Kung iisipin kahit isa doon wala ako, hahah himala na lang para makapasok ako!! Joke lang, binenta nila papa ung 300 sq. mi naming lupa.

Pinilit ako ni mama na mag-aral doon dahil sa kadahilanang upang makakilala ako ng mayamang binata na magsasalba sa amin sa hirap!

Hindi sobrang ikli ng paldang yellow and green na checkered, mga 1 inch lang pagkaraan ng tuhod ang haba. Kulay puti ang blouse, na ang magkabilang manggas ay may telang chekered at naka-folded, meron ding necktie na kulay red na nandoon din ang simbolo ng iskul.

Alam kong nagbobonggahan din ang mga ka-eskwela ko nito kaya ready ako! Kinulayan ko ang dati kong Chocolate-brown na buhok ng color Champagne-yellow, sariling kayod to, sinuot ko na rin ang bago kong medyas at bagong shine na sapatos na 3 inches, bitbit ko na din ang peke kong Gucci na bag, class A siya kaya di halatang mumurahin kumpara sa mahal, parang ako. 

Naglagay din ako tulad ng inuutos sa akin ni mama, ng eyeliner at mascara, mas nakita pa ang natural blue eyes ko, salamat sa aking mga ninuno, pangako di ko kayo bibiguin. Nag-foundation at lipgloss din ako. ‘Yan sinung nagsabing papasok pala ako ng iskul neto.

Sinukbit ko na ang shoulder bag ko, “Ma, alis na po ako!”

“Sumabay ka na kay Henry.” Utos ni mama, nagmano ako pagkalapit sa kanya. “Nasaan po ba si Henry?” Si Henry ang sumunod sa akin, bale, 16 years old na siya dahil March ang birthday niya, may sarili na siyang motor at galing yun sa ipon niya, tinuturing na rin niya iyon na parang tunay na anak,ang sweet di ba?

“Henry anak! Ihatid mo nga tong ate mo sa iskul niya.”

“Ha? Ayoko nga baka mapilay pa niya yung Honey-babes ko!” maktol ng mahal na prinsipe, sabay irap ko. “Umayos ka Henry! Baka gusto mong dinadagukan kita dyan? Ihatid mo ate mo, at tantanan mo yang katatawag ng Honey-babes dyan sa motor mo!” umiling-iling pa siya tsaka nag-ayos ng sarili. Hinagis niya sa akin yung isa niyang helmet. “Sakay na!” sinuot ko na yung helmet tsaka umangkas sa likod, nagpray muna ako. Alam ko kung paano magmaneho tong si Henry, baka sa pagkakataong ito tuluyan ng humiwalay ang kaluluwa ko.

“Anak yung baon mo.” Bilin ni mama, sinecure ko yung pink na bag at binigyan siya ng tango.

“Humawak ka.” Kulob na boses ni Henry dahil naka-helmet na siya. At pinulupot ko ang mga braso ko sa may leeg niya. “May balak kang patayin ako noh! Ayusan mo yang hawak mo!” sigaw pa niya, kaya humawak na lang ako sa jacket niya. Tapos! Kumaway ako kay mama at pinaandar na ni Henry yung motor.

After ten minutes, nasa harapan na rin kami ng malawak na gate ng St. Francis International School. “Baba na.” gising sa akin ni Henry, noon ko lang napansin na tulala pala akong nakatingin sa bago kong iskul. Bumaba na rin ako. “Ang laki pala talaga ng school mo mahal na reyna.” Sabi niya sabay bukas ng salamin ng helmet niya at sabay kaming humanga dito, “Geh, good luck sa ‘yo. Kapag may umaway sa ‘yo dyan, isumbong mo sa akin.” Bilin niya na parang siya ang kuya. “Hahahah, wala yan! Geh, umalis ka na baka malate ka pa niyan!” pagtataboy ko sa kanya. Sinarado ulit niya yung salamin ng helmet niya. Kumaway siya saglit tsaka umalis na. Huminga ulit ako ng malalim tsaka nilingon ulit yung iskul ko. Ito na yun Victoria, dito na magsisimula ang lahat, at nagblow-fist ako! Fighting!

End of chapter 1…

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 30, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Cinderella is AmbitiousTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon