Chapter 2

69 4 0
                                    

"Bro!" "Ins!" sabay na sigaw nilang dalawa.

Napatingin kaming lahat sa kanila.
They caught everyone's attention. Nag umpisang magbulong bulungan yung mga classmates ko.

Naglakad si Ry papalapit sa mga kaibigan niya, ganon din si Dria saakin. She seated next to me since bakante naman dito dahil ayaw tumabi saakin ni Arci. Madaldal daw ako e. Geez.

"Buti nalang classmates tayo!" masayang sabi ni Dria, ngumiti lang ako.

Hindi pa talaga naaabsorb ng utak ko 'yung nangyayari ngayon. Ang daming tumatakbo sa isip ko. Mga tanong na nagpapagulo saakin. Hays, kainis! Nawala na nga yung antok ko, dalawang oras pa akong maghihintay hanggang matapos ang klase para magtanong kay Dria.

Bakit ba kasi sila magkasama? Matagal na ba silang magkakilala? Ano bang meron sakanila? Sila ba? Siya ba yung girlfriend ni Ry? Ba't hindi niya 'to sinabi saakin? Bakit pinsan ko pa?

Tadhana bakit ba ganito ka? I don't get you. Nothing's starting yet pero ang labo mo na.

"Faye, dun tayo sa bahay niyo maglunch." pag aaya ni Jersey after class.

"Lunch ba talaga gusto mo don o kuya ko?"

Namula ang pisngi ni Jersey sa hiya kaya nagtawanan kaming magkakaibigan. Nagulat ako nung may mga lalaki ring nakitawa saamin. Sa pagkakaalam ko kasi kami nalang natira dito sa classroom. Napalingon ako sa pinanggalingan ng tawa. Nandito pa pala sila—siya.

"Che!" sabi ni Jersey tapos bumalik na sa pag-aayos ng gamit niya.

Uwian na namin ngayon. Half day lang ang class every first day of school. Bumalik ako sa pag aayos ng gamit ko para makaalis na kami. Nilingon ko yung katabi ko and I saw her fixing her things too.

Teka... hindi ko pa pala siya napapakilala sakanila.

"Guys!" napalingon sila saakin "I forgot. This is Chandria, my cousin." ngumiti silang tatlo.

"Jersey, Ange and Arci" tinuro ko sila isa isa.

"Hello! I'm Chandria– Dria for short." then she smiled widely.

"Hi!" masayang bati ng tatlo, they're very friendly kaya sure ako na makakasundo nila si Dria, knowing her sobrang daldal niya din.

"Oh wait..." biglang akong hinila ni Dria papalayo kila Jersey and papalapit naman kila...

Ry?

"Ry, this is my cousin, Faye—Gabriella Faye" oh my gosh

"Faye, I know you know him na," oo naman, famous yan e "But still. This is Ry, my best fried." what the hell?!

"Hi, Faye!" then he offered a hand, nakatitig lang ako sakanya, I don't know what to do!

Nagtititigan lang kami then suddenly he raised his eyebrows. Shit! Ano na? Faye! Tanggapin mo na!

"Uh. H-hi!" then nakipag shake hands ako pabalik.

He's too formal. But damn! This is the second time! Second time na mag-interact ang skin namin. Pwede bang sumigaw? Hindi ko na kasi talaga kaya. Kaya yung kilig!

OA na kung OA pero kasi totoo e. I still remember the first time our skin interacted. Mass 'yon noon e. Tapos right now, our second time! Geez. I'm being weird.

"Bro, I can't go later." ay ano ba yan biglang umepal yung isa sa kaibigan ni Ry na si Gil.

"What?!" epal din

"Again?!" isa pang epal

"We'll have a lunch date today" Gil said sabay pinalupot yung kamay niya sa bewang ni Ange.

Thought of YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon