Ikalawa

2 0 0
                                    

Ilang araw na din matapos akong iwan ni Gio. Kaya ibinuhos ko ang oras ko sa pagtulong kay inay sa pananahi. Darating din ang panahon na makakalimutan ko siya kasabay ng nararamdaman ko sa kanya.

"Nay bagay ba sakin?" ilang oras ko rin ginawa itong gown madami-dami kasi ang trabaho ni inay kaya tinutulungan ko na.

"Ang ganda-ganda naman ng anak ko manang-manang sa nanay!" kita sa mga mata niya ang ligaya sana ganyan lagi si inay.

"Sige po tuloy ko na tong pinapaburda ni aling perli--"

"EMILYN!!!"

Si itay.

"ALAM MO BA YANG PINAGGAGAWA NG MAGALING MONG ANAK HA?!"

"Ricardo huminahon ka nakakahiya sa kapitbahay gabi na."

"P*T*NG*N* PINILI NG ANAK MO YANG BACHELOR OF ARTS IN FASHION KATARANT*D*HAN! MAGPUPULIS KA UMAYOS KA! TIGILAN MO YANG KALOKOHAN MO!"

"Hindi pagpupulis ang gusto ng anak natin Ricardo huwag mo ng pilitin tsaka hindi bagay sa anak natin yang propesyon na yan."

"AYAN! KINUKUNSINTI MO! PAMILYA NATIN MGA PULIS! HINDI YANG MABUBULOK SYA DYAN SA MAKINA!"

"Tay.."

"Ano ba Ricardo! Tama na! Pabayaan mo na ang anak mo dahil diyan siya masaya!"

"KINAKAMPIHAN MO NA NAMAN YANG ANAK MONG WALANG HIYA!!!"

"RICARDO, ANO BA! TAMA Nnn-"

"NAY!!!" sigaw ko habang pinagmamasdan ang nag-iisang nagmamahal saking ngayon ay nakahalandusay na sa lupa. Unti-unti kong nilapitan ang katawan ng aking inang nakahandusay sa lupa.

"EMILYN!!! WALANG HIYA KA TALAGANG BATA KA! TINGNAN MO ANG NANGYARI SA ASAWA KO?!!! DAHIL SAYO, DAHIL SA KATARANTADUHAN MO! G*GO KA! P*TANG *! P*NY*TA KA! P*TA KA! NA LUMAYAS KA SA HARAPAN KO!"sigaw ng aking ama habang tinutulak ako palayo sa nag-iisa kong tahanan.

Unti-unti ng pumatak ang aking mabibigat na luha tulad ng pagbagsak ng ulan na tila ay nakikiramay sa akin. Habang naglalakad sa kawalan, unti-unting pumapasok sa aking isipan ang lahat ng mga pangyayaring sa akin ay itinadhana.

"KASALANAN KO BA? KASALANAN KO BANG MABUHAY? ISA BANG PAGKAKAMALI ANG ISILANG AKO DITO SA MUNDONG IBABAW?? ? HA!!!" isinigaw ko ang mga katagang iyon, mga katagang matagal ng nakasiksik sa naghihinagpis kong puso.

Bakit ako pa? Bakit hindi na lang sila? Ang aking ina, hindi dapat nangyari iyon kung hindi dahil sa akin. Wala na ba talagang nagmamahal sa akin? Na kahit sarili kong ama ay kaya akong itakwil at palayasin na tila isang pesteng nakakapit sa kanya. Pati ang nag-iisang tagapagtanggol ko at minamahal ay iniwan na lamang sa isang sulok na tila isang bulang pinutok at naglaho sa mundo. Bakit hindi na lamang ako maglaho? Araw-araw, lahat ng pangungutya, pananakit, at pasakit ay dinadala ko hanggang sa aking pagtulog. Para akong isinumpa na apihin at tapakan ng lahat. Eto ba ang buhay na nag-aantay para sa akin? LAHAT! Lahat ng natitira kong lakas at pag-asa ay unti-unting inuubos at inilalayo sa akin? Wala ba akong karapatang maging masaya tulad ng ibang kabataan?

Sa puntong iyon, nakarating ako sa isang napakataas na gusali. Nakatulala sa kawalan, binibitbit ako ng sarili kong mga paa papunta sa pinatuktok, sa pinakamataas na silid ng higanteng tore.

Unti-unting humakbang ang aking mga paa papalapit sa liwanag. Isang lagusan kung saan nakikita ko ang liwanag, liwanag lamang at walang kadiliman, walang kadiliman kundi kasiyahan, kasiyahang walang kalungkutan. Tila pira-pirasong nabubuo sa akin isipan ang isang imaheng matagal ko ng pinapangarap, ang tanggapin ng mundong ito. Para akong hinihila ng liwanag kung saan nakikita kong naghihintay ang aking ina at ang pagmamahal ng aking minamahal. Naroon ang aking amang naghihintay at sabik na sabik na ako ay yakapin. Mga kaklase kong naging kaibigan na nakikipagtawanan at nakikipaglaro sa akin. Naroon si Gio, ang nag-iisang nagpatibok sa aking patay na puso. Tila isa iyong panibagong mundo na umiikot sa aking buhay. Pagmamahal, kasiyahan, at pagtanggap, lahat ng iyon ay nasa liwanag. Habang unti-unting gumagalaw ang aking mga paa patungo liwanag na sumisilaw sa aking mga mata. Binubulag nito ang masakit na katotohanan ng aking buhay at sinisilaw ng masayang kasinungalingan. Hindi ito madali. Nabubuo sa aking isipan ang pagtatalo ng katotohanan at kasinungalingan. Saan ba ako dapat na tumayo? Sa mga paang nakaapak sa mundo na tila ay ginuguhitan na matatalim nitong bubog o sa dulo ng bintanang ngayon ay aking  kinatatayuan? Ano ang dapat pairalin? Katapangan o kaduwagan? Unti-unti ng pumikit ang aking mga mata...

*black*

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 28, 2016 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

ICED TEA.Where stories live. Discover now