BESTFRIENDZONE

96 7 1
                                    

  Aamin ba ako o hindi??


Yan ang lagi kong tanong sa aking sarili. Iniisip ko kasi na pag nagtapat ako baka malay mo may nararamdaman din siya sakin tapos tanggapin nya yung pagmamahal ko. Hindi, dahil baka masaktan lang ako. Lahat naman ata ng tao takot masaktan diba? Takot na baka hindi tayo mahalin ng taong mahal natin. Sa mga Inarelationship, takot kayo na iwanan kayo ng taong mahal niyo.



  Ako si Lousie Anne Ocampo, isa lamang akong ordinaryong babae at studyante. Ako ay isang scholar student sa school na aking pinapasukan. Mahirap lang kami, si tita na ang nag-alaga sakin simula nung mamatay ang mga magulang ko. Nag-aral akong mabuti para lang  makapasok sa exclusive na paaralan na 'to. Bata pa lang kasi ako dito ko na gustong mag-aral, nung mga panahon na yun buhay pa sila mama at mayaman pa kami, pero simula nung mamatay sila naghirap na din ako. Yung mga pamana kasi nila sakin kinuha at ginastos lang ni tita at ng mga anak niya.



May isa akong bestfriend, si Brian Torres, kung ako ordinaryong tao kabaligtaran naman ang sakanya. Isa syang mayaman na lalaki, ang pamilya niya ang isa sa pinakamayamang pamilya dito sa pilipinas. Pagmamay-ari din nila ang school na aking pinapasukan. Basta mayaman sila.



Naging bestfriend ko siya nung bago pa lang ako dito. Binubully kasi ako nun. Kesyo mahirap lang kami at scholar lang ako pero dumating nun si Brian at pinagtanggol ako. Pagkatapos ng pangyayaring yun naging magkaibigan kami halos hindi na nga kami mapaghiwalay. Hanggang sa mag 4th year kami ganun pa rin, parang magkapatid na ang turing namin sa isa't-isa. Para ko syang kuya inaaway na yung mga nambubully sakin. Meron ding time na muntik na akong marape pero dumating siya, iniligtas niya ako. Meron ding time na walang wala ako pero nandyan lang sya hindi nya ako iniwan. Sobrang dami na niyang ginawang mabuti para sakin, hindi ko na nga mabilang.



Pero dumating ang panahon na kinakatakutan ko... Ang mahulog sa kanya. Hindi ko din alam kung kailan nagsimula. Basta paggising ko na lang isang araw inlove na ako sa isang Brian Torres, ang bestfriend ko.



Hays!! Bakit ba napaka-komplikado ng buhay ko?



---------------------------------



"BESTFRIEND!!!" Hayss hanggang bestfriend na lang ba talaga Brian?



"Oh, bakit ka sumisigaw, sakit sa tenga ah, yung totoo nakalunok ka ba ng micro phone" pinipilit kong ngumiti at itago ang lungkot na aking nararamdaman.




"Hahaha ikaw talaga, syempre namiss ko ang bestfriend ko ang tagal kaya nating di nagkita" bestfriend nanaman!



"Tsk ewan ko sayo. Parang isang bwan lang tayong di nagkita" sabi ko



"Teka parang ang sungit mo yata ngayon, meron ka ba"



"Wala noh, wala lang talaga ako sa mood"




"Aysus kunware ka pa, ako nga kasama mo nung unang time ka nagkaroon. Ako pa nga tagabili mo ng napkin pag naabutan ka dito sa school e" ay sh*t pinaalala niya pa. Nakakahiya kaya yun



"Wala nga!!" sigaw ko, mukha naman nagulat siya maski ako nagulat sa inasal ko



"Sorry" Hindi kasi siya sanay na makita akong galit. Palagi kasi akong nakangiti pag kasama ko sya.



"Oo na, basta wag mo ng ulitin" bigla namang nagbago ang mukha niya at sumaya



"Yehey bati na kami ni bestfriend!" tsk parang bata talaga tong lalaking to.




BESTFRIENDZONE (ONE-SHOT)Where stories live. Discover now