Kiss

6.4K 111 23
                                    

Mahirap mang sabihin, hindi ko kayang nakikita si Leandro na tila wala sa sarili at lagi nalang walang kibo. Sa t'wing dadalaw ako sa kanilang mansiyon ay tahimik at walang kabuhay-buhay, hindi kagaya dati na kahit malaki ang espasyo ay dama mo na makulay ang atmospera rito.

Mas lalong nalugmok si Donya Miranda sa kalungkutan 'nong nalibing na ang kanyang asawa. Siya naman ngayon ang umako ng sisi.

Kailangan kong maka-isip ng paraan para mabaling ang atensiyon nila palayo sa yumao nitong asawa. Oo, hindi madaling maka-usad sa pagkawala ni Don Miranda, pero kailangan bang siya naman ang umako ng sisi na hindi naman niya ginawa?

Bumuntong hininga ako at sumulyap sa bakanteng espasyo na aking inuupuan. Biglang sumungit sa isipan ko ang pag-uusap namin ni Don Miranda. At hindi ko alam na iyon na pala ang magiging huli na pagkikita naming dalawa...

"Hiniwalayan na ako ni Silvia," bulong niya na umabot kaagad sa akin tainga dahil sa katahimikan.

"Siguro mas nararapat na ibigay ko kay Leandro ng tuluyan ang aking agimat."

"Ano pong ibig niyong sabihin?"

Ngumiti siya at hindi pinansin ang aking katanungan, "Hinihiling ko na alagaan mo si Leandro at mahalin mo siya ng buong puso. Tanggapin mo siya ng buo kahit na anong kamalian niyang ginawa. Huwag mo siyang iiwan..."

Mahigpit niyang hinawakan ang aking kamay. Nanlambot ako nang natanawan ko ang butil ng luha na tumulo mula sa kanyang mata.

"Magsama kayong dalawa habang nabubuhay pa kayo. Mahalin mo siya ng walang hanggan."

"O-Opo..."

Matapos nang araw na iyon.

Hindi ko na nakita pa si Don Miranda sa mansiyon...

Bakit hindi ako nagdalawang isip? I should read between the lines! Bakit hindi ko man lang natunugan ang pinaplano niyang iyon? Huling habilin na pala niya iyon! Handa na at planado ang lahat. Buo na ang pasya na ipagparaya ang sarili niyang kasiyahan sa anak niya.

Ibig sabihin, sa oras na ibinigay niya ang agimat kay Leandro ng permanente... ay... mawawala na siya sa mundong ito.

"Uhm," nang makapasok ako sa kusina para kumuha ng inumin namin ni Leandro ay naabutan ko doon si Donya na nagpapakalango sa alak. "Bakit hindi pa po kayo natutulog? Ala una na."

Lumingon sa siya akin at inisang tungga ang nilalaman ng kopita. Nakabalot sa kanya ang makapal na roba laban sa lamig habang nakasandal sa counter. Madilim ang buong paligid na mas lalong nagpabigat sa atmospera.

"Everything... it's all my fault." tumikhim ako at pinakinggan ang sasabihin niya. "Kung hindi ko sana sinisi at hiniwalayan si Flavio ay baka masaya na kami ngayon. Nagpadalos dalos ako sa desisyon ko kaya nasira ang lahat. At dahil iyon sa kagagawan ko."

Nakita ko ang paghigpit niya ng hawak sa kopita. Bahagyang napaatras ako palayo sa kanya. Mahirap na, baka ibato niya ito sa akin. Sapat na ang natamo kong sugat sa leeg.

"If we just sticked together at all stakes, buo pa rin ang pamilya namin hanggang ngayon..." puno ng kalungkutan niyang wika.

"Donya Miranda, why don't you just find a remedy instead of stating that it's your fault? Wala kang kasalanan..." kahit na gusto kong sumangayon na siya ang may kagagawan ng lahat. Baka hindi lang bato ang gawin niya. Susungalngalin na niya ako ng hard.

"Paano?" kunot noo niyang sambit, "Sabihin mo nga kung paano!" hiyaw niya at ibinato ang kopita sa sahig.

Hindi nga ako nagkamali. Bakit ba ang hilig mambato nito?

Yayamanin kasi eh!

"Paano pa ako makakahanap ng lunas sa ginawa ko ngayong wala na siya... wala na ang asawa ko!" mariing pinagdiin ko ang aking labi at lumapit sa kanya. Hindi ko pinansin ang bubog na malilit na unti-unting pumailalim sa aking balat.

Lagot na naman ako kay Leandro mamaya.
"He just really loves you so much..." humigit siya ng paghinga nang tuluyan akong makalapit sa kanya. Sumeryoso ang tindig ko at pinasadahan ang mukha niya.

Kagaya ng kay Leandro. Hindi ko rin siya nakitang umiyak. Pigil ang sarili at damdamin.

Bakit ba pinipigilan kung kailan kailangan ng ilabas?

"Sana naiintindihan mo ang sinabi ko. Huwag mo sanang ibaon ang sarili mo sa lungkot. Paano si Leandro? Siya naman ngayon ang mahihirapan ngayong nagluluksa kayong dalawa? Bago lang din ang lahat sa kanya dahil kagigising niya lang sa coma." nanginginig na inabot niya sa akin ang kamay niya. Sinalubong ko naman iyon at hinawakan ng mahigpit."Paggising niya, nagbago na ang lahat..."

"Kaya nakikiusap ako na huwag mong akuhin ang lahat. Pinili ni Don Miranda na gawin ang bagay na iyon. Ipinagkaloob na niya ang agimat kay Leandro... At isa pa nandito kami para sayo. Si kuya, ang anak mo, ang Itay ko... at ako."

Doon ay parang bata siyang kumapit sa akin at sumubsob sa balikat ko, "Ang s-sakit lang... sobrang sakit..."

"Mahal na mahal ka niya, kaya niya ginawa iyon. Tatandaan mo 'yan, Donya Miranda." putol putol ang hikbi niya habang tumatango. Ipinikit ko ang aking mata at hinayaaan siyang ilabas ang lahat ng sakit sa dibdib.

Kiber ko ba kung maglawa ang damit ko sa luha sa sipon niya. Basta, may nasasandalan ang mga mahal ko sa buhay... wala na akong hahanapin pang iba.

Makalipas ng kalahating oras ay ramdam ko na ang pagbigat ng ulo niya sa akin. Jusmiyo, mukhang nakatulog pa ata ng nakatayo. Iiling iling ko siyang inalalayan, iniwas ko siya sa mga bubog at kahit na masakit ang talampakan ko ay dinala ko siya sa kanyang silid.

Hinawi ko ang buhok na dumikit sa kanyang mukha at hinaplos ang lumalabas na luha sa mata niya... walang tigil, walang balak tumigil. Sumuko ako sa pagpunas at pinagmasdan siya.

"Tita Silvia..."

Napatalon pa ako sa gulat nang makita ko siyang nagmulat ng mata at nagsalita. Aatakihin pa ata ako sa gulat! Wala man lang pasabing magsasalita pala!

"A-Ano po?"

"Just call me Tita Silvia, Isay... Thank you for being here with me and my son. Hindi ko mapapantayan ang pasasalamat ko sayo at kay Rod. I'm so thankful na nakakilala pa ako ng kagaya niyo." hinawakan niya ang palad ko at nilapit sa pisngi niya. Dinama ang mainit kong kamay sa malamig niyang balat.

"Pakasalan mo na ang anak ko. Gusto ko ng tatakan ang pangalan mo bilang sa amin." ngimiti siya samantalang nanatili naman akong walang kibo.

"Mrs. Isabella Imperial Miranda," unti unti ay sumilay na rin ang ngiti sa aking labi at mas lalo pa iyong lumaki nang halikan niya ang daliri ko na may singsing.

This is it!

Sinelyuhan niya ng halik ang pagmamahal namin bilang basbas... na nagpapahiwatig na nasa road to forever na kami.

Rakrakan na ba ito?

GhostlyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon