Lingid sa kaalaman ng iba, may mga nakikita akong makikita mo lamang kung may third eye ka. Ilang taon bago ko napatunayan na bukas ang matang ito ng ikunsulta ko ito sa aking lolo na may kaibigang albularyo. Mahirap itanggi kahit ayokong maniwala. Paano ka nga naman magbubulag-bulagan at magbibingi-bingihan kung sila na mismo ang nagpapapansin sayo. May mga nakilala pa akong mga bagong kaibigan na may kapareho kong sitwasyon at eksperto sa paranormal. Pero dahil gusto kong mamuhay ng normal, pinili kong dedmahin ang lahat. Hindi ako pumayag na mas lalong lumalim at lumawak ang kaalaman ko sa paranormal. Sapat ng nakikita at naririnig ko sila, basta ba hindi sila mananakit.
Narito ako upang ikwento sa inyo ang ilan sa mga storyang hango sa totoong pangyayari sa aking buhay at sa malagim na pangyayari sa buhay ng iba kong mga kaibigan na nagbahagi din ng kwento nila sakin.
Ilang paalala bago magbasa..
🌇 Ang mga kwentong inyong mababasa ay totoong nangyari. Kung hindi kayo maniniwala, ayos lang. Ang nais ko lamang ay ikwento ang mga bagay na akala mo mahirap maunawaan pero totoong nangyayari.
🌇 Ang mga pangalan, lugar, establisyimento, paaralan, ay aking binago upang mapangalagaan ang privacy ng mga kaibigan ko.
🌇 Ang mga larawan na aking ginamit sa istoryang ito ay aking kinuha kay GOOGLE (ctto) para kahit papaano ay may ideya kayo sa kung ano ang ikinukwento ko.
Salamat sa mga magbabasa at naiisipang basahin pa lamang. Malaking bagay na ang Vote at Comment. Nais ko ring malaman ang inyong mga mensahe, kuro-kuro, at suhestyon para sa aking mga kwento. Muli, maraming salamat, at....
😈WELCOME SA MUNDONG PUNO NG KABABALAGHAN! 😈
BINABASA MO ANG
Kababalaghan: Mga Misteryong Hango sa Totoong Buhay.
Short StoryMahirap paniwalaan ang isang bagay na hindi mo pa nararanasan. Ngunit paano kung bigla silang magparamdam sayo? Maniniwala ka na ba?