Chapter 2
" bye li thank you sa pagsama! Pakibigay na lang yan kay lola huh?"
" sige sige salamat sa libre ingat kayo"
Well back to reality na naman andito na ako sa bahay bubuksan ko na sana yung pinto ng may magbukas na doon si kuya
" aba! Ano sa tingin mo ang ginagawa mo? Wag kang feeling seniorita! Wala kang katulong! Di ka ba nahihiya? Nagawa mo pang mag lakwatsa? Samantalang walang kasama si lola sa bahay! At ano yan?"
" bigay yan ni kricia kay lola at wala palang kasama si lola edi sana di mo pinaglakwatsa yang asawa mo! " syempre pabulong lang yung sa huli no baka bugahan ako ng apoy e! Mahirap na no!"
" anong sabi mo? At saan naman kukuha ng pera si kricia pambili nyan? E wala ring pera ang mga iyon!"
" wala okay?? At wala akong alam kung saan sya kumukuha ng pera basta ang alam ko pinabibigay nya yan kay lola so pagod na ako kaya papasok na ako sa kwarto ko"
" hindi pa tayo tapos magusap! Ann!"
" hayaan mo na! Normal lang yan sa teenagers "
Tss nakakainis talaga sila ang kakapal letse! Tama kayo may kuya ako at may medyo tamad na asawa pero palagi naman akong tinutulungan nun kapag nagtatransform na si kuya kaya okay lang din minsan! Anyway Pumunta na ako sa kwarto namin ni lola!
" lola .. may dala po akoo"
" aba iha san mo naman nakuha yan?"
" ay la pinabibigay po yan ni kricia para sainyo daw po"
" ay ganern? Sige pakisabi na lang thank you!"
" opo lola .. pasensya na po ha kung hindi ako nakapagpaalam hinila na po kasi nila ako agad e.."
" ayos lang yun apo.. nagenjoy ka ba sa pinuntahan nyo?"
" opo hehe kumain ka na lola? Tara chibog tayo?"
" ay grabe sya! Di ka pa kumakain?"
" kumain na po haha kaso wala e nagutom ako sa byahe haha"
" o sige tara kain na tayo! "
" saglit lang po aayusin ko lang po ang lamesa la"
Habang naghahanda ako ay nakaupo na si lola ayos na lahat!
" tara la kain na!"
" sige kumain ka ng walang pinggan!"
" haha si lola di mabiro! Saglit la kukuha lang ako ng pinggan natin!"
Tumayo na ako at kumuha ng pinggan
" tumawag ang tito mo kanina"
"HUH????"
" bakit apo? "
" wala po ito po pingan kain na po tayo"
" sige apo "
Tahimik lang kaming kumakain. Nakakapagtaka! Bakit pupunta dito si tito? Anong meron?
" apo!"
" ay pusang kabayo! La naman e! Wag kayong nanggugulat! ang tahitahimik tas bigla kayong magsasalita malamang sa malamang magugulat ako!"
" haha pasensya na! Nakakunot na naman ang nuo mo e haha"
" tss si lola talaga o! Bakit po ba?"
" ah eh gusto ka daw makausap"
" eh bakit daw po?"
" aba malay ko! Tanungin mo na lang kaya"
" okay po!"
Pak!
" ay pusang gala! Grabe ka naman kuya nanggugulat!"
" hahaha ang panget mo na nga pumapanget ka pa lalo!"
" tss o ano yan?"
" bayarin natin! Sa tubig kuryente tsaka sa school ni prince! "
" oh tapos? Anong gusto mong gawin ko? Sa nagtatrabaho ako?"
" bakit sinabi ko bang nagtatrabaho ka? Sinasabi ko sabihin mo kay mama magpadala na!"
" eh kuya kapapadala lang ni mama pang allowance ko e! Wala ng pera yun kasi nagbabayad din yun ng mga utang! Ikaw dyan nagtatrabaho e!"
" eh nagbayad na ako sa school ni prince ang kaso kulang parin daw para makapagtest sya tapos nakapamalengke na kami ng ate mo wala ng natira! Kailangan pa nating magbayad ng ibang utang tas itong bahay pa! Kundi mapapalayas na tayo! "
" eh kuya wala na tayong maasahan kay mama! Pakiusapan muna natin yung sa bahay tas yung sa school ni prince ay may ipon ako sakto yun sa pambayad"
" eh apo akala ko ba ipon mo yon para sa college?"
" oo nga po! Matagal pa naman yon e! Iipon na lang ako ulit!"
" oh yan nasolusyunan na mahal makakapagtest na si prince!"
" eh pano ang kuryente at tubig? Hindi na papayag si aling melva na makiusap tayo! Limang buwan na tayo hindi nakakabayad ng bahay at yung ibang mga utang! Baon na baon na tayo! La anong gagawin natin? Sino na aasahan natin? Si mama nagbabayad din ng utang ng iba! Si lily pati ipon pang kolehiyo na damay na! Lintek naman kasi e"
" apo! May awa ang diyos malalampasan din natun to! "
" sana nga la sana nga.."
NASA kwarto na ako at matutulog na pero syempre sabi nga nila don't ever forget to pray! Dahil Pagrabe na ng pagrabe!
Panginoon maraming maraming salamat po at sa tuwing umaga ay gumigising pa po kami at good health for us maraming maraming salamat sa pagkain aming kinakain araw-araw maawaing diyos mahabag po kayo saamin Tulungan nyo po kami sa mga problemang dumarating patatagin nyo po kami para malagpasan ito bigyan nyo po kami ng lakas dahil kung mawawalan po kami ng bahay Saan na po kami pupulutin? Sana po ay matapos na ito ibinibigay ko na po ang lahat sa inyo . Amen
Sana nga malagpasan na namin to. Papahiga na sana ako ng
Krriiing krrriiiingg
Tito calling..Answer. End call.
Bakit kaya? Anong oras na? Anong kailangan ni tito? At hindi mapakali?anyway ..
" hello lily?"
" tito bakit po? Gabi na po ah? Bat po kayo napatawag?"
" kanina kasi tumawag ako sa lola mo wala ka daw?"
" opo .. tito baka po may pera kayo jan? Marami po kasing bayarin e tambak po "
" actually yun nga ang tinawag ko.. tutulungan kita ... peroo...
BINABASA MO ANG
SOLD TO HIM
RandomDo you even know what is the TRUE and the FAKE with my smile ? Do you even know how hard to ACT that your STRONG and HAPPY? Do you ? Because for me ? I think I already master it . Because for so long in my existence as a TEENAGER. All I ever do is t...