Chapter 5

6.9K 132 9
                                    


Chapter 5:

Mabilis pa sa alas-kwatro akong umupo sa upuang nasa harap ni Lewis. Ang weird niya talaga ano kayang nakain niya ngayon. Hindi ko naman siya kinulam o di kaya'y ginayuma kaso bakit siya ganito sa akin ngayon?

Napaka-assuming ko naman yata kong sasabihin kong nahuhulog na din siya sa akin o di kaya'y baka nagbago na ang isip niya at bibigyan na niya ng chance na mag-work ang marriage naming dalawa o baka kaya'y ako na naman si tanga na nilalagyan na naman ng meaning ang mga weirdong kinikilos niya sa akin.

Pero tanga ako e.

Mas pipiliin ko na namang sumugal at umasa na sana bigyan niya ako ng pagkakataong ipakita sa kanya ang totoong ako, na maipamukha sa kanyang mali lahat ang iniisip niya patungkol sa akin.

Kaso kung aasa ba ako, magandang resulta ba ang makukuha ko rito? O di kaya ay masasaktan na naman ako ulit at dodoble pa ang sakit na mararamdaman ko dito sa puso ko.

Hindi ako umiimik at panay lang sa plato ang tingin ko at hindi ko talaga inaangat ang aking mga tingin sa kanya. Dahil pag iaangat ko ang tingin ko paniguradong malulunod na naman ako sa mga karagatan niyang mata.

I was about to take the rice at my spoon ng bigla siyang nagsalita na ikinabigla ko.

"Pack your things in your room and clean it before you leave," typical na nganga ang ipinukol ko sa kanya habang hindi makapaniwala sa mga sinasabi niya.

Ito na ba yung chance na ibibigay niya?

Ito na ba yung chance na matagal ko nang hinihingi.

Tumatakbo sa isipan kong papayagan na niya akong makatabi sa kama at ang isiping yun ay ang nakakapagpabaliw sa puso ko.

Agad-agad akong nagseryoso ng tingin sa asawa ko.

This is it!

This is the time , mabubuo na ang pinapangarap kong buhay-asawa.

"N-agbago na ba isip mo Lewis?" manghang tanong ko sa kanya at siya naman ay napapantastikuhang nakatingin sa akin at napakunot pa ang noo.

"What are you talking about bitch?!" galit na ang expression na nakikita ko sa mukha niya.

Parang biglaang nawala ng parang bula ang kaninang mala-anghel na ipinapakita niya sa akin. May nanunusok na naman sa dibdib ko.

I want to cry again but crying in front of him won't ease the pain I'm feeling inside my chest.

Crying is not my option right now, it'll be bad if he'll see me cry again and he I might lost this marriage, I promise in the name of love I don't want him to be away from me. It will cause my death.

Natatameme parin ako sa sinabi niya. He still sees me as a bitch! Alright! I am always labeled as a dirty woman on his eyes and I have nothing to change his perception of me if he truly sees me that way. It hurts like hell.

"Umaasa ka na naman bang tanga ka?! As I've said, pack your things in your room and can you see that quarter room for maids?!" pasigaw na sabi niya sa akin sabay turo sa maid's quarter.

Ang sakit lang talaga. Umiinit na naman ang bawat gilid ng aking mga mata, nagbabadya na naman silang tumulo.

I guess hindi na talaga siya magbabago.

But can't he see?!

I'm his wife and letting your wife sleep at the maid's quarter is not normal anymore.

"But L-lewis, I'm your wife and it's not proper if you'll let your wife stay there," tumutulo na naman ang luha ko. I can't control this anymore.

"Could you please stop acting like as if I love you? Because in the first place Samantha sa papel lang kita asawa! At kahit kailan hinding-hindi magbabago ang mararamdaman ko sa iyo. Lagi mong tandaan sampid ka lang sa buhay ko kahit ni isang kusing wala kang pagmamay-ari sa akin!" bakas na bakas sa mukha niya ang sobrang galit.

Yuyuko na sana ako kaso biglaan niya namang kinuha ang aking mukha at ipinagsalikop ng kanyang kamay. Masakit sa panga.

Hindi pa siya nakuntento at kinuha niya pa ang mainit na kapeng inihanda ko sa kanya.

Ibinuhos niya ito sa akin para akong nahalang sa empyerno dahil sa hapdi ng aking mukha, dagdagan mo pa ng mga pasang hindi pa humihilom.

"Tama na Le-wis please stop this, I might d-die," nagmamakaawa kong sabi sa kanya kaso wala parin akong nakikitang ekspresyon sa mukha niya kung hindi poot at galit sa akin.

Hindi ko na kinaya at sinampal ko na siya. Mahina lang ang sampal na iyon pero ramdam kong nasaktan din siya. Akala ko titigil na siya dahil sa biglaan kong pagsampal sa kanya kaso hindi pa siya natinag at kinuha niya pa ang nakahaing pagkain at iningudngud iyon sa mukha ko.

Masakit, sobrang sakit. He was tormenting me like hell. Why did I end up having a husband like him? The man that I love, he's different.

"Mamatay ka na lang babae ka! Wala kang kwentang babae! Hindi mo alam kung gaano mo nasira ang mga plano ko sa buhay wala kang kwenta! Perwisyo lang ang dala mo sa akin!" kitang-kita ko na ang bakas ng dugo sa platong iningudngud niya sa akin.

"Le-lewis, I love you," yan na lamang ang nasabi ko and everything went black.

Nasa kwarto ako ng magising ako. Hindi ko matandaan ang mga nangyayari. Masakit ang ulo at buong katawan ko. Pilit kong inaalala ang mga nangyari. At hindi nga ako nagkamali. It was not just a dream but a real nightmare. Madilim na sa labas ng magising ako at tanaw na tanaw ko naman sa veranda ang mga nagkikislapang bituin sa kalangitan.

Bumangon ako at pumanhik sa veranda at tinatanaw ang mga bituin.

Hindi ko namalayan tumutulo na naman ang luha ko at hindi ko na dapat e-explain kong bakit ito tumutulo.

"Someday, makakahanap din ako ng taong kaya akong mahalin ng buong puso. Yung lalaking mamahalin ako dahil ganito ako at hindi ako pandidirehan dahil lang sa isang maling-akala," as the day goes by pinagsisisihan ko na minahal kita. Another tears escaped from my eyes.

Tumingala ako ulit sa nagliliwanagang kalangitan ang daming bituin ngayong gabi. Sana balang araw magliwanag na ulit ang buhay ko. Hindi yung dinaig pa ang ulan kung makaiyak araw-araw.

I miss Veronica, siya lamang ang nag-iisang taong handang ipagtanggol ako kaso nang dahil sa akin namatay naman siya.

Siguro tama nga si Lewis na isa akong walang kwentang babae.

Marami nang nalagay sa panganib nang dahil sa akin.

Isa lang naman ang gusto ko.

Ang mahalin ako at tanggapin ako na hindi tinatanaw ang mga flaws ko.

Ang hirap kasi magmahal ng isang taong hindi marunong tumingin kung sino ka.

Ang pagtingala ko sa bituin ay siyang nagsilbing daan upang makakita ako ng falling star.

Kahit sabihin nilang hindi totoo ang hiling. Wala akong pakealam dahil kahit ang simpleng paghiling sa bituin susuungin ko.

"Isang hiling lang. Isang hiling lang," pikit mata kong hiningan ng hiling ang bituin.

"Sana balang araw matutunan ko ring mahalin ang sarili ko at kalimutan ang mga taong nanakit sa akin noon at ngayon. Pati si Lewis, gusto ko nang mawala ang nararamdaman ko rito sa loob ng ribcage ko. Isang alas na lang ang hinihintay ko. Isang pasakit at pagkakamali pa Lewis ay hindi ko na sasantuhing kalimutan ka. At kapag dumating ang araw na iyon, kasama ng pagkawala nang nararamdaman ko sa iyo ay maglalaho rin ako ng parang bula."

Someday. Someday. I'll find a way Lewis. Someday.

A Wife's Torment [On-Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon