CHAPTER 1: Techi Girl.

16 0 0
                                    

Thea's POV ..

"Ma,ang bagal bagal ng signal ng wifi natin magkano ba pina load mo? Alam mo naman pong mamamatay ako pag di ako makapag online ee."

Pamaktol na sabi ko kay mama ko.

"Nak,alam mo naman na may pasok bukas dapat natutulog ka ng maaga. Lagi ka nalang puyat kaya 50 lang pina load ko." -Mama ko.

"Mama naman ee."

"Matulog ka na dali na." -Mama ko.

Wala na akong nagawa ganyan talaga si mama ko pagdating sa mga internet internet na ganyan medyo mahigpit pero pag wala naman talagang pasok ay maluwang naman siya sakin. So,kailangan kong magtiis ngayon sa mala pagong na signal na to.

*Scroll*

*Like*

*Scroll*

Ganito nalang ba talaga magagawa ko? Di man lang ako maka pag youtube. Ano ba naman yan!!

*Peep*

Oh? Nagtunog cp ko.

*1 Friend Request*

Sino kaya na naman to? Baka gaya lang din ng dati na mga kano nakikipag friend tapos gusto ng makita ang didi para sa konting halaga. Talaga naman! Ano ako bayaran? No way over my ugly face.

Ang angas pa ng mga gustong sabihin ng utak ko. As usual kasi adik nga diba ay tiningnan ko pa rin kung sino yung nasa friend request ko.

*Click*

"Jeron Li" sambit ko sa pangalan.

Gwapo siya aa. Matangos ang ilong,mapupungay ang mga mata,mapula ang labi basta maganda ang hulma ng mukha niya.

I cocomfirm ko ba o hindi? Para kasing di siya totoo yung bang sobrang perfect na ng mukha niya. Baka photoshop lang to at iba pala ang nagmamay-ari ng account niya?

*Comfirm*

Ay! napindot ko na siya. Dahil dyan sa katangahan ko dapat matingnan ko ang profile niya.

*Click*

Oh? Dami nga niyang pictures at amazing pilot pala ang kinukuha niyang course. Ang galing naman. Madami pa sana akong i cliclick ng ...

*Vibrate*

*Phone Shutdown*

"Ba't ngayon pa!?" Pabulyaw ko pang sabi.

Kainis naman gusto ko pang malaman sana ang tungkol sa lalaking yun pero panira tong cp ko. Maka charge na nga lang. Pag charge ko ay nahiga na ako sa kama ko na maraming iniisip.

Jeron's POV ..

"Boring!!"

Lagi nalang ganito ako sa bahay wala naman kasi akong palaging kasama. Isa lang akong anak at sila papa at mommy laging nasa biyahe sobrang busy. Cellphone nalang ang karamay ko sa buhay. Pindot dito pindot doon.

*Like*

*Like*

*Like*

Boring diba kaya ganito nalang. Pero di ko namalayan na i just click the add friend box sa babaeng to. Okey lang sana kung maganda pero parang hindi ee. Pero pabayaan na nga di naman ata siya mag memessenge sakin at kung gagawin man niya ay di ko nalang siya papansinin. Marami pa akong gagawin bukas sakit pa sa ulo tong si gf wanna be ko.

*Phone Rings*

Tiningnan ko. Di ko nalang pinansin at matutulog na ako bahala ka dyan magtyaga kakatawaq sakin.

"Tulog na ako."

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 27, 2016 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

My Facebook FRIENDWhere stories live. Discover now