3~

19.2K 116 5
                                    




"May handaan sa bahay namin bukas ng gabi. Despidida nila mama't papa bago bumalik sa maynila. Punta ka ha?" yaya ko kay Carl.




"Oo sige."




Nandito kami sa may dalampasigan. Kahit ilang araw na ang nakalipas simula nang gabing yon, hindi pa din maalis sa isip ko ang nangyari. At eto nanaman kami, kaming dalawa lang. Ewan ko ba kung bakit kinakabahan ako. Namumula siguro ako ngayon.




"Bridge.." tawag niya bigla.




"Uhm?" tugon ko lang.




"H-Hindi ka ba nagsisi?"




"Saan naman?"




"Sa nangyari nung gabing 'yun." nakayukong sabi niya.




Natigilan naman ako dun. Ang totoo, okay lang talaga. Hindi ko nga alam kung bakit hindi ko magawang magalit sa kanya. Para bang, kahit anong gawin.niya sa akin, sa katawan ko, okay lang basta siya.




"H-Hindi. Okay lang 'yun. Atleast, experience. Hindi na ako macucurious kung anong pakiramdam pag ginagawa 'yun." medyo natawa ako sa sinabi ko. Ni hindi nga pumasok sa isipan ko dati ang bagay na 'yon. Masyado pa akong bata. Pero wala eh, nakuha na ako.




"Parehas naman nating una yun. Tska wag kang mag-alala, mabuntis ka man, papanagutan kita." sabi niya habang diretsong nakatingin sa mata ko.




Napaiwas ako ng tingin. Bakit parang ang matured niya nung sinabi niya yun? Parang ang lakas ng dating niya. Parang binatang-binata na siya mag-isip.




"A-Ah.. eh.. tara swimming tayo? Malamig ang tubig. Masarap maligo!" aya ko.




Madilim na. Sa tantya ko, alas singko na ng hapon. Malamig ang hangin at tubig.




Hinila ko si Carl at sabay kaming lumusong sa tubig. Lumangoy langoy kami tapos naghahampasan kami ng tubig. Tawa lang ako ng tawa dahil nabubulunan siya sa dami ng nahahampas kong tubig sa kanya.




"Paunahan tayo doon!" hamon niya sa akin sabay turo sa mababatong parte nitong dagat. Medyo malayo at dulo ang parteng 'yun.




"Sige ba!" ako pa ang hinamon niya? Eh magaling akong magswimming 'no. Kaya naman ako ang nauna sa kanya. Isang metro na siguro ang layo ko sa kanya, malapit na ako sa tinuro  niya.





Binilisan ko pa ang pagkampay ng kamay ko sa tubig para mas mabilis ang langoy. Nang maramdaman ko na ang dalampasigan ay tumayo ako at tumakbo na papunta sa buhanginan. Naririnig ko na din ang mga yapak ni Carl patungo sa akin, tumatakbo din siya. Nag-uunahan kami para maka-upo sa dalampasigan. Nahila niya ako sa bewang kaya at muntik na akong madapa kaya napakapit ako sa kanya. Sabay tuloy kaming nahiga sa buhanginan, napa-ibabaw ako sa kanya.





Naalala ko nanaman ang gabing iyon. Biglang nag-init ang paligid kahit basa naman kaming dalawa. Nakatingin lang kami sa mata ng isat-isa. Bigla akong nahiya at agad na bumangon. Tumayo din siya, nagkatinginan kami at sabay tumawa.




"Nauna ako!" sabi niya.




"Ako kaya! Hinatak mo lang ako eh." sabay belat ko sa kanya. Nagtalo lang kami kung sinong nauna. Ipinipilit ko talaga na ako dahil kung hindi niya ako hinila ay nasa buhanginan na sana ako bago siya dumating.





Hot Summer Nights (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon