Journal ni Bestfriend (One-shot)

715 24 2
                                    

Caution, stop, read. Corny to the highest level of corns. Oh, and bad words. Read at your own risk, proceed with caution.

You have been warned.

Journal ni Bestfriend
by EiiBiiWizard

Ahem, ahem. Katahimikan, mga kaibigan. Magpapa-kilala na raw ang pinaka-gwapong nilalang sa balat ng lupa— pinaka-mayabang, kamo.

✧✧

Ang pangalan ko ay Shino— Suzuki, Shino Dez R. And no, hindi po ako kalahating hapon. Yung lolo ng lolo ng lolo ko, ayun po ang Japanese.

Matalino, pogi, mabait, gwapo, gentleman, pogi, hindi mayabang, pogi, gwapo at pogi, pero hindi po mayabang. Hindi pa raw siya mayabang sa lagay na 'yan— slight lang, heh.

Hindi naman sa—

"ILONG NG PINAGPATONG-PATONG NA TIPAKLONG! JOURNAL KO! JOURNAL KO!! Journal ko!!" Naagaw ng sumisigaw na babae ang atensyon ng lahat sa loob ng klase. Kahit yung mga nagha-handa ng report sa likod, napa-tingin na sa pinanggalingan ng boses. Ngunit di kalaunan, ay nagsitanguan na lamang ang mga ito, saka bumalik sa kani-kaniyang ginagawa. Normal na 'to, ang pag-sigaw ni Izumi, kaya nasanay na siguro ang klase.

Izumi Sayuri— ayan po ang half-Japanese sa amin; kalahating Hapon, kalahating megaphone. Best friend ko simula middle school, pero three years ago ko lang napag-tantong crush ko. Syempre hindi niya alam, kaya shh lang kayo! Oh, and she likes to call me bespren. Hindi ko alam kung tututulan ko pa ba o hindi na, pero sige. Bespren nga ang tawagan namin.

"Sandali nga Iz! Ang ingay mo! Nabubulabog buong bayan!" Pasigaw na suway sa kanya ni Ten-ten.

Napatigil si bespren saka itinaas ang dalawang kamay sa ere, trying to over exaggerate what she was about to say, "Buong bayan agad?! Di ba pwedeng classroom muna?!"

"Ang iingay niyo! Ano ba nangyari?!" Again, a shout. Galing ito kay Dan na mukhang gising na.

I really do not get how shouting at each other would help. Mas umingay lang ang klase, at mas nabulabog pa namin ang kabilang room.

Huminga ng malalim si Izumi, saka bumuntong-hininga. Nasabunutan, 'hinila ang buhok' would be more applicable, pa nito si Ten-ten na nasa tabi niya. Though Ten was complaining, she doesn't seem to mind. Tulad ng sinabi ko kanina, sanay na kami sa mga ganitong pangyayari— yung may biglang sisigaw sa room niyo kapag walang bantay— lalo na kapag involved si Izumi.

"Yung journal ko, nawawala. Lahat nando'n." She sighed, "Mula sa schedule ko hanggang sa pinakata-tago kong sikreto. Nandoon 'yon lahat. Paano na lang kung may maka-basa ng mga entries ko? Paano kung may—"

"Wait lang! You mean, yung ayaw na ayaw mong hinahawakan namin na journal mo, nawawala?" Tanong ni Ten-ten, tumango naman si Bespren.

Biglang napa-tungo si Izumi. Napansin ko ang pag-kuyom ng kanyang mga palad at ang pagkagat rin nito sa kanyang ibabang labi. Malapit na siyang umiyak, lagot na.

"Wag ka munang umiyak Iz, hahanapin natin 'yang journal mo." Paga-assure ni Dan sa kanya.

Pero, waepek. Umiyak na nga sya.

Wala akong ibang nagawa kundi ang yakapin siya, "Wag kang umiyak, Izumi. Mahahanap din natin 'yon!"

"P-pero, yung mga entries ko. Pakshet, nando'n lahat ng sikreto ko." Humagulgol siya, kaya hinayaan na lang namin siyang umiyak. Buti nga at hindi chismoso mga kaklase namin at wala nang nag-tanong kung anong nangyari– kung heart broken raw ba siya, kung bumagsak ba siya, kung may nang-away sa kanya. Mga ano niyo!

Journal ni Bestfriend (One-shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon