Bangungot: Ang Matandang Kalansay.

258 5 2
                                    

Ang unang storya na aking ibabahagi sa inyo ay tungkol sa aking nakakabaliw na bangungot. Bago ko pa man simulan, ako nga pala si Ellie, bukas ang third eye. Nangyari ito nung ako ay nasa First Year high school at hindi ko pa alam na may third eye ako. Nung una, iniisip ko na baka dahil sa kapapanuod ko ng mga horror/paranormal at gore movies eh naaapektuhan na ang utak ko. Kaya naman bago matulog ay nanunuod o kaya'y nagbabasa ako ng mga nakakatuwang bagay para hindi managinip ng masama. Pero mali ako. Uumpisahan ko nang ikwento ang bangungot na naingkwentro ko.


"Laging nagsisimula ang senaryo sa kwarto ko kung saan nasa cr ako ng kwarto ko at naghihilamos. Malakas ang sounds at dahil nasa loob naman ng kwarto ko ang cr ay nakabukas ang pinto nito. May matanda na nakatayo sa gilid ng cabinet. Nakayuko ito at may suot na balabal na itim. Hindi nakikita ang mukha ni ang kamay niya. Nakatayo lang siya. Habang ako naman ay lumabas na ng cr at dumiretso na sa kama. Humiga na ako at naglagay ng earphones at eye mask. Ang matanda ay unti unting lumalapit papunta sakin. Pa ika ika ito maglakad at maririnig mo ang paglagutok ng kanyang mga buto. Unti unti itong lumalapit hanggang sa umupo ito sa paanan ko. Hindi ko alam kung gaano siya katagal sa posisyon na yon. Hanggang sa iangat niya ang mukha niya. Napansin kong walang mata ang kanan niyang mata habang ang kaliwa ay butas butas. Halos nakikita na rin ang buto niya sa mukha habang dumudugo ito. Mga sugat at matatabang uod ang makikita sa mukha niya. Nakangiti siya. Literal na abot tenga. Mahaba ang dila. Parang dila ng ahas. Nang akmang hahawak siya sakin, napansin ko ang kamay niyang buto na lang gayundin ang paa niya. Tumabi siya sakin at pinaghehele ako. At hihinto ang bangungot kong yon sa pagtanggal niya ng eye mask ko at tumatawa sa harap ko na animo'y malalaglag na ang panga niya."

Lagi akong nagigising ng alas dos ng madaling araw simula ng bangungutin ako. Natatakot ako na baka totoong nasa kwarto ko siya. Akala ko dahil lang sa panunuod ko ng mga nakakatakot kung kaya nananaginip ako ng masama. Pero isang linggong sunod-sunod na gabing napanaginipan ko ang matandang yon. Sabi ko nga, hindi na normal to. Ikinuwento ko sa mga kakilala ko pero tulad ng iba, matatawa na lang sila. Dahil sa takot kong mangyari ulit, tumabi na ako sa kapatid ko. Pang anim na araw ng mapanaginipan ko muli siya, natatapos ang panaginip na yon sa pagtago niya sa ilalim ng kama ko. Naririnig ko na kumakanta kanta at tumatawa pa siya sa ilalim ng kama. Pagkatapos nun ay nagigising na ako.

Dahil sa takot ko na maulit ulit yun ay pinuntahan ko ang ninong kong pari at ikinuwento sa kanya ang lahat. Sinamahan niya ako magdasal at binendisyunan din niya ako. Takot man pero natulog din akong mag-isa kinagabihan non. Sa awa ng diyos ay hindi ako binangungot. Hanggang ngayon ay hindi ko na napanaginipan pa ulit yon.

Makalipas ang dalawang linggo, dahil naging busy na rin sa Periodical Test ay nawala na rin sa isip ko ang bangungot na yon. Hanggang sa may nagpatindig na naman ng balahibo ko.

Mama: Ellie! Magwalis ka nga diyan sa kuwarto mo! Linggo naman! Dali at paliguan mo itong mga aso pagkatapos!

Sa pagwawalis, ganun na lamang ang hilakbot ko ng makawalis ako ng kumpol na itim at mas maraming puting buhok sa ilalim ng kama ko. Imposible! Wala kaming kasamang matanda sa bahay. Hindi kaya....

FIN

Kababalaghan: Mga Misteryong Hango sa Totoong Buhay.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon