Ang kwentong ito ay mula sa aking kaibigan na si Louisa. May third eye din siya kaya naman binahagi niya sa akin ang unang beses na maka ingkwentro siya ng mga kahindik hindik na pangyayari. 😵
Louisa's POV
Isang gabi na kasama ko ang dalawa kong kapatid na lalaki sa apartment ko, isang pangyayari ang hindi ko lubos maipaliwanag. May third eye ako pero parang mild lang naman kasi sa isang buwan, halos tatlong beses o dalawa lang kung makaramdam ako ng kakaiba. Pero nung gabing yon, para sa akin ang masasabi kong pinaka nakakapanindig balahibo na nangyari sakin.
Kasama ko ang dalawang kapatid ko dito sa apartment ko dahil nag out of town ang parents namin at since nag out of the country naman ang asawa ko ay sinamahan na nila ako. Naghuhugas ng plato nung mga oras na yun si Louie, pangalawa sa aming magkakapatid. Naisipan kong puntahan siya sa kusina para tanungin kung may gusto siyang midnight snack pero laking gulat ko ng makita kong wala siyang ulo! Napaatras ako nun sa takot. Pero sabi nila pag ganun daw, maaring nasa panganib o manganganib ang buhay ng makikitaan ng walang ulo. Kaya kahit takot na takot ako ay nilapitan ko siya at niyakap. Nanaig pa din ang takot ko na baka mapahamak ang kapatid ko. Kaya naghanap ako ng itim na tela at itinabon sa ulo niya tapos ay pinahubad ko ang suot niyang damit at sinunog ko yun. Naguguluhan man siya pero pinaliwanag ko din sakanya kung bakit. Nagtataka siya pero nginitian na lang niya ako. Marahil natatakot din siya para sa sarili niya.
Pangalawang beses na nakitaan ko ng walang ulo si Louie ay noong nanunuod siya ng TV sa sala. Pero ang mas kinahihintakutan ko ay ng makita ko si Loydie, bunso namin, na katabi niya at wala ding ulo! Sobrang takot na takot ako. Kinakabahan din dahil pati ang bunso namin ay nanganganib ang buhay. Kaya tulad ng ginawa ko kay Louie ay ginawa ko din kay Loydie para pangontra sa kung anu mang mangyayari. Halos hindi na ko na sila pinapalabas ng bahay dahil sa takot na baka may mangyaring masama sa kanila.
Makalipas ang isang linggo, dumating na din ang parents namin kaya kailangan na nilang umuwi. Naisip ko na tulungan na silang mag ayos ng gamit nila kaya naman sinimulan ko na ang pag eempake. Bigla kong napansin na simula ng magising ako nung umaga hanggang ngayong tanghali ay hindi ko pa sila nakikita. Naisip ko na baka naglalaro na naman yung dalawa ng PlayStation kaya hinayaan ko muna. Nang makaramdam ako ng gutom saka ko naisipang lumabas ng kwarto para hanapin sila. Ganun na lang ang gulat ko ng makita ko si Louie at Loydie na magkatabi at nanunuod sa sala, tulad ng eksena kung saan una ko silang nakitang walang ulo ay gayundin ang eksena na nadatnan ko. Wala rin silang ulo! Mas pinagtataka ko nung mga oras na yon ay pareho parin sila nang suot sa suot nila nung araw na nakita ko silang walang ulo. Parang naulit ang scenario. Dali dali akong kumuha ng itim na tela, pero pagbalik ko ay wala na sila doon. Hindi ko alam kung bakit pero sa pagkakataong iyon ay kinikilabutan ako.
Agad ko silang hinanap. Pakiramdam ko ay may nais ipahiwatig sakin ang mga nakikita ko. Nagtungo ako sa isang guest room kung saan ko pinatulog si Louie. Wala. Walang tao. Kahit sa kabilang guest room kung saan ang tulugan ni Loydie ay wala din. Bigla kong naalala ang bodega namin. Nagdadalawang isip man ako dahil wala namang dahilan para tumambay sila doon ay pinuntahan ko na rin. Pagbukas ko ng pinto ay sumambulat sakin ang nakabigting katawan ng aking dalawang kapatid.
Ayon sa mga pulis, suicide daw ito. Maaring sabay silang tumalon. Nakatali din ang kamay nila habang naka holding hands. Siguro para maprotektahan at di mahulog ang sulat na hawak nila. Ayon sa sulat, matagal ng may sekswal na nangyayari sa kanila. Gusto daw nila ang isa't isa. Hindi daw nila mapigilan ang hindi magtalik na palagay nila'y naging sakit na nila. Nahihiya daw sila sa pamilya nila dahil sila dapat ang magdadala ng pangalan ng pamilya pero hindi nila magawa.
Noong mga oras na yon parang guguho ang mundo ko. Sobrang close kami kaya napakahirap sakin lalo na sa mga magulang ko. Naisip ko din na siguro isang babala ang nakikita ko na mga pugot na ulo. Akala ko maililigtas ko sila sa kapahamakan. Hindi pala, dahil sila mismo ang may gustong mangyari ang mga ito. Bilang ate, nakokonsensya ako hanggang ngayon.
Ayoko mang mag isip ng kung anu-ano pero baka kaya hindi ko sila nakitaan ng takot nung mga oras na sinabi ko sa kanila ang ibig sabihin ng walang ulo ay baka dahil alam nilang kahit anong gawin kong pangontra ay mangyayari at mangyayari ang kinakatakutan ko. At yun ay ang paglisan nila dito sa mundo.
Fin
BINABASA MO ANG
Kababalaghan: Mga Misteryong Hango sa Totoong Buhay.
NouvellesMahirap paniwalaan ang isang bagay na hindi mo pa nararanasan. Ngunit paano kung bigla silang magparamdam sayo? Maniniwala ka na ba?