...main CHARACTERS:
Lyka Ramirez Dimasikap
Eduardo Naive Dimasikap
Cecilia Romualdez Ramirez
Fortunato "Nate" Gonzales
Carlos "Carl" Perez
Merly Mallari Cabral...
"Nay pasok na po ako! Pengeng baon" sigaw ni lyka sa inang naglalaba sa labas ng bahay."Eto bente anak pagkasyahin mo na yan at medyo kinapos tayo ngaun"
"Ano kaba nay,okay lang ang bente sakin, kelan ba tayo di kinapos saka sanay na ako noh.sige po alis na ako wag kayo masyadong magpagod."sabay halik sa pisnge ng ina.
Habang naglalakad si lyka papuntang sakayan,naisip nya ang ina.
"kawawa naman ang nanay ko alam kong hirap sya mag budget dahil sa kakarampot na sahod ng tatay ko sa constraction pero ayun parin sya di nagkukulang s pangangailangan ko at nagpupumilit tumanggap ng labada para may dagdag kita.wag kang mag alala nay mag aasawa ako ng mayaman para balang araw di kana maglaba sa halip ikukuha kita ng labandera." Bulong ni lyka sa sarili habang nag aabang sa kalsada..
sa sobrang lalim ng iniisip nya di nya napansin ang jeep na dumaan kaya di nya ito napara.dahilan upang mag alala sya baka mahuli n sya sa kanyang unang klase.
At dahil wala paring jeep na nagdaan ay nabahala na sya kaya minabuti nyang maglakad lakad at baka makita nya si mang jojo na nagtatricycle sa pilahan papakiusapan nya ito n magpahatid tutal matalik n kaibigan ito ng kanyang ama at minsan na din syang naihatid nito noong wala din syang nasakyang jeep.palibhasay maliit na nayon lamang ang kanilang lugar kaya hindi ganon ka sagana sa transportasyon masuwerte nga lang si mang jojo at may anak ito sa maynila na nakapag asawa ng mayaman kaya naibili ito ng tricycle.
"Balang araw ibibili ko din si itay ng sasakyan,di lang basta tricycle kundi kotse pa"
"Excuse me miss, can i ask you something"
"Ay! Anak ka ng kotseng mukhang tipaklong ka!"
Napatalon si lyka s gilid ng kalsada na may putik sa sobrang bigla sa tipaklong na nagsalita."anak ng tipak...." Di nya naituloy ang nais sabihin ng tingnan ang pinanggalingan ng boses,,"anak ng....ANGHEL pala na bumaba sa lupa"
Samantalang ang lalaki ay napapangiting nakatitig sa kanya..
"Hey! I'm so sorry kung nabigla kita,i'm Carl Perez.I saw you walking alone and maybe were on the same school because of your uniform.and since i am a transferee can u teach me the exact location of our school?
Hey!!! Are you with me? Miss??"
" ha??? Ah .. Uhh.. I'm lyka.. Lyka Dima..ahh Lyka Ramirez ." Tanging nabigkas ni lyka sa kausap..e ano ngaun kung di nya sinabi ang tunay nyang apelido e sa nakakahiya e.. .at ,sinong di mahihiya at mapapanganga sa kausap nya,bukod sa ingleserong tipaklong...ay este anghel pala e ang gwapo pa...tama anghel nga at hindi sya tipaklong..grabe ang gwapo talaga nya, ano ba ..maputi,makinis,mayaman at ahuh..matangkad kaya sya??
Tila nahihibang na ata si lyka sa kung anu anong naiisip nya." ehem!!! Uhm lyka if u want sabay kana sakin para mas madali tayong makakarating sa school." Gising ni Carl sa natutulog nyang diwa.
"Ha ako?? Sasabay dyan sa kotse mo??? Naku hindi ayoko!! Baka madumihan at magasgasan yan noh,magbayad pa ako.wala akong pambayad,mahirap lang kami"
Natawa si Carl sa sinabi ni lyka. .
"You're so funny you know that?sige na sumakay kana baka ma late pa tayo" sabay bukas ni Carl ng pinto ng kotse..
"Ay susme!!! Perfect!! Siya na nga" bulong ni lyka sa sarili ng makumpirmang matangkad nga si Carl.
"Come on Lyka,sumakay kana dahil ayokong ma late sa first day ko" sabay ngiti ng lalaki.
Si lyka naman ay biglang nagising na tila ba nag sink in din sa kanya kung anong oras na at tiyak na late na din sya kaya kumakabog ang dibdib na pumasok sya ng kotse.
"Diretso lang po manong tapos kanan kayo sa pangalawang kanto tapos kaliwa.matatanaw na po natin ang school nun." Maniobra ni lyka sa driver na batid nyang sya ang inaantay magsalita sapagkat siya ang nakakaalam ng daan at nakatingin ito sa kanya..
Pagdating sa gate ng paaralan ay tinuro nya kay Carl ang office dahil pupunta daw muna to doon at may kakausapin lang.at siya naman ay nagkukumahog tumakbo patungo sa kanilang classroom.
******★******★********★*******★*******★*********★*********★****
Author's section:
Hi guys,,, just keep on reading and pls don' t forget to vote..and follow niyo na din aq.
Enjoy and wait for the daily update... Thank u guys... Love lots.
BINABASA MO ANG
Di Kita Gusto Pero Mahal Kita
ChickLitLumaki si lyka na nakatatak sa isip ang lalaking pinapangarap nya,isang lalaking matangkad,maputi,makinis,at syempre mayaman.In short "full package" o yun bang tinatawag ng nakararami na "ideal guy". Ngunit pano nga ba kung asarin sya ng kapalaran...