I met these people when I was in my third year of High School. And nag umpisa yung crush crush thingy, when I transferred here in Wesley Academy. Mag-isa akong naglalakad noon papunta sa cr ng school para magbihis. Maga-audition ako for Dance Troupe so I need to change. Hindi naman kasi pwedeng sumayaw ako ng nakauniform.
Pangatlong araw ko na noon na pumapapasok sa Wesley Academy and yet wala parin akong friends. Si mama kasi pinalipat pa ako ng school kung kailan dalawang taon nalang gagraduate na ako, kesyo I need to transfer daw kung saan mas malapit sa school ni kuya. Wow no? Ako pa ang nag adjust para lang mabantayan ako ng kumag kong kaptid. Tas ngayon mag isa lang ako? Grabe. Nakakaurat kayang maglakad ng mag-isa! Pero tiniis ko yun, until...
"What the heck?" nagsilaglagan yung mga damit ko na nasa loob ng bag, someone bumped me.
"Sorry," tinutulungan niya akong pulutin yung mga damit ko "I'm really sorry."
Hassle naman! Nagmamadali pa ako e. I was about to stand up nang pag angat ko sa ulo ko I saw someone. Grupo sila ng mga lalaki na nagtatawanan. This boy caught my attention. His smile while laughing. Nakakalaway. Ang gwapo! Kung hindi lang siguro ako nakaupo baka kanina pa laglag yung panty ko.
"Gwapo no?" biglang may nagsalita sa tabi ko, andito pa pala 'to "Sorry ulit ha, hindi kasi kita napansin e." tinulungan na niya akong tumayo.
"It's okay"
"I'm Jersey" ngumiti siya
"Faye." ngumiti rin ako "Anyway, sorry, I gotta go. See you around."
I know ang rude pero nagmamadali na kasi talaga ako e. Malelate na ako sa audition. Kailangan ko pang magbihis!
Tumakbo na ako papunta sa cr. After 15 minutes of changing I headed to our school gymnasium immediately, dun daw ang audition.
Pagkadating ko sa gym, jusme! Bakit ang daming tao? Kaya ko ba 'to? Back out na ba? Ayaw ko pa mandin ng attention... pero hindi pwede! Sayang naman yung effort kong nagpractice. 'Tsaka dancing makes me happy!
"Next," may babaeng nagsalita, member ata ng Dance Troupe "Gabriella Faye Mendez" oh shoot!
Naglingunan yung ulo ng mga tao dito sa loob ng gym. Tumayo ako at umakyat na sa stage. Grabe kinakabahan ako, wala pa naman akong kilala dito. Pero kaya 'to. Fighting!
Pumwesto ako sa gitna ng stage. Saglit lang to, Faye. Malalagpasan mo 'to. After this you'll be a member of the school's dance troupe. Hopefully! I smiled. Inhale. Exhale.
~ Should've Have Kissed You ~
Nagplay yung kanta na sasayawin ko. Kaya nag-umpisa na akong sumayaw. Ramdam ko yung medyo nginig sa katawan ko habang sumasayaw ako. Pinagpapawisan pa ako. Pero kaya ko 'to! Isang minuto lang 'to. Faye, don't mess up!
I should've kissed you,
I should've told you,
Told you just how I feel...
Pagkatapos ng sayaw, feeling ko natanggalan ako ng tinik sa puso ko. Nagpalakpkan rin yung mag taong nanonood. Nagbow ako at pagkaangat ko ng ulo ko, parang tumigil yung mundo ko. Naestatwa ako sa kinatatayuan ko. He's here, watching. Did he see me dancing? Did he watch me? But wait,
He's looking at me.
"Thank you, Gabriella Faye Mendez" kahit pagkababa ko ng stage sakanya parin ako nakatingin. Yun nga lang hindi na siya nakatingin saakin dahil dumating na yung mga kaibigan niya ata.

BINABASA MO ANG
Thought of You
Novela JuvenilAkala ko kasi abot na kita. Akala ko kasi akin ka na. At ang pinakamasakait sa lahat ay akala ko kasi pareho na tayo ng nararamdaman, pero... Akala ko lang pala lahat. Hanggang kailan ba ako lalaban ng patago? Hanggang kailan ba ako aasa sa mga akal...