KEN'S POV
"Gusto kong makilala kung sino 'yung babae'ng mahal mo, Sebastian."
Natigilan ako sa pagtitipa sa keyboard ng laptop nang biglang itanong 'yun ni Lianne.
Kasalukuyan kaming nasa office ko ngayon. Nagpupumilit kasi siyang sumama sa'kin kanina, di ko na pinigilan dahil malelate lang ako sa trabaho kung magbabangayan pa kaming dalawa.
"Kahit naman sabihin ko sa'yo ang pangalan niya, hindi mo naman siya kilala."
Walang emosyong sagot ko sa kanya at ipinagpatuloy na ang ginagawa."I don't care! Just tell me who she is so that I'll know her then!"
"Bakit ba?!"
Yamot na tanong ko sa kanya." Coz I'm so freaking curious and damn paranoid! Habang tumatagal kasi ay lumalakas ang hinala ko na baka si Camille yung babae'ng mahal mo! Si Camille na asawa ng namayapang kapatid mo! Si Camille na hipag mo! Baka nga si Camille 'yun, ang laging hinala ng isip ko!"
Pasigaw na sagot niya sa'kin.Natigilan ako. I couldn't find words to say.
"So tell me Seb, Is she the one you're in love with, isn't she?"
Napalunok ako. How will I answer her?
I was caught off guard. I couldn't tell her the truth. Alam kong magkakagulo lang kung aamin ako.
Napalunok ulit ako bago sinagot ang tanong nito.
"N-no."
Maikling sagot ko at ibinalik na ulit ang buong atensyon sa ginagawa kong presentation."Bakit pakiramdam ko ay nagsisinungaling ka?"
Galit na tiningnan ko ulit si Lianne at sinigawan.
"Sinabi ko na sa'yo na hindi! Hindi si Camille ang mahal ko! Now, kung wala ka naman lang ibang gagawin kundi ang bwesitin at disturbohin ako ay lumabas ka nalang rito at umuwi na! You're wasting my time, Lianne!"
She glared at me.
"Bakit ba lagi ka nalang galit sa'kin ha?! Lagi mo nalang akong tinitingnan na parang ako 'yung pinakapangit na nilalang sa mundo! Pero kay Camille, iba talaga eh! Iba 'yung klase ng tingin mo sa kanya! You look at her like she's the only beautiful thing you've ever seen! I've been watching you Seb ,and I always caught you staring at her! Kaya mas lalong tumindi ang hinala ko eh! Na siya yung mahal mo! I want you to be honest with me, so please answer me honestly. Si Camille ba 'yung mahal mo, Sebastian?"
Hinilot ko ang sentido at tiningnan si Lianne sa mga mata. Hinding-hindi niya talaga ako titigilan kung hindi ko siya tatapatin ng sagot.
"Look Lianne, lagi kong sinasabi sa'yo noon pa man na wala kang mapapala sa'kin. Yes, you are very beautiful and attractive. Pero hindi sukatan ang pisikal sa pagmamahal. I cannot love you the way you wanted me to."
I paused for a while.
Her tears began to fall from her eyes.
"A-and okay.... I'll be honest with you! Yeah, you're right! Si Camille nga ang mahal ko. Si Camille na hipag ko."
Bumalatay ang sakit sa mukha niya.
"I know it's very unlawful to hear, but I love her!"
Nauwi sa hagulgol ang pag-iyak ni Lianne.
Hahawakan ko na sana siya pero pinigilan niya ako.
"Don't touch me! Bakit siya pa! I've been for you since we're 18! And I gave you everything I have, Sebastian! Pero bakit hindi mo pa rin ako matutunang mahalin?! Bakit si Camille pa ha?! Bakit siya pa na asawa ng kapatid mo?!"
BINABASA MO ANG
A Night With My Husband's Brother
RomantikWarning: This story contains mature scenes and violence. Many typos and grammatical errors. So read at your own risks! P.S. This is my first ever story.