#Fear 65: Not The End

3.3K 74 10
                                    

#Fear 65: Not The End

Xenzel’s POV
Bumuntong-hininga ako at umupo sa couch sa isang sulok ng private room ni Celine. Nasa ospital kami ng asawa ko.

KYAAAHAHAHAHAHA! ASAWA NA TALAGA MGA BES! WOOOOHHH!

Okay, balik sa katinuan!

HAHAHAHAH! PASENSYA NA! HINDI LANG KASI TALAGA AKO MAKAPANIWALANG MAY ASAWA NA’KO!

Okay seryoso na talaga magpapakatino na’ko.

Ahem.

“Hay, Celine, hindi mo ba nakikitang nag-effort kami sa pagbili ng bouquet, hoping that you’re already awake when we get here?” Imik ko sabay lapag ng bouquet sa mesang katabi ko.

“Gising na, Celine.” Inalog ni Zypher si Celine. “Snobbish oh.”

Umupo na rin siya sa tabi ko.

“Siguro pagud na pagod na si tita noh?” Bulong ko sa kanya.

“Malamang.” Huminga siya nang malalim. “Kapag nakarating na si tito, makakapagpahinga na rin naman siya.” Balik-bulong niya.

“Nasan ba si tito?”

“Nagtatrabaho sa Azectra. Nasa kanlurang bahagi yun ng Serlande kaya malayo. Sabi ni tita pupunta din naman si tito mamayang gabi. Malamang nagbi-biyahe na yun ngayon.”

“Siguro nag-aalala na yun, fi, noh?”

“Oo naman. Pag tayo nagkaanak, hindi ba mag-aalala ka rin kapag nagkasakit siya? I mean SILA?”

“Hoy grabe ka! Bakit SILA?” Eh! Ano ba itong naging topic namin!

“Kasi lima yung magiging anak natin, diba?” Nakangisi pa ang hinayupak!

“Anong lima! Dalawa lang kaya! Isang babae at isang lalaki!”

“Ano? Diba tatlong lalaki at dalawang babae?”

“Ayoko! Dalawa lang kaya ko.” Binelatan ko siya at humalukipkip ako. “Wag ka nang umangal kung ayaw mong mag-ampon na lang tayo.”

“Tsk. Tatlo.”

“Ano?”

“Dalawang lalaki, isang babae.”

“Magde-deform na katawan ko nun, fi.” Ngumuso ako para maawa naman siya sa’kin. Baka ma-infect na ano ko nun! Huhuhu! Charot!

“Hindi. May ospital ang VEMUS at ipapabanat ko lahat ng stretch marks mo para manatili kang sexy, asawa ko.”

“Shiyet naman oh, wala akong masabi.”

“Okay. So yun na ang final decision, okay? Tatlong anak. Walang bawian.”

“Hindi ako--”

“Hep!” Tinakpan niya bunganga ko! “Wala nang atrasan.”

Nakakatakot naman ‘to!

“Che!” Tinabig ko kamay niya at inangilan ko siya. “Bahala ka. Nagugutom na’ko.” Aabutin ko na sana yung dala naming pagkain pero naunahan niya’ko.

“Subuan na kita, fi.” Nakangiti niyang binuksan yung lunch box namin at kumuha siya ng kutsara’t tinidor.

Aba ang saya siguro talaga niya dahil nanalo siya sa debate namin.

Hindi na’ko nagpakipot. Alam ko namang mamimilit pa rin siya kahit na tumanggi ako.
Kumuha na lang din ako ng kutsara’t tinidor para subuan din siya.

Ghosts and GangstersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon