MASAYANG nakikipag-hi-five si Rubick sa mga kaibigan nitong nakatambay na naman sa lawn nina Lahynna. Mula sa kanyang bintana ay nakikita niya ang grupo. Nang marinig kasi niya ang pangalan ni Rubick na tinawag ni Lanryd ay binitiwan niya ang kanyang laptop at sumilip sa malapad na sliding window para siguraduhing tama ang narinig.
Dalawang linggo rin ang dumaan magmula nang huli itong magpakita sa barkada nito. Hindi naman siya makapagtanong sa kapatid dahil...
Iniiwasan niyang tuksuhin nito.
'He was so upset. At nagse-self-pity.' Naalala niyang sambit ng kapatid nang makauwi na ito galing sa ospital. 'Hindi daw kasi kayo bagay. Ang liit ng tingin niya sa sarili niya pagkatapos nang panibagong natuklasan niya patungkol sa parents niya.' Panunukso ng kapatid.
'Anong bagong natuklasan niya?'
'Hindi ako ang dapat na magsabi sayo.'
Nayamot siya sa bagay na iyon. Alam ng pamilya niya ang problema ng lalaki pero sa kanya ay hindi sinasabi ni Rubick?
Gusto niyang lapitan si Rubick. Konsolahin. Kausapin. Pero napipigilan siya ng mga salitang binitiwan nito sa kanya sa ospital: 'Hindi ko kailangan ng isa pang tao na magpapakita ng awa sa akin.'
Naaawa lang ba siya kay Rubick kaya ganoon na umaantak ang puso niya kapag naiisip kung gaano kalungkot ang buhay nito? At tinatakasan iyon sa pamamagitan ng kung anu-ano?
Siguro.
Pero hindi niya maipagkakamali sa awa ang atraksyong naramdaman niya rito nang una siyang halikan ng binata. Pero pwede rin naman na libido lang iyon. Di ba at kaya nga madali niyang ibinigay ang sarili rito? Dahil umatake ang kanyang libido.
Ewan.
Hindi niya alam.
Maski siya ay nalilito na rin sa sarili. Kaya nga pinili niyang huwag munang makita si Rubick. Na mas pinadali ng binata sa pagiging missing in action nito.
Kaya lang, kung kailan hindi na nga niya ito nakikita, nami-miss naman niya ito. Parating sumasalit sa isip niya ang gwapong mukha nito, ang ngiti nito. Kung minsan pa ay bigla nalang siyang natitigilan kapag naririnig niyang nabanggit ng alinman sa kanyang pamilya ang pangalan ni Rubick.
'Ate, nung sinabi ko na hassle siyang maging boyfriend, gusto ko nang bawiin 'yun. He was such a great man. Totoong magmahal.'
"Hahawakan ko na ang DJP." Narinig niyang sambit ni Rubick mula sa ibaba.
"Aba! Anong nakain mo at biglang gusto mo nang tanggapin ang offer ng tatay mo?" kantiyaw rito ni Tim.
"Nabagok ang ulo nung maaksidente. Ayan, bumalik sa liwanag." Nag-high five ang iba pa sa sinabing iyon ni Simon.
Tawa lang naman ang sagot ni Rubick.
"Lanryd, nandiyan ba ang... ate mo?"
Sukat pagkarinig sa tanong na iyon ni Rubick ay mabilis siyang lumayo sa bintana. Napahawak pa siya sa dibdib. Kay bilis ng tibok noon na parang anumang sandali ay tatalon palabas ng kanyang dibdib. Kinakabahan siya na na-e-excite na hindi niya maintindihan.
Bakit siya hinahanap ni Rubick?
"Ate, bumaba ka na dito! Alam naman namin na kanina ka pa naninilip!" Narinig niya ang pasigaw na tawag ng kapatid.
Nag-init ang mukha niya sa pagkapahiya. Gunggong din minsan itong si Lanryd.
Pero papatalo ba ang pride niya? Lumapit siya sa bintana. Dumungaw roon. At eksakto namang mga mata kaagad ni Rubick ang nasalubong niya. Mas tumindi ang sasal ng kanyang dibdib. And it was such a beautiful feeling. She felt alive again after a long time that she was dead. Pakiramdam na mas gusto niyang namnamin kesa pigilan.
BINABASA MO ANG
Love, Trust And Brokenhearts (Completed)
RomanceRepublished; Written by Gazchela Aerienne For Rubick, Lahynna is different from the women that come and go into his life. She was special. He found it out from the very first time she smiled at him. She was never a flirt. So pure and clean-the words...