NAPAHAGIKHIK si Lahynna nang marinig na napapasinghap ang asawa sa tuwing lalapat ang mga labi niya sa leeg nito.
"Wait, 'til we get to our cottage." Tila nagbabantang sambit nito.
Pero sa lahat ng pagbabanta, iyon na yata ang pinakaexciting!
"Ambagal mo naman kasi! Bilisan mo na nga." She teased him.
Ikinawag-kawag niya ang mga paa habang pangko ng asawa.
"Medyo hilo ako e. Nakadami yata ako ng nainom." Tugon nito na alam niyang totoo.
Medyo mamula-mula nga ang makinis nitong pisngi. At medyo mapungay na din ang mga mata nito. Na lalo lang naging kaakit-akit sa kanyang mga paningin. Busy na ang lahat sa kasiyahan, kaya nagpasya na din silang magpaka-busy sa isa't-isa. Tutal ay malalim na din naman ang gabi.
At ang loko, napag-trip-an pang kargahin siya. Ganoon daw ang gawain ng mga magha-honeymoon.
"Edi hindi ka na makakapag-perform?"
Ngumisi ang kanyang asawa. Nakakaakit ang mga labi nito, hindi na siya makapaghintay na angkinin ang mga iyon.
"Parati akong may reserve energy para sayo." Dahil sa husky na boses nito ay mas lalo yata siyang nasabik makarating sa cottage nila.
"Here we are!" Malakas na anunsyo nito habang binubuksan ang pinto ng kanilang cottage.
Ibinaba siya ni Rubick sa kama. Pero bago pa ito makalayo sa kanya ay kinabig niya ito sa batok at siniil ng maalab at nananabik na halik.
Parang kay tagal na nanghuli niyang matikman ang mga labi nito samantalang kanina pa nga nilang nilalapa ang labi ng isa't-isa sa harap ng marami. Mukhang tuwang-tuwa ang loko sa tuwing may table silang lalapitan sa reception at nagre-request ng kiss ang mga iyon. At hindi naman niya itatanggi na maging siya man ay ikinasisiya ang kakulitan ng mga bisita.
Sabik na sabik na siya sa asawa. Ito ang unang gabi nila na magiging legal na sa paningin ng Diyos at sa paningin ng mga tao ang kanilang pagtatalik. At pakiramdam niya magiging napaka-espesyal noon. Lalo pa at umaasa siyang may mabubuo sa magaganap.
Sandali lamang ay tulad na din niya si Rubick. Kasing alab at kasing sabik na rin ng mga halik niya ang bawat paghagod ng mga labi nito sa kanya.
Naramdaman ni Lahynna ang mga maiinit na kamay nito sa likuran niya. Masuyo ang paghagod na nais niyang malasing sa masarap na sensasyong dulot noon.
He started to unzipped her wedding dress. Sandali nitong inabandona ang nananabik pa niyang mga labi. At kitang-kita niya ang pagbaha ng paghanga at pagnanasa na may kasamang madaming uri ng pagmamahal habang nakatunghay ito sa kanya, iniluluwa ng kanyang suot ang malulusog niyang dibdib na tila lalong nagpaigting sa pangangailangan nito.
Muling bumaba ang mga labi nito sa kanya. Ang mga kamay nito ay marahang humila sa kanyang bewang patayo. Tuluyang nahubad nito ang damit pangkasal. Habang siya naman ay sinimulan na ring hubaran ito. May pagmamadaling inalis niya ang pagkakabutones ng puting long-sleeve polo. Nasa pangatlong butones palang siya nang abutin ng mga kamay nito ang kanyang dibdib at mapagmahal na kumarinyo. Napasinghap siya ng malakas nang bumaba ang mga labi ni Rubick sa kanyang leeg.
Ungol at singhap ang naging tugon ni Lahynna sa ginagawa ng asawa.
She voluntarily arched her body to meet his. Para siyang sinabuyan ng sandamakmak na masarap na sensasyon sa ginagawang pagpapala ng asawa sa kanyang mga dibdib. She felt like exploding in so much passion and desire.
Tuluyang rumagasa ang mapusok na damdamin sa kanyang buong pagkatao. Na siyang nag-uudyok sa kanya na maging mas mabilis rin sa paghuhubad sa asawa.
BINABASA MO ANG
Love, Trust And Brokenhearts (Completed)
RomanceRepublished; Written by Gazchela Aerienne For Rubick, Lahynna is different from the women that come and go into his life. She was special. He found it out from the very first time she smiled at him. She was never a flirt. So pure and clean-the words...